Queen 16

3.2K 97 9
                                    

Queen 16

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Nag-iwas siya ng tingin at nagkamot ng batok. Mukhang naiilang siya.

"Masama bang tignan ka?"

"Mapapatay ako ni Pinsang Supremo dahil sayo" Bulong nito na rinig na rinig ko naman "Ano ba kasing gusto mong sabihin sa akin?"

"S-Seven years ago, pumunta kaba sa hospital?" Kumunot ang noo at mukhang nag-iisip. Hinawakan niya ang baba niya. Matagal siyang hindi nagsalita, mukhang iniisip niya talaga ang tanong ko sa kanya.

"Oo. Naaksidente si Pinsang Supremo nun kaya pumunta ako sa hospital noon. Ayaw kasi niyang malaman ng mga magulang niya ang nangyari sa kanya" Kinagat ko ang labi ko at pinakita sa kanya ang wallet na napulot ko noon.

"S-Sayo ba to? May pangalan mo kasi" Nanlaki ang mga mata niya ng makita yun. Tinignan niya ako na para bang hindi makapaniwala "Napulot ko to. I'm sorry kung nagastos ko yung pera mo. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng pera para sa bayaran na bill ng kapatid ko noon. P-Pero kompleto na yang. Walang kulang"

"Irene, okay lang. Hindi naman ako galit dahil nagastos mo yan" Ngumiti siya sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Malaki ang utang na loob ko kay Thaddeus dahil kung hindi niya nahulog ang pitaka niya hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para pangamot kay Ken noon "Shit! Nalintikan na"

Humiwalay ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko ng makitang nakatingin siya sa likod ko.

"Irene"

"S-Supremo"

"Hinahanap ka ng kapatid mo" Malamig nitong sabi at umalis bigla. Nakaramdam ako ng takot at sakit dahil dun. Parang may malaking kasalanan ako na ginawa kay Supremo.

"Ikaw kasi! Kasalanan mo to, Irene! Papalayasin talaga ako nito ni Pinsang Supremo" Ngumuso siya.

"M-May nagawa ba akong masama?" Tinignan ako nito ng masama.

"Oo! Kung hindi mo ko niyakap, hindi magseselos yun!"

"Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko alam na magagalit siya"

"Hindi yun galit, nagseselos yun. Magkaiba yun" Bumuntong hininga ako at hinanap si Supremo. Napasabunot ako sa buhok ko ng malamang ayaw niya akong pagbuksan ng pinto. Nilock niya ang pinto kahit yung nasa kwarto ko na naconnecta sa kwarto niya.

"Supremo, buksan mo na to" Kumatok ulit ako pero hindi parin niya binuksan yun. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto. Baka kasi magbasag na naman siya ng gamit "Bakit ang tahimik? Naglaslas ba yun?"

Nakatingin lang ako sa pinto na naka connecta sa kwarto niya. Sumandal ako sa headboard ng kama ko. Kanina pa ako hindi pinapansin ni Supremo.

Ayaw niya na ba sa akin? Hindi niya na ba ako mahal? Pinunasan ko ang mga luha ko. Nasasaktan akong isiping ayaw na ni Supremo sa akin. Ayokong mangyari yun.

Humiga ako sa kama. Paano kung bukas mangyari yun? Niyakap ko lang naman si Thaddeus kasi natuwa ako na nakita siya at naisauli ko yung pera niya.

Napapikit ako ng marinig ang pagbukas ng pinto. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko kung sino ang pumasok. Nagpanggap ako na tulog.

"I know you're awake, Irene" Dinilat ko ang mga mata ko. Irene? Hindi na Queen? Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga luha ko. Namimiss ko yung pagtawag niya sa akin na reyna.

"S-Supremo"

"Can't sleep? Are you still thinking about my cousin, huh?" Umiling ako at yumuko. Ayaw kong salubungin ang mga mata ni Supremo. Baka kasi bigla akong mapaiyak "Then sleep. Hindi kita mahahatid bukas. Magpahatid ka na lang sa kapatid mo"

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon