Queen 2

5.2K 139 11
                                    

Queen 2


"Ate, dito na tayo titira"

"Ilang baso ba talaga ang nainom mo, Ken?! Lasing ka ba? Hindi natin to bahay!" Isa na lang tong kapatid ko at sisipain ko na to. Hindi pa nawawala ang galit ko sa kanya, eto na naman siya.

"Gusto kasi ni Kuya na dito tayo tumira" Tinignan ko si Supremo na tahimik na naka upo sa harap namin ni Ken.

"Anong to? Nananadya ka ba talaga?!" Binigay ko siya ng masamang tingin.

"Wag mo namang awayin si Kuya. Gusto lang niyang maging ligtas tayo, Ate"

"Talaga lang ha? Kung hindi ka pumasok sa grupo nila, ligtas tayo!" Kinagat ko ang labi ko dahil sa inis "Tumayo ka dyan at aalis na tayo! Uuwi tayo sa bahay natin!"

"Ate naman. Sige na"

"Hindi mo ko madadaan dyan, Ken. Uuwi tayo sa bahay natin, ngayon mismo" Sumimangot ang kapatid ko sa narinig niya. Tumayo siya at nagmartsa sa palabas. Brat.

"Queen, aren't you going to say goodbye to me?"

"Sinabi ko na sayong wag mong idamay ang kapatid ko dito! Ano ba talagang gusto mo, Supremo!" Hindi parin nagbago ang reaksyon niya. Minsan gusto kong makitang magkaroon ng emosyon sa mukha nito. Tuwa o galit man lang. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa walang emosyon niyang mukha.

"Sinabi ko na din sayo na kaylangan mong mamili. You or your brother"

Iniwan ko na lang siya. Bahala siya. Hindi ko kaylangan mamili dahil wala naman akong pipiliin. Nang makalabas ako ay naabutan ko ang kapatid ko na nakasimagot habang nakasandal sa isang taxi. Alam kong hanggang bahay ang simangot nito pero wala akong pakialam. Kapag ayaw ko ay wala siyang magagawa. Alam niya yun.

Pumasok ito sa loob ng taxi "Anong ginagawa mo dyan? Lumabas ka nga!" Sinunod naman niya ang sinabi ko. Ang mahal mahal ng taxi tapos dyan siya sasakay? Wala bang tricycle dito? Maglakad na lang kaya kami?

"Bakit?"

"Wag mong pinapainit ang ulo ko, Ken. May kasalanan ka pa sa akin" Yumuko ito dahil sa sinabi ko.

"Nagmamagandang loob lang naman kasi si Kuya tapos sinigawan mo lang"

"Ano sa tingin mo ang iisipin ng ibang tao kapag tumira tayo sa bahay na hindi naman atin? Hindi tayo pwedeng tumira sa bahay na hindi natin kilala"

"Kaibigan ko si Supremo, Ate! Kaya kilala ko siya"

"Walang kaibigan na pinapahamak ka!"

"Hindi niya ako pinapahamak! You're over protective, nakakainis na! I have my own life, Ate!"

"Nangako kasi ako sa mga magulang natin na uunahin ko ang kapakanan mo kesa sa akin. If i'm over protective that's because I don't want to lose you. Ikaw lang kasi ang pamilya ko"

"Ate, i'm sorry hindi ko sinasadya"

Hanggang sa pag-uwi ay hindi ko na kinausap ang kapatid ko. Nasaktan ako sa sinabi niya. Nang makarating kami sa bahay ay hindi ko parin siya pinansin. Humiga ako sa sirang kama ko at tinignan ang maliit kong kwarto. Hindi sana ganito ang buhay namin kung hindi namatay ang mga magulang namin ni Ken.

Hindi naman kami mayaman pero hindi ganito kahirap ang buhay namin. Napakagat ako sa labi habang lumalabas ang mga luha ko. Kung hindi lang sana namatay ang mga magulang namin at nasunog ang bahay namin sana hindi ganito ang buhay namin. Sana hindi kami nahihirapan.

I was 14 years old ng malaman kong wala na ang mga magulang ko. Namatay sila dahil sa car accident. Matapos naming malaman yun ay nabalitaan din namin na nasunog ang bahay namin. Walang natira. Hindi ko alam kung anong gagawin. Natakot ako, hindi para sa sarili ko kundi para sa kapatid ko. Mabuti na lang ay pinatira kami dito sa maliit na bahay na to ng dati namin kasambahay kung hindi, hindi ko alam kung saan kami titira. Simula noon, lahat ng trabaho ay ginawa ko para may makain kaming ng kapatid ko. Ako lang ang aasahan niya, kaylangan kung magiging matatatag.

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon