Queen 7

3.9K 123 11
                                        

Queen 7

"Try mo to" Binigay ni Carry sa akin ang isang slice ng cake. It's a mocha cake, I think.

"Para kanino ba to? Kay Ricky?" Ngumisi siya sa akin at pinagdikit ang mga kamay niya. Tumingin pa ito sa kisame.

"Hmm. Thank you gift ko para sa pagliligtas niya sa atin mula kina Jess at Demi" Umiling na lang ako at kinain yung cake. Nag thumbs up ako para sabihing okay ang cake na ginawa niya at nagpatuloy na kumain "Hindi mo ba bibigyan ng thank you gift si Supremo?"

"Hindi niya naman kailangan ng gift. Alam mong lahat ng gusto niya kaya niyang bilhin. Kaylangan ko ng malaking halaga para magpasalamat"

"Alam mo Irene, ang sama. Alam ko namang may gusto ka kay Supremo eh. Bakit kaylangan mo pang maging pusong bato" Umiling na lang ako at hindi nagsalita. Kapag nagsalita ako paniguradong hindi matatapos ang usapan "At nasa effort yan Irene. Hindi presyo ng bagay ang basehan para matuwa ang bibigyan mo"

"Carry naman"

"Mag effort ka naman para kay Supremo" Natigil ako sa pagkain ng cake. Inaalala ko kung nag effort ba ako para kay Supremo. Ngayon ko lang naisip ang bagay na to. Nakokonsensya tuloy ako.

"Gagawan ko siya ng cupcake. Okay lang naman yun diba?" Tumili si Carry kaya napatakip ako sa tenga ko. Sumayaw sayaw pa siya pagkatapos niyang tumili "Carry, ano ba?!"

"Inlove ka na ba Irene?" Umiling na lang ako at kinuha ang apron na malapit sa akin at nagsimula ng gumawa ng cupcake para kay Supremo.

Gabi na ng natapos kami ni Carry. Tapos na niyang gawin ang cake na ibibigay niya bukas kay Ricky at tapos ko narin ang akin. I've made eight cupcakes for Supremo at nag suggest si Carry na lagyan ko ng 'thank you' ang cupcakes na gawa ko.

Inihatid ako ni Carry sa bahay ni Supremo dahil gabi na. Hindi kasi namin namalayang gabi na habang nagbabake kami. Nagtaka kami ng makita namin sina Ken, Ricky at Bryce na nasa labas at mukhang hindi mapakali.

"Anong nangyayari?" Nanlaki ang mga mata nila ng makita ako. Mabilis na lumapit si Ken sa akin.

"Ate, saan ka ba pumunta?! Kanina pa kami hanap ng hanap sayo! Alalang alala kami!"

"Nasa bahay lang naman ako nila Carry. Bakit ka ba sumisigaw? May problema ba?" Tanong ko sa kanila. Kinabahan ako bigla dahil sa mukha nila.

"Malaki Irene" Tinignan ko si Bryce ng magsalita ito "Hindi ka nagpaalam kung saan ka pupunta. Kanina pa nagwawala si Supremo. Alalang alala siya sayo. Hindi ka kasi mahanap"

Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay. Nakita ko ang mga katulong na takot na takot. Nilapitan nila ako na parang pinipigilan ako.

"Ma'am Irene"

"Nasaan siya?"

"N-Nasa kwarto niya po. W-Wag na po kayong p-pumasok. Kapag nagwawala po kasi si Supremo, w-walang makakapigil sa kanya" Umiling ako sa sinabi ng mayordoma at hindi siya sinunod. Kahit nasa labas ako ng kwarto niya ay rinig na rinig ko ang mga nababasag na kagamitan.

'Hindi na lang ako tutuloy. Baka ako ang susunod na basagin niya. Prevention is better than cure'

Napakagat ako ng labi. Kaylangan kong pumasok. Baka saktan niya ang sarili niya. Ano ba kasi problema niya? Hindi na ako kumatok pa at diretsong pumasok sa kwarto ni Supremo. Napanganga ako ng makita ko ang magulo niyang kwarto.

"Supremo!" Sigaw ko ng akmang itatapon niya ang vase sa TV niya. Nakahinga ako ng tumigil siya sa akmang pagtapon pero panandalian lang yun ng makita kong malamig niya akong tinitigan.

"Where have been?!" Malamig ang tono ng pananalita nito sa akin. Sipain ko kaya to?

"Bakit ka nagbabasag?!" Lumapit ako sa kanya at tinignan ang mga kamay niya "Nasugatan ka ba?"

Iniwas niya ang kamay niya sa akin "Answer me!"

"Bakit ka ba nagagalit?!"

"I've been searching for you the whole day! Damn! Bigla bigla ka na lang nawawala sa paningin ko!" Napabuntong hininga ako. Alam ko kung bakit siya nagagalit kaya kaylangan kong bumawi sa kanya. Kaylangan kong habaan ang pasensya ko. Kasalanan ko naman kasi.

"Sorry na" Ipinakita ko ang box na may lamang cupcakes sa kanya at binigay yun "Ginawan kasi kita nito. Thank you gift ko sana sa lahat ng ginawa mo. Nakalimutan ko ding magpaalam. Hindi ko naman gustong magalit ka"

Tinignan niya ako atsaka ang box na binigay ko sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin.

"Bati na tayo, Supremo?" Ngumiti ako sa kanya. Hindi siya nagsalita at binuksan ang box. Nakita ko ang pag ngiti nito ng makita ang mga cupcakes. Pinagmasdan ko siya habang kinakain ang ginawa ko "Hindi ako marunong gumawa niyan kaya pagpasensyahan mo na"

Niyakap niya ako ng mahigpit "I'm sorry. Natakot kita. Nag-alala lang ako sayo. Akala ko kung anong nangyari sayo"

"Hmm. Sa susunod wag ganito, Supremo. Wag kang magbasag at magwala. Nakakainis kasi" Mahina kong sabi at niyakap siya pabalik.

"Sa susunod magpapaalam ka din, Queen" Tumango ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko "I can't bear to lose you Queen"

Bumitaw na ako sa pagkakayakap dahil naiilang ako. Lilinisin ko sana ang kwarto niya ng pigilan niya ako at tinawag ang mga katulong. Hinila niya ako papasok sa kwarto ko at niyakap ako habang nakahiga sa kama ko.

"Supremo naman. Tatabi ka na naman?!" Inis kong tanong sa kanya. Umupo siya sa kama ko at kumain ulit ng cupcake "Baka langgamin ako dito! Wag ka dito kumain!"

"Open your mouth, Queen" Napikit ako dahil sa tigas ng ulo niya. Wala na din akong nagawa kundi buksan ang bibig ko at kainin ang cupcake "I didn't know you can bake"

"Tinuruan ako ni Carry" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Are you gonna leave me because of what you've seen?"

Umiling ako habang ngumunguya "Kasalanan ko din naman yun, Supremo. Pinag-alala ko kayo. Sana nagsabi ako kung saan ako pupunta. At hindi ako mababaw na tao para iwan ka dahil lang sa nakita ko kanina"

"Queen, you're making me fall for you more. Can you catch me, huh?"

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Can I? Kaya ko bang buksan ang puso ko?

Naalala ko bigla ang sinabi niya.

'It's okay. Ako ang magiging halimaw at kung sakaling dumating ang Prince charming mo, papatayin ko siya. Lahat ng lalaking lumapit sayo, papatayin ko. I'll be the monster that will grow old with you. The monster that will always stay by your side. And even if you hate me, I will still love you'

Bumuntong hininga ako at papasok sana sa banyo ng may maalala akong dapat sabihin kay Supremo.

"Supremo" Tawag ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagkain. Mukhang nag-eenjoy talaga siya sa pagkain ng ginawa ko.

"What?"

"I'm not into Prince charming riding a white horse"

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon