Queen 15

3.2K 88 7
                                        

Queen 15

"Queen, what's the problem?" Salubong niya sa akin ng makapasok ako sa bahay. Inis akong umupo sa tabi niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Naiinis ako"

"Why?"

"Kanina kasi ang raming nakatingin sa akin. They already know that we are staying here. And they're saying na pera mo lang ang habol ko sayo. Sabi pa nila na nagsasama tayo sa isang bahay kahit hindi naman tayo mag-asawa" Nilaro ko ang kamay ko habang sinasabi yun. Kinagat ko ang labi ko.

"Then let's get married now" Mabilis ko siyang nilingon.

"Bakit naman tayo magpapakasal?"

"Para wala na silang masabi sayo" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang labi ko. Umiwas ako ng tingin at naramdaman ang pag-init ng pisngi ko "You'll marry me, right?"

"B-Bata pa tayo, Supremo"

"Doon din naman ang punta natin ha" Bumuntong hininga ako ng sumimagot ito at tinalikuran ako. Nagiging isip bata na naman si Supremo. Hinila ko siya paharap sa akin.

"Oo na. Tumigil ka na" Ngumiti siya sa akin.

"That's great! May problema ka pa bang iba?" Tumango ako sa kanya "Tell me"

"May mga lalaki kasi kanina na tinitignan ako." Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya sa sinabi ko. Natatakot din ako sa mga lalaking yun. Baka may masama silang gawin.

"Who are they?"

"Hindi ko kilala pero doon din sila nag-aaral sa pinag-aaralan natin. K-Kahapon pa sila" Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim. Mukhang napipigil siya na magalit sa harapan ko. Hinawakan ko kamay niya "Galit ka? Supremo, wag ka ng magalit"

"Those fuckers, I will kill them"

"Wag kang magmura. Hindi naman nila ako nilalapitan eh. Hindi lang ako komportable na may nakatingin na ibang tao sa akin" Hinalikan niya ang kamay ko.

"What's mine is mine and you're mine, Queen. Mine alone"

"I'm yours" Natigil kaming dalawa sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"Q-Queen" Mabilis ako tumayo at umiwas ng tingin. Aalis na sana ako ng hilain niya ako at pa-upoin ako sa kandongan niya. Mabilis niya pinulupot ang kamay sa bewang ko "You can't escape me"

"S-Supremo, bitawan mo ko" Tinulak ko siya pero parang wala siyang naramdaman.

"Let's get married. Ikaw na ang nagsabing akin ka kaya wag na nating patagalin"

"Hindi n-nakakatawa. Bitaw na"

"Queen, I love you" Tinignan ko siya sa mata. Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

"Supremo, mahalaga ka sa akin pero hindi ko alam kung mahal na ba kita kaya wag mong madaliin ang lahat. Bigyan mo ko ng panahon para makapag-isip tungkol sa atin" Tumango siya at ngumiti sa akin. I really love the way he smile. Napapansin ko ngang palagi ng nakangiti si Supremo.

"I'll wait" Hinalikan niya ako pero hindi katulad kanina na mabilis lang. Napapikit ako ng igalaw niya ang labi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siya pabalik. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko gusto ang mga halik ni Supremo. I love everything about Supremo. Hinawakan niya ang mga kamay ko at nilagay ito sa batok niya. I locked my hands around his neck pulling him closer to me. Naramdaman ko ang isang kamay niya na naglalakbay sa likod ko habang ang isang kamay niya ay nasa pisngi ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko gaya ng palaging nangyayari kapag hinahalikan ako ni Supremo. Supremo always makes my heart beats fast. Ako mismo ang pumutol sa halik namin. Napakagat ako sa labi ko ng ipinagdikit niya ang mga noo namin at ngumisi.

"I really love it when you kiss me back, Queen"

Mabilis akong umalis sa pagkakandong kay Supremo ng dumating sila Ken. Narinig ko ang pagtawa ni Supremo sa ginawa ko. Nahihiya kasi ako.

"Kuya! Nandito yun pinsan mo!" Kumunot ang noo ko ng makita ang kasama ni Ken.

"Pinsang Supremo!" Tumakbo ito papunta kay Supremo at akmang yayakapin ito ng tignan siya ng masama ni Supremo.

"What are you doing here?" Tinignan ko ang pinsan ni Supremo. Parehas sila ng mata at ilong ni Supremo. Pero mas gwapo si Supremo. Mukhang masayahin ito hindi katulad ni Supremo. Nakangiti lang ito habang tinitignan ng masama ni Supremo.

"Pinsang Supremo, hindi mo ba ako namiss? Aba! Pinapunta ako ng mga magulang mo dito dahil sabi nila namiss mo daw ako. Dahil mahal kita pinuntahan kita at ikaw ang paborito kong pinsan ay iniwan ko pa ang Greece para sayo, Pinsang Supremo"

"Get out. You're too noisy" Ngumuso ang pinsan nito sa sinabi ni Supremo. Padabog itong umupo sa tabi ni Supremo.

"Pinsang Supremo, wag kang ganyan! Baka hindi ka makapag-asawa dahil dyan! Kahit gwapo ka, kaylangan mo ring maging mabait. Baka iwan ka ng babaeng mahal mo" Nanlaki ang mga mata ko ng tignan ako ni Supremo.

"Are you gonna leave me, Queen?" Bumuntong hininga ako at umiling. Baka kasi magalit siya kapag sinabi kong iiwan ko siya. Pero hindi ko magagawang iwan si Supremo "See? She's not gonna leave me"

Tinignan ako ng pinsan ni Supremo at nakangiting lumapit sa akin.

"Iwan mo si Supremo. Wala kang future sa kanya. Maghanap ka na ng iba na hindi katulad niya"

"Damn you! Get the hell out of here!" Natawa kami ng tumayo si Supremo at hilain ang pinsan niya palabas.

"Teka ka lang, Pinsang Supremo! Ako nga pala si Thaddeus Keifer"

Nanigas ako dahil sa narinig ko. Gulat ko siyang tinignan. Mukhang nagtaka naman siya sa reaksyon ko.

"Damn! Get out!"

S-Siya yun. Siya yung lalaking may-ari ng pitaka. Siya yung lalaking matagal ko nang hinahanap. Lalapitan ko na sana ito ng pigilan ako ni Supremo.

"No. Please"

"M-Mag-uusap lang k-kami, Supremo"

"Paano naman ako?"

"K-Kahit ngayon lang, Supremo" Narinig ko ang pagmura ni Supremo. Padabog itong umalis.

I'm sorry

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon