Queen 3
"Late ka ata, Irene?" Tanong ni Carry sa akin pagkatapos ng klase namin."May nangyari lang pero okay na" Lumapit ako sa kanya.
Paano ako hindi malalate kung ayaw akong pakawalan ni Supremo? Nakipag-away pa ako sa kanya. Hindi ko kasi gustong sumabay sa kanila. Sa rami ng mga babaeng nagkakagusto sa kanila, possibleng mapahamak ang buhay ko. Ang sabi pa niya 'You're my queen. You deserve to be treated like a real queen'. Kikiligin na sana ako ng maalala na pwedeng mapahamak ako dahil sa kanya. At buti na lang pumayag siyang ibaba ako malapit sa school kung saan walang masyadong estudyanteng dumadaan.
"Nga pala, pumunta ako sa inyo kahapon. Bakit sinisira yung bahay ninyo, Irene? Inaayos ninyo ba yun?" Umiling ako sa kanya.
"Binenta na kasi ni manang yung lupa kaya kaylangan na naming umalis dun" Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Carry.
"Saan na kayo tumitira ngayon? Wag mong sabihing sa kalsada kayo tumira ni Ken?!"
"Sa kaibigan namin kami tumitira" Napa aray ako ng hampasin niya ako sa balikat. Pinandilatan niya ako ng mga mata.
"Ako lang ang kaibigan mo at hindi naman palakaibigan si Ken! Ang sinungaling mo na!"
"Paano naman nasabing walang kaibigan si Ken?"
"Magkakilala na tayo simula noon. Kilalang kilala ko kayong magkapatid. Don't me" Bumuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Hindi talaga ako nakakapagsinungaling sa babaeng to "Kung hindi lang may gyera sa bahay, dun ko kayo papatirahin. Pero alam mo naman hindi pwede. Ayoko kayong madamay sa gyera"
Simula noong bata pa kami ay kilala na namin si Carry. Siya din ang tumulong sa amin ni Ken noon para may makain kami kahit alam kong walang wala din si Carry. Mahalaga si Carry sa akin, tinuring na namin siya na parang kapatid.
"Kumusta pala sa bahay ninyo?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagsimangot niya.
"Pinapalayas na naman ni Lola ang mga impakta. Ang mga impakta tudo ang iyak. Paawa effect sila kay daddy. Tapos sinabi pa ng tsanak na anak na din siya ni daddy. Like duh! Hindi ko naman siya kadugo!" Tumawa ako sa expression ng mukha niya.
"Irene, pinapatawag ka ni ma'am" Natigil kami ni Carry ng may nagsalita sa harap namin. It's Jess. Isa sa mga sikat na babae sa eskwelahan.
"Eh, bakit nakataas na naman ang kilay mo dyan Jess?" Iritang tanong ni Carry. Alam namin ni Carry na naiinis si Jess sa akin. Palagi ako nitong pinagtritripan kasama ang kaibigan niya. At ang kaibigan nito ay ang tinatawag ni Carry kanina na tsanak.
"Because your friend is a teacher's pet, Carry" Maarteng sabi ni Demi.
"Hindi teacher's pet si Irene. Demi, wag mo kong susubukan baka mamayang gabi sa kalsada kayo matutulog ng mama mo. After all, tsanak ka lang naman" Naging pula ang mukha ni Demi dahil sa sinabi ni Carry.
"Wag kang makialam dito Carry. Remember i'm the Supremo's Queen. Kayang kaya kitang paalisin dito kapag sinabi ko kay Supremo" Hindi ko alam pero nainis ako dahil sa sinabi niya. Gumagawa siya ng kwento tapos tinatakot niya si Carry!
"Go ahead" Hamon ko sa kanya.
"Excuse me" Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin at may mga tao na huminto sa classroom namin para makisosyo.
"I said go ahead. Magsumbong ka sa Supremo mo o baka gusto mong samahan pa kita para hindi hassle" Napahawak si Carry sa akin dahil sa sinabi ko "Wag mo kaming tinatakot Jess. Kung gusto mong mapansin ng mga guro. Mag-aral ka. Hindi yung paganda ka lang ng paganda. Excuse me" Hinatak ko si Carry palabas ng room. Pinagtinginan pa kami ng mga taong huminto sa classroom ng lumabas kami.
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
Ficção AdolescenteWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...