Queen 12

3.3K 95 10
                                    

Queen 12

Napangiti ako ng makita ko si Supremo na mukhang hindi mapakali. Kanina pa ako nandito pero hindi niya ako napapansin dahil kanina pa siya palakad lakad.

"What if they hurt her? Damn! Dapat sumama na lang ako sa loob!" Rinig kong bulong niya. Kakatapos ko lang makausap si Tita Candy at Ate Rere. Pinatawad ko na sila Tita Candy at Ate Rere kahit hindi sila humihinga ng tawad. Dahil kay Supremo nawala ang galit ko sa kanila. Mas inuna pa niya ako kesa sa sarili niya kahit marami siyang sugat at pasa sa katawan. Ilang araw akong umiyak sa mga braso niya at kahit isang reklamo ay wala akong narinig sa kanya.

Lumapit ako sa kanya "Supremo"

"Are you okay? Sinaktan ka ba nila? Tell me" Hinawakan niya ang braso ko at tinignan ang katawan ko. Natawa ako sa ginawa niya. Supremo is really protective. And i can't hide the fact that I like his over-protective-attitude.

"Hindi nila ako sinaktan, Supremo. Nakipag-usap lang ako sa kanila" Niyakap ko si Supremo ng mahigpit "Thank you Supremo. Kung hindi dahil sayo baka may galit parin sa puso ko. Salamat"

"Queen, I told you that you should kiss me instead of saying thank you. A kiss from you is very much appreciated" Tinignan ko siya. Nakangisi lang siya. Bumuntong hininga ako at hinalikan ang pisngi niya. Naramdaman ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko.

"T-Tara na" Pumasok ako sa kotse niya. Nakakahiya pala na ikaw ang humalik! Napatingin ako kay Supremo ng buksan niya ang pinto ng kotse at hinila ako palabas "S-Supremo"

"Nabitin ako"

Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. It settled there and pulled me closer to him. Bumilis ang tibok ng puso ko ng tignan niya ako sa mata. Kinagat niya ang labi niya at ngumisi. Napatingin ako sa buong mukha niya. How can he be so perfect? Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya para itulak siya pero hindi ko magawa. Parang nawala bigla ang lakas ko ng ilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang maliliit na halik niya sa leeg ko. Napakagat ako sa labi ko. Nakikiliti ako dahil sa ginagawa niya.

Too fast Supremo, too fast.

"You should know na bawal akong mabitin" I heard him whispered. Nilayo niya ang labi sa leeg ko at hinarap ako. My limp body began to tremble. Hindi ko alam kung nararamdaman din ba niya yun.

His lips brush mine. Nagulat ako sa sarili ko ng kusang bumuka ang labi ko. Gusto kong ihinto ang halik before I lose myself pero hindi ko magawa. I can't think straight when he inserted his tongue and played mine. Mas hinila niya ako palapit sa kanya. I kissed him back. What is he doing to me? Bakit kapag hinahalikan niya ako ay wala akong magawa kundi halikan siya pabalik?

"Irene" He slowly whispered. Napadilat ako ng ilayo niya ang labi niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinagdikit ang mga noo namin "I love you, Irene"

"Supremo"

"I love you" Hinalikan niya ulit ako at ngumiti "Let's go"

Naging tahimik ako hanggang sa makarating kaming dalawa sa bahay niya. Hindi mawala ang sa isip ko ang sinabi niya. He didn't said he like me, he said he love me. That's a different story. Pumasok kami sa bahay niya na tahimik lang.

"A-Ate" Lumapit si Ken sa akin habang umiiyak. Bigla akong nabahala.

"Ken, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Niyakap ako ng mahigpit ng kapatid ko at umiyak. Napatingin ako kina Bryce at Ricky.

"I'm sorry, Ate. Sorry" Nakita ko si Carry na umiiyak din. Bakit nandito siya?

"Ano bang nangyayari?"

"Ate, bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari? Nahirapan ka tuloy dahil sa akin" Binaon ni Ken ang mukha sa balikat ko. Napatingin ako kay Carry, ngumiti siya sa akin. Mukhang sinabi niya ang nangyari noon "S-Sana pinabayaan mo na lang ako"

Niyakap ko siya pabalik "Ikaw na lang ang natitirang pamilya ko kaya gagawin ko lahat para hindi ka mawala. Gagawin ko ang lahat para sayo"

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin "I'm sorry, Ate"

Ilang ulit pa nagsorry si Ken sa akin. Kaya ayokong malaman niya ang nangyari noon. Humiga ako sa kama ng may biglang pumasok sa kwarto ko.

"Queen" Biglang tumibok ang puso ko ng mabilis. Mabilis akong tumayo at hinarap siya. Lumapit ito sa akin "I can't sleep. Can I sleep here?"

"Pwede naman pero dun ako sa kwarto mo matutulog"

"Queen naman. Dahil ba sa halik o sinabi ko kanina?" Umiwas ako ng tingin. Nagulat ako ng pahigain niya ako sa kama. Tumabi siya sa akin at niyakap ako.

"S-Supremo"

"Seryoso ako sa sinabi ko, Queen. I love you"

Alam kong seryoso siya pero ang tanong ay kung handa na ba ako. Handa na ba akong suklian ang pag-ibig niya?

Nagising ako ng wala na si Supremo. Tinanong ko si Ken kung nasaan si Supremo pero ang sabi lang niya ay may lalakarin sila. Hindi daw nila sinama ang kapatid ko dahil magagalit daw ako. Kinabahan ako sa hindi malaman na dahilan. May mangyayari ba?

I felt desolate. Hindi ko mahagilap si Supremo. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon.

"Supremo!" Mabilis pa sa kidlat ako lumingon sa kung saan nanggaling ang boses. Kumunot ang noo ko ng makitang patakbong nilapitan ni Jess si Supremo. Mabilis niyang pinulupot ang braso niya sa braso ni Supremo at ngumiti "Bakit mo ko iniwan?"

Magkasama sila kanina? Kaya ba kanina ko pa hindi nakikita si Supremo?

Tinignan ko sila ng masama na para bang makikita nila ako. Ang sakit nilang dalawa sa mata. Gusto ko silang sipaing dalawa. Iniwan niya akong natutulog kanina at hindi man lang nagpakita kahit sandali ngayong araw tapos may kasama pala siyang ibang babae.

Umiling ako. Kahit masakit sila sa mata ay lumapit ako sa kanila at pasimpleng tinulak si Jess palayo kay Supremo. Umarte akong walang nangyari at patuloy na naglakad palayo sa kanila. Naiinis ako. Sana pala tinulak ko siya ng malakas.

"Queen" Nilingon ko si Supremo at tinignan ng masama "It's not what you think"

"What I think is always right, Supremo"

"Nagkakamali ka kasi ng akala"

"Wag mo kong susundan! Doon ka sa Jess mo!"

"You're jealous, Queen" Tumakbo ako papalayo sa kanya.

Am I really jealous? Ganito ba yung pakiramdam na magselos? Mahal ko na ba si Supremo dahil nagseselos ako? Pero hindi naman ibig sabihin na nagseselos ka ay mahal mo na ang isang tao, diba? Ayaw ko lang siyang mawala. Ayokong isang araw, ayaw na niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag dumating ang araw na yun.

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon