Malalakas na busina ang nakapag-pabalik sa aking wisyo.
Mabilis akong tumakbo, hindi ko na narinig ang iba pang sumisigaw sa akin. Hindi pa ako tuluyang nakakatawid ay pinaharurot na nila ang kanya-kanyang sasakyan. Kahit nanginginig ang mga binti ay sinikap kong maglakad.
Sa sobrang pag-iisip ko sa nakita kanina habang tumatawid sa kalsada ay hindi ko namalayan na napahinto ako sa gitna.
Napa-angat ang ulo ko ng may naramdaman na humawak sa aking kamay at mabilis akong hinila hanggang makatawid sa kalsada.
"V-vincent," Tawag ko sa pangalan nya dahil sa pagkagulat.
Mabilis nya akong ikinulong sa kanyang bisig and that's makes me calm down. Muntikan na akong masagasaan kanina, I can't believe it!
"What happened?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.
Mas-isinubsob ko ang mukha sa dibdib nya saka niyakap sya ng mahigpit. Kusa na akong bumitaw sa pagkakayakap kahit mabigat pa ang nararamdaman ko.
"Okay na ako medyo masama lang ang pakiramdam ko." Pinilit kong magsalita ng maayos. Tinitigan nya muna ako bago tumango saka pinagsalikop ang dalawa naming kamay.
"Gusto mong magpahangin muna?" Tanong nya sa akin habang nagmamaneho.
Alam kong kanina pa sya kating-kati na tanungin kung bakit ako nasa gitna ng kalsada pero kahit ako rin ay hindi alam ang dahilan. Maybe because I'm too pre-occupied with my thoughts.
"Gusto ko ng umuwi." Simpleng sagot ko, malalim ang ginawa nyang pag buntong hininga bago tumango sa sinabi ko.
Hindi ko pinansin ang mga mata nyang titig na titig sa akin habang bahagyang pinipisil ang aking kamay. Pagpasok namin ng bahay ay bumungad sa amin si kuya na nakahalukipkip at mukhang kanina pa ako hinihintay.
Agad na nagsalubong ang mata naming dalawa. Nakita ko pa ang pagbaba ng tingin nya sa kamay namin ni Vincent na magkahawak.
"Ice, Let's talk." Mabilis na na binaling ni kuya ang tingin kay Vincent, kusa kong kinalas ang magkahawak naming kamay at naglakad na patungo sa kwarto.
"Later, just let me talk to Coligne first." Narinig ko pang sabi nya bago nagmadaling habulin ako.
"I'll give you 5 minutes, Vincent." Banta ng kapatid ko. Isasara ko na sana ang pinto ng kwarto pero mabilis iyong napigilan ni Vincent.
Masyado na akong pagod para pansinin pa sya kaya dire-diretso ako sa kama para humiga tinanggal ko lang ang sapatos ko bago mariin na ipinikt ang mga mata.
Naramdaman ko ang presensya nya sa gilid habang nakatayo. Tinakpan ko ang mga mata ng sariling braso. Ilang segundo din syang hindi gumalaw sa kinatatayuan ang buong akala ko ay aalis na sya dahil hindi ko sya pinapansin.
Ganun na lang ang pagkagulat ko ng maramdaman ang paglundo ng kama, napa-angat ang braso ko na nakapatong sa aking mata. Bahagya kong binuksan ang mata, nakaupo na sya at maingat na inaalis ang medyas sa paa ko.
Nagtama ang mga mata namin, ang kulay abo nyang mata ay tila maraming gustong itanong. Sya na ang naunang nag-iwas at marahan nyang hinila ang kumot para takpan ang kalahati ng katawan ko.
"Just rest, you'll be okay." Malambing nyang sabi.
Sinapo nya ang kanan kong pisngi at marahang hinaplos iyon. Idinukwang nya ang kanyang mukha kaya kusa akong napapikit, hinintay ko ang pagdampi ng labi nya sa aking noo. Nang inilayo na nya ang labi ay saglit nya pa akong tinitigan. Ngumiti sya sa akin pero bago pa man sya makatayo ay mahigpit ko ng hinawakan ang kamay nya para pigilan sya.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomantizmBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...