Queen 10

3.5K 114 12
                                    

Queen 10

"Matulog ka na" Inayos ko ang higaan niya at umupo sa tabi niya. Nakita ko ang pagbusangot niya "Bakit na naman Supremo?!"

"I don't want to sleep" Naiinis na ako kay Supremo. Isa na lang at sisipain ko na talaga siya. He's acting like a kid. Kahit pag-inom ng gamit, gusto niyang ako pa ang gumawa.

"Anong gusto mong gawin ko? Kaylangan mong matulog"

"Aalis ka kaya hindi ako matutulog"

"Kaylangan ko ring magpahinga. May sugat rin kaya ako" Tinuro ko ang leeg ko.

"Dito ka lang" Gustong gusto ko na siya sabunotan dahil sa inis.

"Kaylangan ko ngang magpahinga!" Inis kong sabi sa kanya.

"You can't leave me here" Mabilis siyang umiling "You can't. What if my wounds get worse for missing you? Eh hindi ako gagaling"

"Supremo!"

"Please. Di ba sabi mo kanina na kasalanan mo naman kaya sisisihin na kita ngayon. Kasalanan mo to kaya hindi ka pwedeng umalis"

Nabagok ba ang ulo niya at ganito siya umarte ngayon. Mukhang nahampas talaga siya ng baseball bat. Kung umarte parang bata.

"Matulog ka na!"

"Where's my goodnight kiss?"

"Supremo, sumusobra kana!" Bigla siyang patalikod na humiga sa akin.

"My head hurts. Damn!" Nataranta ako sa sinabi niya at pinilit na paharapin siya.

"Humarap ka nga sa akin! Bakit masakit? Diba di ka naman nahampas?"

"Ang sakit din bigla ng buong katawan ko"

"Bakit ba kasi sumasakit?"

"Mas sasakit pa nga to kapag hindi ka dito matulog at walang goodnight kiss" Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Kanina pa talaga ako iniinis ni Supremo. His taking advantage on the situation!

Wala akong nagawa kundi humiga sa tabi niya. Mabilis naman siyang humarap sa akin na may ngiti.

"My goodnight kiss?"

"Wag kang abuso, Supremo. Dito na nga ako matutulog, gusto mo pa ng halik. Walang halik, wala"

"Tsk!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit "Queen"

"Hmm" Inilagay niya ang ulo ko sa braso niya at hinalikan ang ulo ko.

"Goodnight Queen"

"Goodnight Supremo"

Nagising ako dahil sa paghaplos ni Supremo sa mukha ko. Naramdaman ko din ang maliliit niya halik sa ulo ko. Ang hilig niyang halikan ang ulo ko. Tsk!

"Wake up, Queen. I'm hungry" Napadilat ako at tinignan si Supremo. Inayos niya ang buhok ko at ngumiti "Kaylangan mo pang ipatingin sa doktor ang sugat mo"

"Hindi naman to malala. Ikaw nga tong maraming pasa at sugat" Umupo ako.

"I told you that only your kisses can heal my wounds. Come on, kiss me" Tinignan ko siya ng masama "Tapos yung good morning kiss ko pa, hindi mo nga binigay sa akin yung goodnight kiss"

Hindi ko na lang siya pinakinggan at pumasok sa kwarto ko. Bahala siya. Kumunot ang noo ko ng makita si Ken sa loob ng kwarto ko.

"Bakit nandito ka?"

"Hala! Ate, galing ka sa kwarto ni Kuya! Pinagsamantalahan mo ba si Kuya?!" Tanong ng kapatid ko na parang may multo siyang nakita.

"Ano bang nasa isip mo?! Ken!" Napaatras siya dahil sa sigaw ko. Kinagat ko ang labi ko "Ayaw akong paalis kagabi ni Supremo kaya dun ako natulog. Wag kang mag-isip ng kung ano ano"

"Okay" Tumango tango pa siya.

"Bakit ka ba nandito?"

