"Uuwi na ako Coligne." Paalam sa akin ni Jona.
Bakas sa mukha nya ang pagod at pagkalungkot. Tinanong ko sya kanina kung may problema ba pero marahan lang syang umiling.
"Sige mag-iingat ka." Sagot ko, ngumiti lang sya ng tipid at ibinaling ang atensyon kila Faustin, Marie at Diary.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong nya sa tatlo.
Mabilis na tumayo si Marie habang sila Diary at Faustin naman ay nagliligpit na ng mga kalat.
"Sabay-sabay na tayo!" Sigaw ni Marie habang palapit sa amin.
Hindi ko napansin na kasunod nya pala si Vincent at kanina pa nakatingin ng masama sa akin.
Ano na naman bang problema nya?
"Lets talk outside." Mariin nyang sabi at mabilis na hinawakan ang palapulsahan ko bago hilahin palabas.
Awtomatikong napakunot ang noo ko, magpoprotesta na sana ako nang bigla nalang kaming huminto sa isang puting innova. Kumatok sya sa bintana, agad naman iyong bumukas.
"What?" Nakakunot ang noo ni kuya Kobe habang nakatingin sa aming dalawa. Saglit na nagpabalik-balik ang tingin nya sa amin.
Hindi ko napansin na nandoon na pala sya.
"Can I borrow your car?" Seryosong sabi ni Vincent.
Matagal silang nagkatitigan bago umangat ang sulok ng labi ni kuya Kobe. Napa-iling pa ito bago mabilis na lumabas sa sasakyan at inihagis ang susi kay Vincent.
"No need, we're just going to talk." Mabilis na sabi ni Vincent saka pabalik na inihagis ang susi.
Binuksan nya ang pinto ng backseat.
"Get in," Matigas nyang utos habang ang mga mata ay nanatiling malamig.
Padabog nyang isinara ang pinto, hindi ko tuloy maiwasang mapapikit dahil sa gulat.
"Bakit?" Pabulong kong tanong sa kanya.
Pinasadahan nya ang mukha gamit ang mga kamay. Sa sobrang liit ng espasyo dito sa loob ay rinig na rinig ko ang mabibigat nyang paghinga.
Pinagmasdan ko syang mabuti, nakatikom ang mga labi habang ang perpekto nyang mga panga ay paminsan-minsang gumagalaw. Ang mahaba nyang pilik-mata ay mas lalong nadepina dahil sa mariin nitong pagkakapikit.
Kusang umangat ang kamay ko para haplusin ang pisngi nya. Dahan-dahan syang dumilat saka bumaling sa akin. Matagal syang nakatitig lang sa akin bago tuluyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa mukha nya.
"I'm sorry." Mahina kong sambit kahit hindi ko alam kung para saan.
Sorry for everything.
Sorry, dahil alam kong mas masasaktan pa kita ng higit pa dito. Kinagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang sariling maisatinig ang nasa isip.
Lumambot ang ekspresyon nya dahil sa sinabi ko. Kinagat nya ang pang-ibabang labi bago nagsalita.
"Don't be sorry, I should be the one who's apologizing here." Inabot nya ang isa ko pang kamay at hinawakan iyon ng katulad sa isa.
Nagbaba ako ng tingin para panuorin kung paano nya iyon haplusin gamit ang dalawa nyang hinlalaki.
"I just want you to keep a distance from that boy." Pagpapatuloy nya sa sinabi.
Marahan ko syang tinanguan ng hindi tumitingin sa mga mata. I know he's jealous again.
"Look at me Coligne." Matigas nyang utos na nakapagpaangat ng aking mga mata at diretso syang tinitigan.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
Roman d'amourBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...