Queen 19

3K 77 10
                                    

Queen 19

Napabuntong hininga ako at humiga sa kama ko. Gusto kong humilata lang ng buong araw pero hindi ko magawa. Bwisit na party yan. Napaka istorbo!

"Nakasimangot ka na naman!" Sigaw sa akin ni Jess at hinila ako patayo.

"Bakit ba kasi kaylangan nating pumunta doon?! Hindi naman nila ako kaylangan doon! Tapos sasama ka pa! Wala ka namang maaambag!" Tinignan ako ng masama ni Jess at bigla nalang hinila ang buhok ko. Napasigaw ako sa ginawa niya. Kahit araw araw ako nakikipag-away ay nasasaktan parin ako!

"Wag ka na ngang maarte dyan! Hindi ka naman maganda! At kahit wala akong ambag sa party pupunta pa rin ako kaya manahimik ka dyan at umayos ka!" Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Are you ready?" Sumimangot ako ng makita si Attorney.

"Why do you need to come with us? Ano kami bata?"

"Irene, utos ni Ken na bantayan kayong dalawa"

"Nasaan na pala siya?" Lumapit ito sa amin.

"He's currently speaking to the client, I think" Bumuntong hininga ako. Ken sure grown up. He's like those bunch of serious CEO that i've watch in tvs when I was young. The other side of me is very proud of him and the other is not. Napakaseryoso na kasi niya at pati buhay ko pinapakialam niya "He'll call you kapag natapos na ang meeting niya. Tara na baka malate pa tayo"

Hindi na ako nakapagsalita ng hilain ako ni Jess. Mukhang excited ito sa party. Bakit hindi na lang siya ang pumunta mukhang mas gusto naman niya ang party na yun?

Tinignan ko ang daan na tinatahak namin. Pinagdadasal kong hindi na kami dumating sa pupuntahan namin. Sana hindi na kami huminto. Sana ma flat yung gulong namin o maligaw kami o di kaya mabangga na lang kami pero ni minsan hindi talaga ako pinagbibigyan ng tadhana. Bigla akong kinabahan ng huminto ang sasakyan namin. Baka makahanap ako ng away dito. Last time na pumunta ako sa ganitong party, nakipag-away ako sa isang maarteng babae. It's not my fault. Sinadya niya kasing buhusan ako ng juice. May pa 'I just want to have fun' at 'entertain me' pa siyang nalalaman. Kaya ayun nasuntok ko ng wala sa oras. Buti na lang at umawat si Jess at Ken. Pinagalitan pa ako ng tudo ni Ken nun. Umiling ako at lumabas ng kotse.

"Irene, we're here for investors not for a fight" Hindi ko na lang pinansin si Attorney. I'll try but I can't promise.

"Makipag-away ka. Nasa likod mo lang ako. Siguraduhin mong matatamaan mo" Humagikhik si Jess pagkatapos sabihin yun pero nawala rin ng tignan siya ng masama ni Attorney.

"Kaya nagiging basag ulo si Irene dahil sayo!" Dali dali namang hinawakan ni Jess ang ulo ko.

"Wala namang basag ah. Hindi basag ang ulo ni Irene, Attorney. Wag kang echos! Me so kabahan tuloy" Pang-aasar ni Jess. Nakita ko naman ang pagkairita sa mukha ni Attorney at dahil dun mas lalong natuwa si Jess.

"Bakit ka ba kaylangang sumama sa amin?" Inis na tanong ni Attorney na nagpatawa sa akin. Yun din ang gusto kong malaman. Wala naman siya gagawin dito.

"Kapag may pagkain dapat may Jess" Tawang sabi niya. Hindi na siya pinansin ni Attorney at na-una nalang pumasok sa venue. Umiiling nalang ako. Parang mga aso't pusa "Tara na Irene. Hayaan mo si Attorney. Kakain lang naman tayo dito. Siya na ang bahala sa pagkuha ng mga kliyente ninyo"

Ilang minuto lang ay hindi ko maiwasan na hindi mabagot. Nakikita ko si Attorney na may kausap na ibang tao at si Jess naman ay may kausap din. I wanna smoke. Nasanay na kasi ako na kapag mag-isa ako ay naninigarilyo ako.Tatayo na sana ako ng may pumigil sa akin.

"Hey!" Kumunot ang noo ko sa kanya. Sino ba to?

"You are?"

"Nakalimutan mo na ata ako, Yana. You're unfair. Hindi nga kita nakalimutan" Damn. Sa bar ko ata to nakilala. I always use that name sa mga lalaking nakikilala ko sa mga bar na pinupuntahan ko.

