Almost 2 months na din simula ng umalis si Faustin pero kahit na malayo sya ay hindi nya kami nakakalimutan kamustahin. We always video call every free time just like now.
Nakapatong ang baba nya sa palad at seryosong nakikinig sa mga ikinukwento ni Jona at Marie. Nasa labas sya ng classroom nila habang nagmimieryenda.
"Napansin ko lang bakit parang blooming ka yata ngayon Diary?" Nagtatakang tanong ni Jona na nakapagpabaling ng atensyon namin sa kanya. Well speaking of Diary, there's something new in her aura. Napansin ko na lagi na syang naka-lipstick at nakaayos ang buhok, which is not her usual things before.
"May boyfriend ka na?" Kuryoso nilang tanong, hindi sya sumagot sa halip ay nagkibit-balikat lang ito.
"Manliligaw?" Tanong naman ni Jona ngunit hindi ulit kumibo si Diary. The conversation about her and video calling Faustin ended there when our teacher came in.
Nang matapos ang klase namin ay nakatanggap ako ng message kay Vincent na hindi sya makakapunta sa school para mag-lunch kasabay ko dahil mayroon daw silang practice sa table tennis.
Kaya napagdesisyunan kong pumuna nalang muna sa library. Medyo marami ang estudyante ngayon kaya nahirapan akong makahanap ng bakanteng lamesa. May nakaupo na rin sa paborito kong pwesto kaya sa huli ay sa dulo ako napunta. Agad akong napahinto ng biglang mag-angat ng ulo ang lalaking nakaupo doon.
Pamilyar sa akin ang mukha nya ang alam ko ay galing ito sa last section at sikat ito dahil sa grupo nya na mahilig makipag-aawy. Wala na akong nagawa kung hindi umupo na lang, siguro naman ay hindi nya ako susuntukin dito.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng tumunog ang cellphone ko naramdaman ko ang pag-angat ng kaharap ko dahil doon.
Napangiti agad ako ng makitang si Vincent iyon pero mabilis din na nawala ng mabasa ko ang message nya.
"I can't fetch you now, May practice pa kami. I'm sorry, baby."
I replied to him and said it was okay. But deep inside me, I'm disappointed.
-----
"Ang init naman dito." Hinawi nya ang nakasabog na buhok, saka pinaypayan ang sarili gamit ang dalawang kamay. Kanina pa nagrereklamo itong si Jona sa tabi ko samantalang sya ang nagpresinta na sumama dito.
"Konting tiis na lang patapos na yung game." Sabi ko ng hindi siya nililingon at nakatutok lang sa naglalaro.
"Kanina pa ako naasar sa mga nagtitilian na yan hah! Parang sila yung girlfriend. Sumigaw ka din kaya Coligne." Nakakunot ang noong sabi ni Marie habang tinititigan ng masama yung tatlong babae na nasa harapan namin.
Nakaupo sila kung saan nakalagay ang mga bag nila Kuya at Vincent. Itinuon ko na lang ang pansin kay Vincent habang naglalaro ng table tennis. Basang-basa na rin ng pawis ang buhok at damit nya. Buti na lang talaga ay nagdala ako ng face towel at tumbler para sa kanya. Sadyang magagaling din ang nakalaban nila kaya natagalan bago natapos ang laro.
Napatalon ako sa tuwa dahil nanalo sila, mabilis kong dinampot ang dalang face towel at tumbler para puntahan sila. Nakangiti akong bumababa at tatawagin na sana sya ng biglang may babaeng lumapit sa kanya.
Kusang nawala ang ngiti ko at huminto sa paghakbang ang aking mga paa nang makilala kung sino iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Nakatulala na lang ako habang pinapanood ang pag-abot nung babae ng tubig at marahang idinampi ang hawak na bimpo sa leeg ni Vincent.
Then suddenly, all the doubts and insecurity that I've been hiding are showing up now.
Humigpit ang hawak ko sa bottle at dahan-dahang naglakad palapit sa kanila. Nakatalikod si Vincent sa amin kaya hindi nya pa kami nakikita. I don't know if it is a good thing that he doesn't know about my visit, I've said that I can't make it.
"Ate!" Narinig kong sigaw ni Diary mula sa likod ko, napatingin naman sa banda namin iyong Darriet at nakangiti pang kumaway.
Napigil ko ang hininga ng lumingon din sa amin si Vincent kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at mabilis na naglakad kung nasaan si Kuya. My hand was trembling, and my breathing became fast. Without any words, I handed the drinks and face towel to Kuya. He was shocked but accepted it after.
"Why are you here?" Striktong tanong nito sa akin bago sinenyasan ang babaeng katabi nya, agad naman na tumayo iyon at umalis. Hindi ako kumibo sa halip ay nag-iwas lang ako ng tingin. Nakita ko ang pagbaling ni Kuya sa likod ko na nakapagpakunot sa noo nya, tumayo ito at inakbayan ako.
"Let's go home." Matigas nyang sabi at may pagkainis sa kanyang tono.
Magsasalita sana ako para sabihing kasama ko ang mga kaibigan ng biglang may humawak sa kamay ko.
"Baby," Malambing na tawag ni Vincent na nakapagpapikit sa akin ng mariin. Ayoko syang kausapin ngayon, baka kung ano lang ang masabi ko.
Maramin akong gustong itanong pero huwag muna ngayon. I need to calm myself first.
"Just go there and finish your business with Darriet." Malamig na sabi ni Kuya at kinalas ang pagkakahawak ni Vincent sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi, baka kasi mag-away na naman sila ng dahil sa'kin.
"That's nothing. You knew it very well, Cole." Matigas nyang sabi.
"Uuwi na din kami ng mga kaibigan ko kuya. Napadaan lang kami dito." Walang emosyon kong sabi at matapang na sinalubong ang mga mata ni Vincent. Nang hindi ko na matagalan ay ako na ang nag-iwas ng tingin.
Ganoon ba ang gawain nya kapag wala ako? Madalas pa rin ba silang magkadikit ng ex nya? Iniisip ko palang ay sumasakit na ang dibdib ko. Ilang araw na nga kaming hindi nagkikita tapos ito pa yung madadatnan ko.
"Ihahatid ko na kayo." Mabilis nyang sagot, akmang hahawakan nya ulit ako sa kamay ng mabilis ko iyong iniwas at masama syang tinignan.
"Just let her go, Ice" Walang ganang utos ni Kuya pero sinamaan lang sya ng tingin ni Vincent at binalewala ang sinabi nya.
"Let's go girls, mukhang busy naman sila sa iba." Pasaring na sabi ni Jona at ipinalupot ang kamay sa akin. Buti na lang at nag-aya na rin sila Jona, sinulyapan ko saglit si Diary na kinakausap ang kapatid. Hindi ko maiwasa na mas lalo pang sumama ang loob mo kay Diary. Simula pa lang ay siguradong may alam na sya katulad ni Faustin.
"Ihahatid ko na kayo pauwi." Pag-aalok ulit ni Vincent, hindi ko sya nililingon at diretso lang ang tingin.Pilit nyang hinahawakan ang isa kong kamay pero pasimple ko naman iyong binabawi.
"Naku! Huwag na, kaya naming umuwi. Nakarating nga kami dito ng hindi mo sinusundo eh. Di'ba Coligne?" Sarkastikong tumawa si Jona.
"Oo nga bumalik ka na doon mukhang ima-massage ka pa nung babae kanina." Dugtong naman ni Marie.
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko dahilan para tingalain ko sya. Madilim ang mga mata nyang nakatingin sa mga kaibigan ko at parang gusto na silang patulan.
"Kay Kuya kami sasabay." Matigas kong sabi, isang beses na umigting ang panga nya bago pinatunog ang sasakyan. Hindi parin sya bumibitaw sa pagkakahawak sa akin.
Konti nalang ay gusto ng tumulo ng luha ko pero hindi ako papayag na makita nya iyon.
"Let her go, Ice." Narinig kong utos ni Kuya, parang wala syang balak na pakawalan ako kung hindi lang umait ang coach nya at tiniwag sya para sa awarding.
Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan nya ako, nagkatitigan kami saglit bago ko sya tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...