"V-vincent" Nauutal kong tawag sa pangalan nya dahil sa pagkabigla.
Hindi sya nag-abalang lumingon sa akin, diretso lang ang tingin nya kay Faustin habang naka-igting ang mga panga.
Tumayo na rin si Faustin habang seryoso ang mukha. Sumulyap ito saglit sa akin bago ibinalik kay Vincent.
Mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak nya sa palapulsuhan ko, napangiwi ako sa sakit.
"Hindi ko alam na isasama mo din pala ang boyfriend mo dito Coligne." Kalamadong tanong nya sa akin habang ang mga mata ay na kay Vincent pero hindi nakaligtas sa akin ang sarkasmo sa tono nito.
"Pasensya na hindi ko din inaasahan na pupunta sya dito." Nahihiya kong paliwanag. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng mga kaibigan ko habang nakatingin sa amin.
"Let's go," Matigas na pagkakasabi ni Vincent at tila walang pakialam sa mga nakatingin sa amin.
Nagmatigas ako at pabalik na hinablot ang kamay pero dahil mas malakas sya ay hindi man lang ito natinag.
Magkasalubong na ang kilay nya at halata ang galit sa mga mata habang ang mga labi ay mariin na nakatikom.
"May gagawin pa kaming project hindi pa kasi namin nasisimulan." Nakita ko ang pagtalim ng tingin nya sa akin pababa sa katawan ko.
Mapang-uyam syang ngumiti bago nagsalita.
"Akala ko tapos na, kasi mukhang iba na ang ginagawa n'yo." I'm feel so guiltily that I can't prolonged my eyes on him.
"Kami na ang bahala doon Coligne mauna na kayo." Napabaling ang atensyon ko kay Diary.
Ang dalawa naman ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa kamay kong hawak pa rin ni Vincent.
Tinanguan lang ako ni Faustin upang ipaalam na okay lang na mauna na ako. Hindi ko na nagawang magpasalamat dahil halos kaladkarin na ako papasok sa sasakyan ni Vincent.
Saglit ko syang sinulyapan, napakagat ako sa labi ng makitang blangko parin ang ekspresyon nya.
I know it's part of our plan but I can't deny the fact that it also affects me and I don't know why.
"Akala ko ba ay ihahatid mo na ako sa bahay?" Nagtataka kong tanong pero kalaunan ay bumaba na rin sa sasakyan.
Malalaki ang hakbang nya habang nakapamulsa kaya lakas takbo ang ginawa ko para makasabay sa paglakad nya.
Huminto sya sa isang kubo at may kinausap na matandang lalaki.
"Sige, diretso lang kayo doon sa taas may bakante pang isang floating gazebo." Sabi ng matanda at may inabot itong papel na may numero.
Nanlaki ang mata ko nang mahulaan ko kung ano ang ginagawa namin dito.
Napasinghap ako nang humarap sa akin si Vincent na seryoso pa rin ang mukha habang nakatingin sa suot kong damit na basang-basa.
Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpalit dahil bigla na lang nya akong hinila.
"Kukunin ko lang mga gamit sa sasakyan, sa itaas kana magbihis."
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...