Ganon na lang ang kaba sa dibdib ko ng makita si Vincent, wala sa sariling napalunok ako at napa-iwas ng tingin.
Bakit ganoon syang tumitig? Parang ako pa ang may nagawang kasalanan?
Hindi ko sya pinansin at dire-diretsong naglakad papasok, naramdaman ko ang pagsunod nya sa akin.
"You're with that boy again, huh?" May halong galit at pait ang boses nya.
Mahina lang iyon pero sapat para marinig ko, huminga muna ako ng malalim at umaktong normal bago sya hinarap.
"May ginawa kaming project, I want to rest Vincent because I'm tired." Mahinahon ngunit may diin kong pagkakasabi.
Nakita ko kung paano mas lalong nadepina ang kulay abo nyang mata at ang pag-igting ng panga nya, ibinaba ko ang mga hawak na gamit sa lamesa at saka naupo.
"Right, it's a fucking project." Sarkastikong bigkas nya saka nagpakawala ng mapaklang pagtawa. Bumaba ang tingin ko sa aking paa at pinagmasdan ang biniling tsinelas ni Faustin sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil kusang bumalik sa isip ko ang nakita kanina.
Bakit ba sya pa ang galit? Sya nga itong may ibang babaeng kasama sa picture at kulang na lang ay halikan nya iyon!
"Bakit ba galit na galit ka? Wala naman akong ginagawang masama!" Hindi ko na mapigilan ang pagka-inis sa mga tono nya. Padabog akong tumayo at naglakad para umakyat sa kwarto.
Mabilis nyang hinablot ang kamay ko at pilit na hinarap sa kanya. Iwinaksi ko iyon, napangiwi ako dahil mas lalo nya lang hinigpitan. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Pagod ako, gusto ko ng magpahinga, please umuwi kana muna." Walang gana kong sabi, tinitigan nya lang ako ng masama para bang may mali akong sinabi.
"Bakit ano ba ang ginawa nyo at napagod ka?" Malamig nyang tanong at may halong sarkasmo, agad akong napakunot sa sinabi nya. Mariin kong pinaglapat ang labi.
Ako pa talaga ang pinagdududahan nya! Ganoon ba ang tingin nya sa akin? Eh sya nga lang ang hinahayaan kong humawak sa akin ng ganoon.
"Wag mo akong itulad sayo at lalong-lalo na si Faustin. Hindi sya fvckboy na katulad mo kung sinu-sino ang niyayakap tapos ipo-post pa sa social media acount!" Bulyaw ko habang dinuduro sya. Totoo naman! Simula noon pa man ay kabilaan ang babae nya isa sa mga dahilan kung bakit ayoko sa kanya!
Halos kilabutan ako sa klase ng titig na ibinibigay nya, binitawan na nya ang kamay ko bago yumuko habang kinakamot ang kanyang kilay. Marahas akong napalunok ng makitang umigting ang panga nya, habang ang isang kamay ay mariin ng nakakuyom.
Umatras na ako pero hindi maalis ang mga mata ko sa kanya, namumula na agad ang tainga at leeg nya.
"What happened?" Napabaling ako kay kuya na nakatingin na sa amin.
"Nothing, we're just going to talk." Sagot ni Vincnet at mabilis nya akong hinila papunta sa kwarto ko.
"No monkey business Ice!" Narinig kong sigaw ni kuya bago kami tuluyang makapasok.
Mabilis nyang ni-lock ang pinto at binitawan ang kamay ko, marahas pa syang napahilamos sa mukha.
"Is that what you think of me?" May halong pait na pagkakasabi nya. Hindi ako umimik at lakas loob na sinalubong ang mga titig nya.
"Please, Vincent ayokong makipagtalo ngayon gusto ko ng matulog." Mabilis akong tumalikod at hindi pinansin ang tanong nya.
Hindi nya ako hinayaang makalapit sa kama dahil hinila nya ulit ako paharap. Akmang sisigawan ko pa sana sya ng walang sabing sinakop nya ang labi ko. Halos hindi ako makahinga sa ginagawa nyang paghalik. Ramdam ko ang galit at gigil nya roon, pnilit kong huwag pumikit at buong lakas syang itinutulak.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...