"Ate, nandito nga pala si Tita Candy" Natigilan ako sa sinabi ni Ken.

"Bakit daw siya nandito?" Napakagat ako sa labi ko "Paano nila nalaman na nandito tayo?"

"Hindi ko din alam. Kaylangan daw niya ng pera Ate. Alam mo bang nandito din si Ate Rere?" Nasa mukha ni Ken ang tuwa. Mukhang tuwang tuwa siya dahil nakita niya ang kamag-anak namin pero kabaliktaran ang nararamdaman ko. Hindi ako natutuwa. Walang tuwa akong naramdaman. Kahit katiting.

"Nasaan sila?" Bumaba kami ni Ken at nakita namin sila Tita Candy at Ate Rere na naglilibot sa sala ni Supremo. Nasa mukha nila ang pagkamangha, kahit ako namangha noong nakita ko ang bahay ni Supremo. Malaki ito at mukhang lahat ng bagay ay mamahalin. Kahit nga siguro ang basurahan nila ay mamahalin din.

"Irene" Lumapit silang dalawa sa amin at ngumiti "Mukhang umasenso kayo ha"

Hindi ko gustong makipagplastikan sa kanila dahil hindi yun ang tinuro ng magulang namin "Hindi po sa amin to. Nakikitira lang kami. Ano po bang kaylangan ninyo?"

"Kaylangan namin ng pera. Manghihiram sana kami, wala na kasi kaming pang shopping. Tutal mukhang marami kayong pera"

"Wala po akong pera. Maliit lang po ang sahod ko" Totoo ang sinasabi ko. Kahit na pinapakain kami ng libre ni Supremo ay hindi kami pwedeng maging abuso. Hindi kami pwedeng umasa palagi kay Supremo.

"Ang damot mo naman, Irene" Tinaasan ako ng kilay ni Ate Rere.

"Totoo ang sinasabi ko. Makakaalis na kayo" Tatalikod na sana ako ng hawakan ni Tita Candy ang braso ko.

"Eh di humingi ka ng pera sa taong may-ari ng bahay na to"

"Hindi ko gagawin yun" Nabigla ako ng higpitan niya ang hawak sa braso ko. Napangiwi ako sa sakit ng pagkakahawak niya "Bitawan ninyo ako Tita Candy"

"Tita, nasasaktan ang kapatid ko"

"Nakasungkit ka lang ng matandang mayaman ay naging hambog ka na! Katulad ka rin ng mama mo Irene! Gold digger! Kasalanan ninyo kung bakit namatay ang kapatid k-"

"Let her go!" Nabitawan ako ni Tita Candy ng hilain ako ni Supremo. Tinignan sila nito ng malamig "How dare you hurt my Queen! Umalis na kayo kung ayaw ninyong ipadampot ko kayo sa mga police!"

"Irene, kahit kaylan wala kang silbi" Umalis sila Tita Candy at Ate Rere.

"Ate, ano ba kasing nangyayari? Bakit parang galit na galit ka kina Tita Rere? Matagal na nating hindi silang nakita tapos bigla mo na lang sila papaal-"

"Tumahimik ka Ken! Tumahimik ka!" Hindi ko napigilan ang paglabas ng mga luha ko. Ayokong ipakita ang kahinaan ko sa kapatid ko. Ayaw kong makita niyang nagkakaganito ako. Ayokong magalit din siya katulad ko.

"A-Ate" Hindi ko na siya pinansin at pumasok sa kwarto ko. Hindi ko parin sila napapatawad. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano.

"What's wrong, Queen? Stop crying, please" Hindi ko alam kung paano at kaylan nakapasok si Supremo. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. Niyakap niya lang ako.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, Supremo. Gusto ko silang patawarin pero hindi ko talaga alam kung paano. Galit parin ako. Galit na galit"

"Tell me everything, Queen. I'll listen" Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko "I'll listen hanggang sa mawala na ang bigat ng loob mo. Nandito lang ako Queen para makinig sayo"

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon