Queen 13

3.3K 87 3
                                        

Queen 13

Huminto ako sa pagtakbo ng malamang nakalayo na ako kay Supremo. Napatingin ako sa paligid ko. Malapit pala ako sa tinitirhan namin noon ni Ken. Umupo muna ako sa isang park na nadaan ko.

Mahal ko na ba si Supremo? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Naghahalikan kami pero wala namang kami. Magkayakap kami na matulog sa gabi pero wala naman kaming relasyon.

"Mukha yatang swerte na naman tayo" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses na yun. Kilala ko ang boses na yun. Siya yung lalaking tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg. Tatakbo na sana ako ng may humawak sa braso "Tama. Siya yung babae"

Kinabahan ako bigla. Wala pa namang tao sa park na to. Hinila nila ako sa isang van at tinakpan ang mga mata. Mabilis nilang tinali ang mga kamay ko. Tahimik lang ako hanggang sa tumigil ang sinasakyan namin. Kaylangan kong kumalma at umisip ng paraan para makaalis dito. Hindi pa nga naghihilom ang sugat ko sa leeg tapos susugatin nila ulit!

"Sigurado ka bang pupunta yang Supremo na yan" Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. No! Ayaw kong mangyari ulit ang nangyari kay Supremo noon! Ayokong masaktan ulit siya! May kumuha ng takip sa mata ko at nakita ko ang mga lalaki na bumugbog kay Supremo noon. Hindi ko mapigilang tignan sila ng masama.

"Wag mo kaming titignan ng ganyan! Baka hindi ka abutan ni Supremo ng buhay" Umiwas ako ng tingin. Paano ako ililigtas ni Supremo kung busy siya kay Jess? Ganito ba talaga kapag naging reyna ka ng Supremo? Mapapahamak ang buhay mo? Paano na ang kapatid ko?

"Wag kang mag-alala Supremo. Hindi namin gagalawin kahit ang hibla ng buhok ng reyna mo. Basta pumunta ka sa lugar kung nasaan kami. At wag na wag kang magkakamali na magsama ng ibang tao kundi hindi mo na makikita ang babaeng to" Tumawa ang lalaking kakapasok lang. Lumapit ito sa akin "Magsalita ka. Kakausapin ka ni Supremo"

Hindi ko ginawa ang sinabi niya. Hindi pwedeng pumunta dito si Supremo. Hindi siya pwedeng masaktan dahil sa akin. Napasigaw ako ng malakas na hilain ng lalaki ang buhok ko. Narinig ko ang tawanan ng mga lalaki dahil dun.

"Hindi sana siya masasaktan kung sinunod niya ang sinabi ko. Katulad mo rin pala ang reyna mo, matigas ang ulo" Tumalikod ang lalaki sa akin "Bilis bilisan mo Supremo. Baka hindi ako makapagpigil at masaktan namin ang reyna mo"

Naalala ko na may binigay sa akin kanina si Carry na isang keychain na may nakatagong kutsilyo daw. Nalaman niya kasi ang nangyari sa amin kaya binigyan niya ako ng proteksyon. Thank you Carry. Hinay hinay kong kinuha sa bulsa ko ang binigay sa akin ni Carry. Kaylangan kong tumakas.

Dahan dahan kong sinira ang tali na nasa kamay ko, buti na lang at hindi nila tinali ang mga paa ko.

"Hoy!" Nanigas ako ng marinig na sumigaw ang boss nila. Nalaman na ba niya ang ginagawa ko? "Bantayan ninyo yan kung hindi malilintikan kayo sa akin. Kapag nakatakas yan hindi na ako makakabawi kay Supremo!"

"Boss, hindi makakatakas yan. Babae yan at mukhang mahina naman yan" Nagtawanan ang mga lalaki.

'Babae ako pero kayang kaya kong tumakas dito ng mag-isa' Gusto kong isigaw sa kanila yun.

Kinabahan ako ng lumapit ang boss nila sa akin. Dali dali kong tinago ang mga kamay ko likod ko para hindi niya makita ang ginagawa ko.

"Maganda ka pa naman. Bakit kasi kay Supremo ka napunta? Sayang ka" Hinawakan niya ang mukha ko. Tinignan ko siya ng masama "Palaban ka pa. Alam mo bang gustong gusto ko ang mga palaban, gaya mo? Bakit ba gustong gusto ninyo yang si Supremo?"

"Bitawan mo ko"

"Gustong gusto mo si Supremo pero kilala mo ba talaga siya? Alam mo ba ang tunay na pangalan ni Supremo?" Natigilan ako sa sinabi niya at tinignan siya. Matagal na kaming magkakakilala ni Supremo pero ni minsan hindi niya sinabi ang pangalan niya sa akin "Sa mukha mo, mukhang hindi pa nga niya sinasabi. Alam mo bang iilan lang ang mga taong nakakaalam ng pangalan niya?"

"Bakit mo sinasabi sa akin to?" Ngumisi siya sa akin.

"Dahil walang tiwala si Supremo sayo. Reyna ka nga niya pero hindi man lang siya nagpakilala sayo. Totoo ba talagang reyna ka niya o pain ka lang para sa kalaban?"

"Hindi ko kaylangan ng opinyon mo" Binitawan niya ako.

"Sana lang ay puntahan ka niya dito"

Umiling ako. Hindi dapat ako magpaapekto. Totoo lahat ng pinakita sa akin ni Supremo. Hindi lang palabas lahat ng yun. Ramdam ko lahat ng mga sinasabi niya ay totoo. Hindi ako pinaglalaruan ni Supremo. Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ay ginagawa ko sa tali ng mga kamay ko. Nilibot ko ang paningin ko. May nakita akong maliit na pinto na malapit sa akin. Kaylangan kong makapunta don at makalabas ng hindi nila nalalaman.

Gusto kong sumigaw ng makalagan ko ang sarili pero pigilan ko ang bibig ko. Tinignan ko ang mga lalaki na nagbababantay sa akin. May pinapanood sila kaya hindi sa akin ang atensyon nila. Sinamantala ko yun at pumunta sa pinto na nakita ko. Nakahinga ako ng makitang nasa labas na ako. Dali dali ako tumakbo para pigilan si Supremo sa pagpunta dito. Hindi siya pwedeng masaktan ulit dahil sa akin.

"Damn!" Napalingon ako sa nagsalita at huminto sa pagtakbo.

"Supremo" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na. Akala ko ay huli na ako.

"I'm sorry, Queen. I'm really sorry" Umiling ako at tiningnan siya. Wala naman siyang kasalanan "Let's go"

Dinala niya ako sa isang van. Nakita ko sila Ken na naghihintay dun. Mabilis akong niyakap ni Ken.

"Bryce, do it now" Tumango si Bryce ng sabihin yun ni Supremo. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.

"Gawin ninyo na. Siguraduhin ninyong malinis at walang makakatakas" Tinignan ko si Supremo dahil sa sinabi ni Bryce. Umiwas siya ng tingin.

"Anong gagawin mo sa kanila, Supremo?" Hindi ito sumagot kaya sila Ken ang tinignan ko "Anong gagawin ninyo?! Sabihin ninyo sa akin!"

"Irene, kapag ang isang tao ay hindi naturuan ng leksyon ay hindi ito matututo. Kaylangan nilang matuto" Sagot ni Ricky.

"Kung gaganti kayo, gaganti rin sila!"

"Ate, wag mo nang isipin to. Kami na ang bahala dito"

Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay ni Supremo. Iniwan muna nila kaming dalawa ni Supremo.

"Hey. Wag ka nang magalit, Queen" Pumikit ako ng mariin.

"Bakit kaylangan ninyo pang gumanti?"

"Sinaktan ka nila!"

"Wala namang nangyaring masama, Supremo!"

"And won't wait for that to happen. Ayokong maging huli ang lahat. Hindi ko kayang makitang masaktan ka, Queen. Ang pagsigaw mo lang kanina na nasasaktan ka para akong sinasaksak sa puso ko. I don't want to lose you, Queen"

"Supremo"

"Please understand me, Queen" Bumuntong hininga ako at niyakap niya.

"I'm sorry, Supremo" Hinalikan niya ang noo ko.

"How did you escape?" Ngumiti ako sa kanya.

"I'm the Supremo's Queen. At wala akong kwentang reyna kung hindi ako makakatakas dun. Hindi sa lahat ng oras ay dapat mo kong iligtas. Kaya nga ako tumakas dahil ayokong masaktan ka ulit, Supremo" Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko. Pinagdikit niya ang mga noo namin at pumikit.

'I'll wait until you tell me your real name, Supremo. Nandito lang ako. Maghihintay ako'

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon