Queen 20

3.1K 78 8
                                        

Queen 20

Ang bilis ng tibok ng puso ko ng magising ako sa kwartong hindi ko kilala. Mabilis ako tumayo sa pagkakahiga.

"You're awake" Aatakihin ko na sana siya ng mabilis itong magtago sa lalaking kasama niya. Tinignan ko siya ng masama "Irene, stop. I can explain"

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko para marinig ang mga paliwanag niya sa akin "Ayusin mo lang ang pagpapaliwanag mo, Ricky. Mawawalan ka talaga ng buhok sa ulo kapag ako nakalapit sayo at uminit ang ulo ko"

Seryoso itong lumapit sa akin "Narinig mo na ba ang Ocean Blood?"

"Ocean Blood? Ano namang kinalaman ko dyan!?"

"Every five years, ginaganap ang Ocean Blood. Mga malalakas at maimpluwensyang tao lang ang kasali sa party nato" Kinagat niya ang labi niya at umiwas ng tingin "At kasali tayo, Irene"

"Paano naman ako nasali dito?!" Hindi ko mapigilang hilain ang buhok niyang mukhang bagong ligo pa "Anong pakealam ko sa Ocean Blood na yan! Hindi ako yayaman dyan!"

"Aray! Bitawan mo ko, Irene! Masakit! Irene!" Nahinto ako sa pagsasabunot kay Ricky pero hindi ko parin binitiwan ang buhok niya. Lumapit kasi ang lalaking kasama niya sa amin at ngumiti sa akin. Napakapormal niyang tignan at mukhang matanda siya sa amin ni Ricky.

"Miss Irene, pagpasensyahan ninyo na si Master Ricky at dinala ka niya dito ng labag sa kalooban mo pero sana bitawan ninyo si Master Ricky" Yumuko ito ng sa akin. Tinignan ko si Ricky ng masama at patulak na binitawan ang buhok niya. Master? Kaylan pa siya naging master? Hindi naman siya mukhang kagalang galang. Mas kagalang galang pa nga tong kasama niya kesa kay Ricky.

"Nasaan ba tayo? Alam mo bang baka nag-aalala na ngayon si Ken sa akin?!" Inayos niya ang buhok niya.

"Nagpaalam ako kay Ken no! Nakakatakot kaya ang kapatid mo. Akalain mo yun, pinaplano niyang pabagsakin si Supremo" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ricky.

"Ano sabi mo?"

"Hindi ba sinabi ni Ken sayo? Kinakalaban niya si Supremo, matagal na"

"Bakit hindi niya sinabi sa akin?!"

"Malay ko! Bakit ako ang tinatanong mo?!" Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim. What are you doing Ken?

"Nasaan tayo? Kaylangan kong maka-usap si Ken" Nag-iwas siya ng tingin at parang hindi mapakali.

"Ahm. Kasi Irene. Ganito kasi. Ngayon gaganapin ang Ocean Blood"

Tinignan ko siya ng masama "At dinala mo ko dito?"

"Wala na kasi akong choice, Irene"

"Iuwi mo ko. Ngayon na!"

"Hindi pwede, Irene. N-Nasa gitna tayo ng dagat" Nanlamig ako sa narinig ko. Bago pa ako makapagsalita at sabunotan ulit siya naging seryoso ito "Kaylangan ka ni Supremo, Irene"

"Wala akong planong tulungan siya"

"Kahit kapalit non ay buhay ni Supremo?"

Pinagmasdan ko ang malawak na dagat. Kanina ko pa iniisip ang sinabi ni Ricky. Ano naman ang kaylangan ng hayop na Supremo na yun sa akin at kapag hindi ko siya tinulongan ay mamatay siya? Sa ginawa niya sa akin noon, sa tingin ba nila tutulongan ko ang hayop na yun? Mamatay na yung gagong yun! Kinuha ko ang sigarilyo ko. Napakalaking yati naman ito para lang sa patayang party.

Ocean Blood. A party where you cannot put your defense down or you'll die. You can kill everyone when the party starts. You can do what you want. A party where blood is mix with water. Sinong bang baliw ang gumawa sa partying to? Kung ang katawan niya kaya ang itapon ko sa dagat. Kinabahan ako at natakot. I admit it. Nakikipag basag ulo ako but i never kill someone. Natatakot ako na makakita ng taong patay, ang pumatay pa kaya. Anong gagawin ko? I can't just dive into the water cause i'm pretty sure i'll meet those friendly sharks below. I couldn't find any helicopter or a small boat para maka-alis dito. Mukha yatang plinano nila ito dahil kapag tumapak ka dito ay wala ka ng choice kundi ang hintayin na may pumatay sayo o kaya maghintay na matapos Ocean Blood. Ang sabi ni Mr. Ku, ang kasama ni Ricky kanina, Ocean Blood last only for ten hours pagkatapos non ay may susundo sa amin. Ang sabi din ni Mr. Ku na pwede ring walang mangyari na patayan sa party, it depends on the people you interact with. Dapat wala kang kaaway na tao dito kung hindi baka may mangyaring masama. Dapat wala akong maka-away dito. Pero paano kung may taong galit sa akin na nandito?

"Kaylangan mong magpahinga, Irene. Dalawang araw na lang magsisimula na ang Ocean Blood"

"Sa tingin mo makakapagpahinga ako dahil dinala mo ko dito? How can I take a rest when I know that I might die in the next two days? Sa tingin mo nakakatuwa to?"

"Irene, I won't let you get hurt" Natigilan ako sa sinabi niya. Someone that I hate cross in my mind. Isa yun sa mga pinangako niya sa akin noon. Pero nasaan nga ba siya ngayon?

"Wag kang magsalita ng hindi mo naman kayang gawin. Sa ayaw at gusto natin, masasaktan tayo" Tinapon ko ang sigarilyo sa dagat "Party ito ng mga mamamatay tao. Sa tingin mo makakaligtas tayo? Mas gugustohin ko pang marinig sa mga dada ni Jess kesa pumunta dito"

"Jess? Yung babaeng kaklase ninyo noon?" Kumunot ang noo niya "Siya din yung kasama mo sa party diba?"

"Oo, bakit?"

"I saw her kanina" Napatayo ako sa sinabi niya.

"Baka na mamalikmata ka lang"

"Nakita ko talaga siya kanina"

"Hindi pwede" Why would she be here? Mas pipiliin pa niya ang shopping at party kesa sumakay s-. Damn! This is a party! Anong nasa isip ng babaeng yun? Dapat alamin muna niya kung anong klaseng party siya pupunta! Naman Jess! Gamitin mo sana utak mo o ako mismo ang lulunod sayo sa dagat nato!

"And she's not alone. Kasama niya yung lalaking tinawag niyang attorney. Do you know him?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya.

Kilala ko si Jess. She wouldn't go somewhere without telling me. Attorney wouldn't go to any party without informing us. And they don't like each other to the point that they can't stand each other for five minutes? Why are they here? Hindi naman makikipag-usap si Attorney about business kung alam niyang delikado. And Jess won't come here just for the party and foods and she hate oceans. Unless may gagawin sila dito. What the hell is happening?!

***
Ate Maye's Note: It's been a while 😊 Baka sa next update, sabihin ni Irene ang nangyari noon kung bakit sila nagkaganito? Who knows? Love yah~ 😘

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon