Halos tapos na ang lahat mag exam kaya naghahanda na rin kami para sa darating na school event at dahil ako ang class president siguradong magiging abala ako ngayong Linggo.
"Sino ang gustong mag-volunteer?" Inikot ko ang tingin sa mga kaklase ko.
Napangiwi agad ako ng makitang sila Jona at Marie lang ang nagtaas ng kamay.
"Christie ayaw mo ba?" Tanong ko sa isang kaklase.
Hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap ni Jona at ang pagnguso ni Marie dahil hindi ko sila pinansin, mabilis ang pag-iling na ginawa ni Christie.
"Hindi ako pwede Coligne bawal sa relihiyon namin iyon." Pilit na ngumiti ito at nag-iwas ng tingin.
"Si Jona o kaya si Marie na lang." Dagdag nya sa sinabi, tumango ako para iparating na naiintindihan ko ang dahilan nya saka tinignan ang dalawa kong kaibigan na nakataas ang noo.
"Brain with beauty dapat!" Tutol ni Marwin
"Wag kang epal! Willing na nga kaming mag-volunteer eh!" Angil ni Jona habang humalukipkip pa.
Tama ang sinabi ng kaklase ko, kailangan piliin mabuti kung sino ang dapat na isasali sa pageant. Parehas naman silang maganda pero kapag si Marie ay siguradong bagsak sya sa Q and A. Kapag naman si Jona ay siguradong hindi nya seseryosohin ang pagsagot.
"Let's just vote, majority wins." Suhestiyon ko, nagtanguan naman silang lahat.
Sa huli ay si Jona ang nanalo dahil mas malakas sya sa mga kalase namin na babae.
"Sino naman para sa lalake?" Tanong ko habang isinululat ang pangalan ni Jona.
Nagtatalo ang mga babae kung sino ang gusto nilang isali. Hinayaan ko na silang mamili dahil alam kong halos karamihan sa mga kaklase kong lalake ay gwapo. Kaya nga lang mahina pagdating sa academics.
"Si Marwin na lang gwapo din naman sya." Sabay tawa ng mga kaklase ko sa sinabi ni Angelo.
"Sige subukan nyong i-partner sa akin yan at itutulak ko yan sa stage!" Banta ni Jona sabay irap, napangiti ako sa sinabi nya.
"Seryosohin na natin, para maipasa ko na din sa faculty office ang list." Malumanay kong sabi, bigla silang natahimik na parang nag-iisip.
"Si Faustin na lang kaya." Nagsalubong ang paningin namin ni Marie.
Nakita ko ang nakakalokong ngisi nya halos lahat kami ay napalingon sa kinauupuan ni Faustin. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat nya nang marinig ang pangalan. Umawang ang labi nya na parang itinatanong kung ano iyong pinag-uusapan.
Sabay-sabay naman na nagsitanguan ang mga kaklase ko. Muli kong ibinalik ang tingin kay Faustin na hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam mukhang hindi sya nakikinig sa pinag-uusapan namin. Simula noong huli naming pag-uusap ay naging tahimik na sya at parang laging malalim ang iniisip.
"Gusto ng mga kaklase natin na ikaw na lang ang sumali sa pageant kasama ni Jona." Paliwanag ko sa kanya. Mabilis na nagsalubong ang kilay nya sa sinabi ko. Nakitaan ko agad ng hindi pagsang-ayon ang reaksyon sa mukha nya.
"Ayoko wala akong alam sa ganyan." Matigas nyang sabi habang umiiling.
"Sige na Faustin, pretty please." Pakiusap ni Marie sabay pinagdaop pa ang dalawang palad.
"Matatalo lang tayo kapag ako, sayang contribution." Walang ganang sabi ni Faustin kay Marie.
"Don't worry, ako bahala sayo tuturuan kita rumampa." Masiglang sabi ni Jona at mabilis na lumapit kay Faustin, naghiyawan naman ang mga kaklase ko.
"You should try." Narinig kong sabi ni Diary na tinanguan naman nila Jona at Marie.
Nakita ko ang pagbaling ni Faustin sa kanya at saglit silang nagtitigan. Sa huli ay napabuntong-hininga na lang si Faustin bago itinuon ang mga mata sa akin.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
Любовные романыBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...