The idea of him and his ex-girlfriend makes me sick. Matagal ko nang isinantabi ang kaisipan na baka mahal pa nya iyon. Just for the sake of our relationship, if it is true that he's still into his ex then what will happen to me?
"Baby, please listen to me." He pleaded, and after a long argument about who would drop me off at our house, I decided to go with him.
"Bukas na lang tayo mag-usap." Walang gana kong sabi, akmang bubuksan ko na ang pinto ng bigla nya ulit iyong isinara pabalik. Dahil doon ay napigtas ang manipis na pasensyang kanina ko pa itinatago. Sa inis ko ay buong lakas kong itinulak ang balikat nya gamit ang dalawang kamay.
"Wala kang dapat ipaliwanag dahil nakita ko naman na lahat! Yung pag-abot nung babae sayo ng tubig tapos tinanggap mo naman. Yung pagpunas nya sa pawis mo nakita ko rin yon Vincent! I knew that she's your ex." Sumbat ko sa kanya, pilit kong pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.
Ikinuyom ko ang kamao at matapang na sinalubong ang mga mata nya bakas sa mukha nya ang pagkagulat. Bahagya pang umawang ang labi nya na parang merong gustong sabihin. Inabot nya ang mukha ko at ikunulong sa dalawa nyang palad saka mataman akong tinitigan.
"I'm sorry, I didn't know." Nahihirapan nyang sabi, mas lalo lang nagpuyos ang damdamin ko sa galit.
"Alin ang hindi mo alam? Hindi mo alam na pupunta ako doon para panoorin ka?" Malamig kong tanong saka nagpakawala ng pilit na tawa, mabilis ang ginawa nyang pag-iling.
"Ganoon ba ang ginagawa mo kapag wala ako sa tabi mo? Ilang araw lang tayong hindi nagkita tapos pa ang makikita ko. Edi sana nakipag-break ka na lang sa akin." Pilit kong pinatapang ang boses. I know it's childish to say that, but I can't help it. I don't know any solutions to fix my ill feelings.
"There's nothing going on between us, please believe me." Masuyo nyang sabi at marahang hinaplos ang aking pisngi. Kahit na sinabi nyang walang namamagitan sa kanila ay mas lalao lang tumulo ang kanina ko pa pinipigilan na luha.
"Sshh, please don't cry. I l-love you baby. I really do." Paos nyang sabi habang pinupunasan ang luha ko.
Ano naman kung nagsinungaling sya? My other self said I want to slap myself because of that.
Isang beses lang naman at wala ito sa kasinungalingang ginawa ko sa kanya noong umpisa. Sa huli ay marahan akong tumango. Everyone deserves a second chance, and he deserves mine.
Naramdaman ko na lang ang paghapit nya sa akin at mahigpit akong niyakap. I realized that I'm weak when it comes to him. My love for him is powerful enough to erase and set aside all my pain and doubts.
--
"Bakit mo sa akin tinatanong? Kay Ice mo tanungin sya ang nakakaalam nyan." Halata ang pagkairita sa boses ni Kuya.
"Natanong ko na sa kanya pero gusto ko lang malaman kung totoo ba 'yon." Malungkot kong sabi sa kanya at sinimulan ng kagatin ang tinapay na binigay nya. Nagsalubong ang mga kilay nya at itinukod ang dalawang kamay sa lamesa.
"You need to understand it, Coligne. Hindi sa lahat ng bagay ay kailangan mong magselos. Don't be immature when it comes to your relationship." Seryoso nyang sabi at mabilis na lumapit sa akin.
"Kuya sorry, hindi ko alam ang dapat kong gagawin, ngayon ko lang sya nakitang may kasamang iba tapos.." Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil mabilis tumulo ang luha ko. Tila ba mayroon pang gumugulo sa isipan ko kahit na tinanggap ko naman ang paliwanag ni Vincent noong nakaraan. Hinawi nya ang takas na buhok ko at ikinulong ang aking mukha sa kanyang mga kamay.
"What did he said?" Maingat na tanong nya.
"K-kaklase daw nya yon, p-pero.." Sabi ko sa pagitan ng paghikbi, hindi nya ako pinatapos magsalita at mabilis na niyakap.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...