~Two years after~
Queen 18
Pinagmamasdan ko ang tanawin sa harap ko nang biglang pumasok ang kapatid ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang paglapit sa akin.
"Ate, will you stop smoking!" Inagaw niya ang sigarilyong hawak ko at tinapon ito kung saan. Napa-irap ako sa ginawa niya.
"Ano na naman? Bakit mo ba ako pinapakialaman?!"
"Ate, tumigil ka na sa ginagawa mo please. Sinisira mo ang sarili mo. Nagmamakaawa ako sayo, Ate" Tinignan ko ang kapatid ko. Maybe if it's still me 2 years ago, papakinggan ko ang kapatid ko. But everything changed. Something must be change.
"Hindi ko sinisira ang sarili ko. Why would I do that?" Narinig ko ang mapakla nitong tawa.
"Really, Ate? Balita ko nakipag-away ka na naman daw. Ano bang gusto mong patunayan?! Ate, 2 years ago na yun! Ang tagal na non! Mag move on ka naman! Masaya na siya!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin ang kapatid ko. Mukhang hindi naman siya nagulat sa ginawa ko.
"Wala kang alam Ken. Hindi mo ko naiintindihan"
"Hindi ka naman ganyan dati, Ate. Bumalik ka na sa dati" Nag-unahang lumabas ang mga luha ni Ken galing sa mata niya.
Ilang ulit na ba niyang sinabi sa akin ang mga salitang yan? Hindi ko na mabilang. Alam kong nasasaktan siya pero wala akong magagawa. Pinili ng kapatid kong masaktan. Hindi ko sinabi sa kanya na masaktan siya dahil sa nangyayari sa akin kasi masaya ako sa mga ginagawa ko. Ito ang tanging paraan para mawala ang sakit.
2 years ago. I was young and naive kaya naloko ako. Akala ko lahat ng pinapakita niya sa akin ay totoo. I thought I was his queen, well, I was. A fake one though. Iniwan niya ako sa ire ng kaylangan ko siya. He left me na parang isa akong laruan na pwede lang iwan kung basta basta.
"Umiinom ka na naman" Narinig ko ang pagkairita sa boses ng taong yun. Kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino yun.
"Nag-away kami ni Ken. I slapped him again" Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
"Nahihirapan din naman kasi si Ken. Siguro na mimiss niya yung dating ikaw. Yung ate niyang inu una ang kapatid niya bago ang sarili niya. You are selfless back then"
"Nagbago na ako. Hindi na ako babalik sa ganoon. Hindi na ako magiging Irene na mahina. Kaylangan niyang masanay"
"Syempre, sanay na yun. Dalawang taon ka kayang ganito" Rinig kong bulong nito.
"Iinom ka ba o hindi?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ako nagpunta dito para sayo no. Ano ka sinuswerte?" Nanghingi siya sa waiter ng alak at uminom din "Tell me the truth, Irene. Naka move on ka na ba talaga sa kanya? Kasi noong naging kayo, nakamove agad ako. Hindi pa ako nagalit sayo."
"Tigilan mo ko, Jess"
"What? Masama na bang magtanong?"
"Naka move on na ako, okay?! Sino ba siya para hindi mawala ang nararamdaman ko sa kanya? He's a dick! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo!"
"Hoy! Ang bastos ng bibig mo, Irene ha!"
Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan si Jess. I hate her back then pero ngayon siya mismo ang natatakbuhan ko kapag may problema. Hindi mo talaga masasabi kong ano ang magyayari. Akala ko forever magkaaway kami nito.
"Oh! Look! I think type ka nong lalaking yun" Tinuro niya yung tinutukoy niyang lalaki gamit ang nguso niyang nababalot ng pulang lipstick. Nilingon ko ang sinasabi niyang lalaki. Napangisi ako ng kumindat ito sa akin. A playboy, eh?
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
Подростковая литератураWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...