"Failure is the opportunity to begin again more intelligently."
Failures and mistakes often stop people from carrying on. However, mistakes offer you lessons and opportunities to improve, so keep going.
-Henry FordIsang malalim na paghinga ang ginawa ko bago isinara ang librong binabasa.
Paano niya nasabing lahat ng nagawa nating mali ay kaya tayong bigyan ng bagong opurtunidad?
That's bullshit!
Kunot ang noo ko habang inililigpit ang gamit, it's already 5:20 pm. Abala ako sa ginagawa ng may umagaw ng atensyon ko.
"Sandali lang." Mahinang tawag ng pamilyar na boses mula sa likod ko.
Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo sa pinagmulan ng boses na iyon. Napansin ko kaagad ang pamilyar na kulay ng kanyang mga mata. It's Faustin Laurente, he is one of my rival when it comes to honors.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko habang tahimik syang pinagmamasdan.
Marahan nyang binasa ang labi habang ang mga mata'y may pag-aalinlangan. I forgot to mention that even though he's a genius he loves to skip classes but he still manages to ace the quiz or exam. And I admit it, I envy him.
Gwapo rin ito at tahimik lang. I can say that he's my type.
"Nakita ko ang ginawa mo." Mahina ang pagkakasabi nya pero sakto lang para marinig ko.
Saglit akong nagulat pero mabilis din na nakabawi.
Nakaramdam man ng kaba ay pilit kong itinago at pinalitan ng malamig na ekspresyon. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim bago sya diretsong tinignan.
"Ano ba ang sinasabi mo, Faustin. Hindi kita maintindihan." Alanganin akong ngumiti at kunwaring tinignan ang aking relo.
"Kailangan ko ng umalis may gagawin pa ako." Dugtong ko pa at mabilis syang tinalikuran pero nakakadalawang hakbang palang ako nang magsalita sya ulit.
"Nakita kong kinuha mo ang questionnaire sa faculty office kahapon." May diin nyang pagkaka-sabi, naikuyom ko ang aking palad at mabilis na humarap ulit sa kanya.
Mabilis na ang paghinga ko habang mariin na magkalapat ang aking mga labi.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? You're accusing me. Hindi ko kayang gawin iyon." Sinagot ko sya ng may sarkastikong tono.
Hindi naman mainit pero pinagpapawisan na ako ng matindi. Nagsisimula na rin na mangatal ang mga binti ko.
"You want evidence?" Mapang-uyam na sabi nito at itinaas ang cellphone na hawak. My face went cold and I felt the deep hollow in my stomach.
Mabilis kong nilingon ang paligid bago hinablot iyon gamit ang nanginginig na kamay. Pero agad nyang ibinulsa ang hawak na cellphone.
"Ipapakita ko ito sa Dean." Walang emosyon nyang sabi saka ako tinalikuran. Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. Ilang beses akong napamura sa isipan bago sumuko.
Isang beses ko lang naman iyon ginawa at bakit kailangan maging big deal sa kanya?
Gusto kong mangatwiran dahil hindi lang naman ako ang gumagawa ng ganoon. Yung iba nga ay paulit-ulit pa!
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomansaBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...