Marahan kong ginagalaw ang mga binti habang nakalubog sa malamig na tubig. Itinukod ko ang dalawang kamay sa bandang likod saka itiningala ang ulo. Masyadong makinang ang kalangitan ngayon parang gusto ko na lang titigan iyon magdamag.
Simula nang tumuntong ako ng highschool ay itinuon kona ang buong atensyon ko sa pag-aaral. Bihira akong sumama sa mga ganitong party maliban na lang kung may kinalaman ito sa mga competition na sinasalihan ko.
Mas pipiliin kong magkulong lang sa kwarto at magkabisado ng mga formula. Kaysa sumama sa mga ganitong party.
"Ako ba ang iniisip mo?" Ibinaba ko ang tingin kay Vincent na ngayon ay nakalubog na sa tubig habang curious na nakatingin sa akin.
Hinagod nya pataas ang buhok na nakabagsak at halos matakpan na ang kanyang mga mata. Naningkit ang mga mata nya habang ang dalawang kamay ay itinukod sa magkabilang gilid ng hita ko.
"Hindi ka ba nilalamig?" Pag-iiba ko ng usapan, nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi nya.
"Giniginaw nga ako eh, kailangan ko ng body heat." Biro nya sa saka lalo pang lumapit sa akin.
Idinikit nya ang malapad na dibdib palapit sa akin at bahagyang ibinuka ang hita ko para makapwesto sya sa gitna. Agad naman akong pinamulahan ng pisngi.
"Vincent, baka kung ano ang isipin nila lumayo ka nga." Medyo natataranta kong sabi habang pilit na itinutulak sya.
Mas lalo lang nyang inilapit ang sarili at ipinaikot ang mga bisig sa baywang ko. Habang ang binti ko naman ay nasa magkabilang tagiliran nya.
"Don't worry busy sila, saka wala dito ang kuya mo." Malambing nyang sabi bago kinagat ang pang ibabang labi, halatang nagpipigil sya ng ngiti. Inilibot ko ang paningin sa paligid kung totoo ang sinasabi nya.
Medyo madilim sa pwesto namin dahil nasa bandang dulo kami ng malaking pool at ang halos karamihan ay nasa bungad dahil maraming ilaw doon at malapit sa mga pagkain.
"Pero kahit na." Mahinang sagot ko sa kanya.
Kahit na malamig ang simoy ng hangin at ang tubig ay mas nangingibabaw ang init ng katawan nya.
"Five minutes lang Coligne. I just want to be alone with you." Malambing ang tono ng boses nya na tila nagmamakaawa.
Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanyang mukha. Sobrang namumula ang labi nya at mas lalong nadepina ang panga nya. Idagdag mo pa ang kaunting tubig na tumutulo mula sa basa nyang buhok padaan sa pisngi at pababa sa leeg.
Bagay sa kanya ang wet look, bahagya akong napangisi dahil sa naiisip. Nahahawa na yata ako sa kaibigan kong si Jona.
Napapitlag ako ng hawakan nya ang kamay ko, dinala nya iyon sa kanyang pisngi. Babawiin ko sana ang kamay ko pero hindi sya pumayag at ipinirmi iyon sa mukha nya.
Kumislap ang kulay abo nyang mata, umigting ang panga nya habang seryosong nakatitig sa akin.
"It's ok, you can touch or hold me whenever you want." Malalim ang tono ng boses nya.
Marahan nyang pinisil ang nanlalamig kong kamay.
"You can touch this." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng inilagay nya ang kamay ko sa sentido nya at iginaya ito pahaplos hanggang sa panga.
"This..." Ngayon naman ay sa ilong nya dinala at huminto sa mapupula nyang labi.
"...and this." Hanggang sa malapad nyang dibdib ay nakarating ang kamay ko.
Agad akong pinamulahan dahil sa sobrang pagkasabik."This is all yours babe. I'm all yours now." Pagpapatuloy nya sa sinasabi saka matamis akong nginitian.
Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil sa sobrang sinseridad ng pagkakasabi nya. Hindi ko alam ang isasagot ko, should I say 'thank you ?' Or 'no thanks?'
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...