Queen 23
Nakahinga ako ng maluwag ng makabalik na kami sa bahay. Gusto kong magpa party dahil walang nangyaring masama sa amin. Buhay pa kami.
"Jess, punta tayo sa bar" Nilapitan ko siya pero seryoso lang ito "May problema ba?"
Umiling siya at ngumiti sa akin "Wala naman. Saan mo gusto pumunta?"
"May hindi ka sinasabi, Jess. May nangyari ba noong nawala ako? May nanakit ba sayo?" Alalang tanong ko.
"Wala naman. Pagod lang siguro ako. Magpapahinga lang ako. Pwede bang mamaya na lang tayo pumunta sa gusto mong puntahan?"
"You're not okay. Stop faking your smile" Seryoso niya akong tinignan.
"Okay lang talaga ako. Magpahinga muna tayo" Iniwan niya ako sa kwarto ko. Anong nangyari? Bakit ganoon si Jess?
Humiga ako sa kama ko at tinignan ang kisame. Kumusta na kaya siya? Napagamot na kaya niya yung sugat niya? Hindi naman siguro malala ang sugat niya, diba? I know i did the right thing. Kasi kapag nagtagal ako doon baka kung ano ba ang mangyari. I'm still mad. Oo, mahal ko parin pero hindi ibig sabihin wala akong kakayahang magalit sa kanya. Nasasaktan parin ako. Nasa puso ko parin ang galit.
Kumunot ang noo ko ng may marinig ako katok "Come in"
"I-Irene"
"What are you doing here?" Yumuko siya kaya natabunan ang mukha niya ang kulay ube niyang buhok. Huminga ako ng malalim. Akala ko hindi ko na siya makikita ulit "Why are you here Carry?"
"Irene, sorry" Hikbi nitong sabi "I didn't want to hurt you. Kaylangan lang na-"
"Sinong nagpapasok sayo dito?! Umalis ka na!" Umiling ito sa sinabi ko. Lumapit ito sa akin at nagmakaawang pakinggan ko ang sasabihin niya.
"I want you to hear my side, Irene. Please"
"Hindi na magbabago lahat, Carry. Umalis ka na. You're not welcome here"
"I-I just want to say i'm sorry. I'm sorry for everything"
Pumikit ako ng mariin ng maramdaman kong umalis na siya. I don't want to hear her explanations. Ayokong may pagsisihan ako kapag narinig ko ang mga sasabihin niya. Tsaka, hindi na mababalik lahat ng sakit na ginawa nila sa akin noon.
***
Kahit gusto kong magsaya ngayong gabi ay hindi ko magawa. Kahit nga pakikipagsayaw wala ako sa mood. Iniisip ko parin ang pagpunta ni Carry sa bahay kanina tsaka ang kasama ko ang tahimik tahimik. Hindi ako sanay na tahimik si Jess, nakakapanibago lang. Uminom lang kami ng uminom. Nahihilo na nga ako sa kakainom pero hindi parin nagsasalita tong isang to. I lightly shake my head when i felt like the world is spinning. Isinandal ko ang ulo ko sa kaliwang kamay ko at tinignan si Jess na nasa kanan ko.
"What is your problem, you bitch?! Kanina ka pa!" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ganito talaga ako kapag nalalasing. Umiling lang ito at uminom ito "I'm gonna slap you hard if you don't tell me your problem!"
"Nakita ko kanina si Carry. Nag-usap kayong dalawa?" Ngumiti ako kahit na ang mga mata ko ay malapit na bumagsak.
"Bakit ko naman siya kakausapin?! Wala kaming pag-uusapan! She betrayed me!" Nilingon niya ako.
"Natatakot ako, Irene" Natigil ako ng makita ang mga luha niya "N-Natatakot ako na baka makalimutan mo ako kapag bumalik si Carry. I-Ikaw, si Ken at si A-Attorney na lang ang meron ako. Natatakot na baka isang araw, mawalan na ako ng papel sa buhay ninyo. Alam ko naman kasing matagal ninyo nakilala si Carry. I know this sound selfish but i wish na hindi na lang kayo nagkita. I might be a bitch, a spoiled brat pero mahal na mahal ko kayong tatlo"
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
Teen FictionWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...
