Isinubsob ko ang ulo sa study table at malakas na nagbuntong-hininga.
Kanina ko pa tinititigan yung assignment ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin. Kung bakit ang hina ko pa naman sa math lalo na at tulala ako kanina habang nagtuturo ang teacher namin."Kasalanan mo ito Ice Vincent Guison." Sambit ko saka ginulo ang buhok.
Agad kong kinuha ang cellphone para tignan kung may message ba akong natanggap mula sa kanya. Mas lalo kong isinubsob ang sarili nang kahit isang message ay wala.
Iniangat ko ang ulo ko ng makarinig ng katok sa pinto. Ibinaling ko ang tingin at nakitang nakasilip si Kuya roon.
"Coligne, kakain na bumaba kana d'yan."
Agad din akong tumayo at sumunod sa kanya. Nakita ko si mama at papa na nakaupo na sa lamesa. Sabay silang napatingin sa amin ni Kuya habang pababa.
Nang makaupo na kami ay tumikhim si papa at ibinaba ang hawak na dyaryo. Napabaling naman kami ni Kuya sa kanya.
"How's your study hija?" Tanong ni Papa gamit ang striktong boses.
"I'm still doing good Papa." Mahinahon kong sagot bago pilit na ngumiti.
"Doing good is not enough, study hard would be better." Segunda naman ni mama, masunurin naman akong tumango at hindi na sumagot pa.
Ito ang dahilan kung bakit mas pipiliin kong mag-aral kesa maggala sa mall kasama ang mga kaibigan. Gusto kong lagi akong nakakakuha ng mataas na grades. Dahil gusto kong mapabilib ang magulang ko sa akin, gusto kong lagi nila akong napapansin at pinupuri.
Pero kahit na top 1 pa ako sa klase ay parang normal na bagay lang iyon sa kanila at mas pinipilit pa akong mag-aral ng mabuti. Kahit na hirap na hirap na ako ay nagsisikap parin akong mag-aral.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin kaagad sila mama at papa para magtrabaho kahit na Sabado ngayon.
Bumalik din agad ako sa kwarto para gumayak dahil ngayon kami pupunta sa bahay ni Faustin.
High waist na shorts ang sinuot ko at tinernuhan ng itim na halter top at sandals. Nagbaon din ako ng pamalit dahil alam kong may ilog sa kanila at maliligo kami nila Jona. Nagmamadaling bumaba na ako ng marinig ang malakas na boses ni Jona at Marie.
"Good morning Kuya Cole." Masiglang bati ng dalawa kay Kuya. Habang si Diary ay tahimik lang na umupo sa sofa at sinulyapan saglit si kuya.
"Good morning din." Bati nya habang nakakunot ang noong tumayo at mariin na sinuri ang suot ng mga kaibigan ko.
Huminto ang mata nya kay Diary na mas lalong nakapagpakunot ng noo nya.
Naka-summer dress na kulay pink si Marie at si Jona ay naka jump short na off shoulder habang si Diary naman ay fitted black sando at nakamaikling short katulad ko.
"Kuya aalis na kami." Pag-agaw ko ng pansin sa kanya. Ngayon ay sa akin naman ito nakakunot saka bumaba ang tingin sa suot ko.
"Where are you going?" Halata sa boses nya ang pagka-inis. Ngumuso ako saka nag-isip kung sasabihin ko ang totoo baka kasi hindi ako payagan.
"Meron po kaming group project sa bahay ng classmate namin." Singit ni Jona mabilis din akong tumango para makumbinsi sya.
Pero mukhang hindi ito naniniwala, humalukipkip sya sabay sandal sa counter table namin.
"And wearing clothes like that?" Puna nya tumaas ang kilay nya kay Jona sabay turo sa mga suot namin.
"Malapit sa ilog ang bahay ng classmate namin na si Dianne may balak din kaming maligo pagkatapos." Napabaling kaming lahat kay Diary na ngayon ay tumayo na pagkatapos magsalita.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...