"Nice to meet you again. Excuse me lang. May pupuntahan kasi ako" Hinawakan niya ang braso ko kaya tinignan ko siya ng masama "I did not give you a permission to touch me"

"Chill. Why are you leaving so soon?" Binitiwan niya at ngumiti sa akin. Yung ngiti niya ay nakakasilaw. Nakakasilaw na gusto kong layuan siya. Well, he's handsome pero damn wala ako sa mood para lumandi.

"May gagawin pa kasi ako" After all, hindi na kita maalala.

"Yana, can I have your number?" Ngumiti ako sa kanya. Kapag hindi ko siya pinagbigyan ay alam kong hindi ako titigilan nito. Dali dali niyang binigay sa akin ang cellphone niya. I'm sorry Jess.

"Here. Tawagan mo lang yang number na yan" I winked at him bago siya iniwan. Napabuntong hininga ako. Minsan talaga nakakainis ang mga lalaking ganoon. Hindi sila titigil kapag hindi nila makuha ang isang bagay. Tsk! Akala naman nila ibibigay ko ang gusto niya.

"It's been a while, Queen" Hindi ko alam kung bakit nanigas ang buong katawan ko ng marinig ang boses sa likod ko. Queen? Iisa lang ang tumatawag sa akin nun. Hinay hinay akong lumingon sa taong nasa likod ko.

"Damn you" Tinignan ko siya ng masama habang tumatawa siya. Mukhang tuwang tuwa siya sa reaksyon ko.

"Hi Irene. Long time no see" Lumapit siya sa akin habang ang laki ng ngiti. Hindi ko napigilan ang sarili ko na suntokin siya sa mukha. Naiinis ako sa ginawa niya. Hindi yun nakakatawa. "Ang sakit mo naman sumuntok Irene!"

Hindi ko pinakinggan ang reklamo niya at sinuntok siya sa balikat. "Mas masasaktan ka kapag hindi mo itigil ang nakakaasar na tingin mo!"

Tinaas niya ang dalawa niya kamay na para bang sumusuko siya. Huminga ako ng malalim para kontrolin ang inis ko.

"Anong ginagawa mo dito? Ang balita ko nasa Spain ka"

"Ang boring pala sa Spain" Umupo siya sa tabi ko. Napako ang tingin niya sa sigarilyong hawak ko "Hindi ko alam na naninigarilyo ka pala. Bago yan ha"

"Hindi na to bago, Ricky" Pinagpatuloy ko ang paninigarilyo. Matagal na rin ng hindi ko nakita si Ricky. Naalala ko tuloy ang huli naming pagkikita.

"Umiinom ka din ba?" Tanong niya ulit. Tumango lang ako. Nagulat ako ng tumayo siya "Dyan ka lang kukuha lang ako ng maiinom"

Pagbalik niya ay may dala na siyang wine at dalawang baso. Nagsalin siya ng wine sa baso at ibigay sa akin yun. Itinapon ko ang sigarilyo ko at tinanggap yun.

"Nagkita ba ulit kayo ni Carry?" Mahinang tanong niya. Ininom ko ang wine na binigay niya sa inis. Ayokong naririnig ang pangalan niya.

"Pinutol ko na ang ugnayan naming dalawa, two years ago pa"

"Mag kaibigan parin kayong dalawa ni Carry. Sayang yung pinagsamahan ninyong dalawa" Inubos ko ang wine na nasa baso ko.

"Ricky, hindi lang ako ang sinaktan niya. Sinaktan ka rin niya pero bakit parang wala lang sayo" Ibinaba ko ang baso at tumayo "Hindi din naman niya inisip ang pinagsamahan naming dalawa ng gawin niya yun"

"Minsan kaylangan nating patawarin ang taong may kasalanan sa atin kahit hindi sila humihingi ng tawad sa atin" Mariin kong pinikit ang mga mata ko at kinagat ang ibabang labi ko. Nahihilo ako. "Mahal mo parin ba siya?"

Hinawakan ko ang damit niya. Damn. Hindi ko maintindihan ang katawan ko. Bigla akong nanghina "Anong nilagay mo sa ininom ko?!"

"Hindi ka magiging ganito kung hindi mo na mahal siya, Irene"

"Anong gagawin mo, Ricky? Pinagkatiwalaan kita"

"Kailangan kita, Irene"

***
Ate Maye's Note: Was wondering why no one asked about Carry and Bryce. Where are they by the way?

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon