Queen 4

4.1K 139 11
                                    

Queen 4


Gumulong gulong ako sa malambot kong kama habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko ngayong araw. Ayokong lumabas dahil naiinis pa ako kay Supremo at ayaw kong makita ang mukha niya. Magsama silang dalawa ni Jess. Narinig ko ang katok sa pinto ko. Bumukas iyon at lumabas ang kapatid ko na ayos na ayos.

"Ate, magbihis ka daw" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit?"

"Sasamahan daw natin si Kuya. Bilisan mo na dyan" Sumimangot ako at nagpatuloy ulit sa paggulong sa kama.

"Hindi ako sasama. May paa naman ang Kuya mo. Kaylangan pang magpasama. Ano siya bata?" Inis kong sabi kay Ken. Naramdaman ko namang lumapit sa akin so Ken.

"Ate, sige na. Baka magalit si Kuya sayo. Madali lang naman tayo dun" Tinignan ko ng masama si Ken.

"Ayoko sabi! Makakapunta naman kayo kung wala ako. Gusto ko lang humiga dito buong araw. Alis na"

"Hindi mo na talaga ako mahal. Palagi mo na lang akong sinusungitan. Nagpapasama lang naman kami. Bakit parang sayo ang laki laki na ng pinapagawa namin? Hindi ka naman mapapahamak kung sasa-"

"Oo na. Magbibihis na ako. Tumigil ka na dyan" Tumayo ako at pumunta sa banyo. Habang naghahanap ako ng damit na isusuot ko, nakita ko ang bigay na dress sa akin noon ni Carry. It's a red off shoulder and it's two inches above the knee. Hindi ko pa nasusuot yun dahil hindi naman ako madalas gumala. Mukhang ngayon ko to masusuot.

"Ang tagal mo naman Ate!" Reklamo ni Ken ng makalabas ako ng kwarto "Yan yung regalo ni Ate Carry sayo diba?" Tumango ako kay Ken "Sinong pinapagandahan mo, Ate? Si Kuya?"

"Tumigil ka Ken. Wala lang akong masuot" Palusot ko at naunang maglakad. Nakita namin sila Bryce at Ricky na kasama si Supremo. Tss.

'May mga kasama naman pala. Bakit hindi niya sinama si Jess? Baka ganahan siyang lumakad at hindi na kami istorbohin'

"Ang ganda mo ngayon Irene, ha?" Salubong ni Bryce sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nag thumbs up naman sa akin si Ricky na nakangiti. Ngumiti lang ako sa dalawa.

"Let's go" Napakagat ako sa labi ko sa sinabi ni Supremo. Sumakay lang ito sa sasakyan niya at parang hindi ako nakita. Sasabay na sana ako kina Ken ng harangin ako nila Bryce at Ricky.

"Doon ka daw sasakay"

"Gusto ko dito"

"Hindi pwede. Hindi tayo aandar hanggang hindi ka nakakasakay sa kotse ni Supremo" Tinignan ko ang kotse ni Supremo na bigla nalang umandar. Biglang sumama ang pakiramdam ko dahil sa pag-iwan niya sa amin.

"Wag ninyo na lang akong isama. Dito na lang ako" Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Nagbihis ako at humiga ako sa kama ko.

"Sana hindi na lang niya ako pinagbihis kong hindi naman pala niya ako gustong makasama. Hindi man lang pinansin yung suot ko"

Tinignan ko ang pinto kung saan ang kwarto ni Supremo. Wala naman si Supremo kaya pwede akong pumasok, walang makakaalam. Binuksan ko yun at nilibot ang tingin kung may tao. At dahil walanh tao ay pumasok ako. Napatingin ako sa kama ni Supremo at hindi nagdalawang isip na tumalon dun. Tumalon talon ako hanggang sa mawala ang inis ko kay Supremo. Nang mapagod ako humiga na ako dun.

"Naamoy ko parin ang pabango ni Supremo dito sa kama niya. Parang ang sarap matulog dito" Pumikit ako. Bigla ako napagod kahit wala naman talaga akong ginawa ngayong araw. Hindi ko na napigilan ang sarili na pumikit at hindi na ako nakabalik sa kwarto ko.

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon