Chapter 2

6.2K 102 6
                                    

"I'm very disappointed with the result of your exam. But at the same time, I'm glad because Ms. Manuel and Mr. Laurente got the highest score." Nakangiting anunsyo ng subject teacher namin.

Wala sa sarili akong lumingon sa likod. Blangko lang ang emosyon nya habang diretso ang tingin sa harap. Humigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen at mabilis na ibinalik ang atensyon sa harapan.

Sa lahat ng papuring natanggap ay ito na ata ang pinaka-ayaw ko. Dahil alam ko na hindi dapat para sa akin iyon.

"As expected ang ating class president parin ang nangunguna sa academics. Everyone make her your role model, a beauty with brain." May halong paghanga na saad ng guro namin.

Kung dati ay natutuwa ako at nagagawa ko pang ngumiti tuwing pupurihin nya ako ngayon ay hindi na. Kahit isang pekeng ngiti ay hindi ko magawa. Bahagya akong yumuko para matakpan ang kabang nararamdaman.

Hanggang sa matapos ang klase ay hindi pa rin maalis ang pangamba sa loob ko. Pakiramdam ko'y parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko.

"Coligne let's go, nagugutom na ako." Aya ng kaibigan kong si Marie. Tumango lang ako saka tahimik na sumunod sa kanila.

"May problema ba Coligne?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Diary, bumuntong hininga muna ako bago sya sinagot.

"Medyo napuyat lang ako kagabi." Sabi ko bago tipid na ngumiti para maibsan ang kaba.

Habang kumakain at nagkukwentuhan sila, tahimik naman akong nakikinig. Aminado akong hindi ako ipinanganak na matalino katulad ni Diary. Kung ano man ang meron ako ngayon ay pinaghirapan kong makuha ito.

Hindi biro ang ginawa kong pag-aaral para maging una sa klase. I spent many nights studying hard.

"Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang mag-college. I'm sure mas mahirap ang exam doon." Maarteng sabi ni Jona sabay irap sa ere.

"Mag-aral ka kasing mabuti hindi yung puro lalaki ang nire-review mo " Seryosong sabi ko, nakita kong umasim ang kanyang mukha.

"Nagre-review din naman ako palagi pero laging below 50 pa rin ang nakukuha ko. Buti pa sila Coligne at Diary, chill lang palagi. Nagagawa pang tumanga kapag nasa klase." Inosenteng sabat ni Marie, natawa naman ang dalawa sa sinabi nya.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at itinuon na lang sa pagkain.

"Marie, read with comprehension kasi dapat, sa pag-ibig lang ginagamit ang katangahan hindi sa pag-aaral." Prankang sabi ni Jona kay Marie.

Natawa lang kami ni Diary sa sinabi nya bilang pagsang-ayon. Well, I can't agree more buti na lang at may mga kaibigan ako na katulad nila.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa banda kung saan nakaupo si Faustin. Mag-isa syang kumakain sa pinaka gilid ng cafeteria habang may librong nakalapag sa lamesa nya. Awtomatikong naglaho ang ngiti sa aking labi.

Seryoso syang nagbabasa habang nakahalukipkip ang mga kamay. Ngayon ko lang napansin ang maaliwalas nyang mukha palagi kasi syang tahimik at nakayuko. Matangos din ang ilong nya at medyo mahaba ang buhok sa harapan ng mukha.

Sinasadya nya yatang takpan ang mata.

"Don't tell me that you like Faustino?" Nakataas ang kanan na kilay ni Jona ng sabihin iyon.

Napatingin silang tatlo sa akin habang hinihintay ang isasagot ko. Ibinalik ko ang tingin sa kanila bago nagawang ngumisi.

"Not my type." Simple kong tugon na nagpakunot ng mga noo nila.
Nakita ko pa ang pagbaling ni Jona kay Faustin bago ito hinagod ng tingin.

Seducing My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon