"Ice, kanina ka pa namin hinahanap nasa table na ang mga special guest mo." Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa aming dalawa ni Vincent.
Nakahubad ito at tanging shorts lang ang suot. Habang nakahawak sa bewang ng kaibigan kong si Jona na ngayon ay halos mapunit ang labi sa pagkakangiti.
"Sige susunod na lang ako, Bench." Seryoso nyang sabi at muling ibinaling sa akin ang atensyon. Nanatili ang titig ko sa kaibigan at masama itong tinitigan.
"Coligne, tara sa table nila alam kong kanina ka pa nabo-bored." Nakangising aya ni Jona sabay hila sa braso ko. Hindi na ako tumutol pa dahil gusto ko din naman na makaalis na.
Dinala kami ni Bench sa isang circular couch, may mga nakaupo na roon at bawat lalaki ay may kaparehang babae na mukhang pinagkaitan ng suot.
Magkatabi kami ni Jona sa upuan at sa gilid nya naman ay si Bench na nakaakbay sa kanya.
Nagulat nalang ako nang pinalihis ni Vincent ang lalaking katabi ko saka sya ang pumalit.
Nagkukwentuhan lang sila tungkol sa game na naganap kanina. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila dahil wala akong alam sa pinag-uusapan nila.
"Napakagaling talaga ni Ice at Cole. Kahit na long service ay nakukuha paring ibalik ang bola." Puri ng lalaking kaharap namin.
Player si Kuya at Vincent ng table tennis, sigurado akong nanalo na naman sila.
Nagkibit-balikat lang si Vincent sa sinabi ng lalaki at iniangat ang basong hawak saka sumulyap sa akin.
"Ang gwapo talaga ni Cole kanina, kahit na naliligo na sya ng pawis." Nakangising saad ng isang babae.
"Yup, kaya maganda din itong bestfriend ko eh, nagmana sa Kuya nya." Muntikan na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa pagsabat na iyon ni Jona.
Sinamaan ko sya ng tingin, kahit kailan talaga papansin ito.
Nabaling tuloy ang atensyon nila sa akin at bahagyang naningkit ang mga mata. Sinusuri kung totoo ba ang sinasabi ng kaibigan ko. Yumuko lang ako at uminom ng tubig.
"No doubt, kaya pala maganda itong kasama mo Jona." Puri ng lalaki sa harap ko.
Binigyan ko lang sya ng isang tipid na ngiti. Inilahad nya ang isang kamay at nagpakilala sa akin.
"I'm Anthony." Agad kong tinanggap ang kamay nya dahil nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin.
"Coligne" Mahinhin kong sabi pagkatapos ay binitawan ko na din agad ang kamay nya.
Nakita ko ang kaunting pagkadismaya ng bawiin ko na ang kamay ko sa kanya.
"By the way, anong department ka?" Tanong naman ng isang katabi nya na medyo singkit.
Tumikhim ako bago sumagot, pero bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na ako ng katabi ko.
"Senior highschool palang ang dalawang yan." Sabay turo ni Vincent sa aming dalawa ni Jona.
"Ilang taon kana nga pala?" Painosente nyang tanong sa akin sabay pabirong umakbay saka ngumisi ng nakakaloko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago inalis ang braso nyang nakaakbay sa akin.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
Любовные романыBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...