Queen 8

3.7K 107 12
                                        

Queen 8

Napasimangot ako ng makitang nakabihis ang tatlo. Mukhang may lakad sila.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila. Nilapitan ako ni Ken at masayang hinalikan ang pisngi ko.

"Ate, pupunta kami sa resort nila Ricky" Masigla nitong sabi.

"Sama ako"

"Hindi daw pwede, Ate. Sinabi na ni Kuya na may pupuntahan kayo kaya hindi ka pwedeng sumama"

"Don't worry, Irene. Sumama ka na lang sa susunod. Isama mo si Rainbow" Nilingon siya ni Ken.

"Ricky, Carry nga yung pangalan. Hindi rainbow" Nagkibit balikat si Ricky at inakbayan si Bryce.

"Tsaka ayaw naming magalit si Supremo mo kaya dito ka na lang" Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Bryce. Hindi kami pwedeng umayaw sa gusto ni Supremo. Kung bakit kasi nakakatakot minsan si Supremo.

"Sige na. Umalis na kayo. Mag-ingat kayo" Tumalikod ako at umakyat sa hagdan. Papasok na sana ako ng maka lingon ako sa kwarto ni Supremo. Kumatok ako at bumukas yun.

"Supremo" Kumunot ang noo niya sa akin. Ngumuso ako "Saan ba kasi tayo pupunta? Gusto kong sumama kina Ken"

"You'll be with me. Dapat tayong dalawa lang ang magkasama ngayong araw"

"Pero gusto kong makasama ang kapatid ko"

"Queen, I want to kiss you" Napa atras ako dahil sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ang magkabilang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Gusto ko lang naman sumunod sa resort nila Ricky, bakit hahalikan pa niya ako?

"S-Supremo"

"Can I kiss you?" Umiling ako ng mabilis. Ngumisi ito na mas nagpakaba sa akin "Okay, I'll kiss you"

"Supremo!" Natawa ito ng malakas. Mukhang tuwang tuwa ito sa ginawa niya "Hindi nakakatuwa! Tumigil ka!"

"Nakakatawa kasi ang mukha mo" Tawa nitong sabi. Kahit gusto kong magalit ay hindi ko magawa. Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya ni Supremo. Napatitig ako sa mukha niya. Supremo is really handsome.

"Ang gwapo mo kapag tumatawa, Supremo" Natakpan ko ang bibig ko.

"Really? In love ka na sa akin?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Hindi ako nakikipagbiruan. Tumigil ka na"

"Hindi rin ako nakikipagbiruan. I really want to kiss you. Can I?" Umiling ako. Bumuntong hininga siya at binitiwan ako "Magbihis ka na"

"Pwede bang sumunod tayo kina Ken? Sige na Supremo" Hinawakan ko ang damit niya.

"Tsk! But I want to be with you all day!"

"Please" Tinignan niya ako ng malamig "Promise bukas sayo ako sasama"

Tumango lang ito kaya ngumiti ako sa kanya. Dali dali akong nagbihis. Gusto kong makita ang resort nila Ricky. Malaki parin ang ngiti ko ng lumabas sa kwarto. Nakita ko naman si Supremo na nakabihis na din.

"Let's go" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kotse niya.

"Supremo, thank you" Tinignan niya ako at hinalikan ang noo ko.

"You should kiss me instead of saying thank you" Kinabahan ako sa sinabi niya kaya pumasok na lang ako sa loob ng kotse niya. Narinig ko ang pagtawa niya. Pumasok na din siya at pina andar ang sasakyan.

Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa labas ng sasakyan. Mukhang uulan ngayon. Napatingin ako kay Supremo ng hawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho. Nasa kalsada ang tingin nito.

"Hindi ka ba mahihirapan sa pagmamaneho kung hawak mo ang kamay ko?" Tanong ko.

"Nope" Tumango na lang ako kahit alam kong hindi naman siya nakatingin. Pinisil pisil niya ang kamay ko kaya tinignan ko ang kamay naming dalawa. Uminit ang magkabilang pisngi ko ng halikan niya ang kamay ko na hawak niya. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngiti ko.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Tumingin ako sa labas ng makita kong may nagtitinda ng malaking cotton candy sa isang park. Mabilis akong lumingon kay Supremo.

"Huminto muna tayo. Gusto kong bumili ng cotton candy, Supremo"

"Ang rami ng gusto mo ngayon ha. Ako? Kaylan mo ko magugustuhan?" Hininto ni Supremo ang sasakyan at tinignan ako. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko gustong sagutin ang tanong niya.

"Let's go" Lalabas na sana ako ng hilain niya ako palapit sa kanya.

"I'm asking you, Queen"

"Labas na tayo, Supremo. Please" Umiling siya.

"Ayokong lumabas. Dito lang tayo. Sagutin mo ang tanong ko"

"Supremo naman. Labas na tayo. Sige na" Hindi na siya nagsalita at naunang lumabas. Napakagat ako sa labi ko dahil sa inakto niya. Mukhang nainis siya dahil hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot. Hindi pa ako nagkagusto sa kahit kanino. Hindi ko alam kung gusto ko na ba si Supremo o hindi.

Sinundan ko siya ng makita kong papunta siya sa nagtitinda ng cotton candy "Supremo, teka lang"

Tatakbo sana ako para mahabol siya ng may humila sa akin at naramdaman ko ang isang malamig na bagay sa leeg ko. Bigla akong kinabahan ng malamang ang bagay na yun ay kutsilyo.

"Wag kang kumilos kong ayaw mong ibaon ko to sa leeg mo" Rinig kong sabi ng lalaking nasa likod ko na may hawak na kutsilyo "Supremo!"

Nanlamig ako ng makitang may nakapalibot ng mga lalaki sa amin. Mukhang kasama nila ang lalaking nasa likod ko. Lumingon si Supremo sa amin at nakita ko ang takot sa mga mata niya.

"Damn it! Let her go!" Sigaw ni Supremo at akmang lalapit sana siya sa amin ng mas idiin ng lalaki ang kutsilyo sa leeg ko.

"Matagal tayong hindi nagkita, Supremo. Wag kang lalapit dito kung ayaw mong ibaon ko tong hawak ko sa babae mo" Tuwang tuwa na sabi ng lalaki.

"I'll kill you!" Napapikit ako ng mariin ng mahinang ibaon ng lalaki ang kutsilyo sa leeg ko. Naramdaman ko ang hapdi sa leeg ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Masakit. Ang sakit sakit "Fuck you! Let her go!"

"Wala ka sa teritoryo mo, Supremo. Kapag hindi ka sumunod sa mga gusto ko, magpaalam ka na sa babaeng to" Tinignan ko si Supremo. Fear and angry are visible in his eyes "Bugbugin ninyo na!"

"Huwag! Supremo!" Nagpumiglas ako pero ang lakas ng lalaking may hawak sa akin kaya hindi ako mawala. Naramdaman ko ang paglabas ng mga luha ko habang tinitignan si Supremo na binubugbog ng mga lalaki "Supremo, lumaban ka! Please"

Nanlamig ako ng makita ang isang lalaki na may dalang baseball bat at hinay hinay na lumapit kay Supremo. Bakit ayaw niyang lumaban? Siya ang Supremo diba? Kayang kaya niyang labanan sila!

"Supremo, lumaban ka! Wag mo kong alahanin!" Nakita kong umiling si Supremo sa akin at ngumiti. Tinignan niya ang lalaking may hawak sa akin ng masama.

"You'll pay for this. You'll pay for making my queen cry" Malamig na sabi ni Supremo. Mas napaiyak ako dahil sa sinabi ni Supremo.

"Supremo" Nagsimulang mandilim ang paningin. Hindi na rin ako makahinga ng maayos. Naramdaman ko ulit ang sakit ng sugat ko sa leeg. Napapikit ako ng mariin.

"Fuck you all! Papatayin ko kayong lahat!" Pinilit kong laban ang pagpikit ng mata ko pero hindi ko nagawa "Queen!"

~~~
Ate Maye's Note: I just wanna say hi 😊

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon