Queen 24
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito pala siya?!" Hinampas hampas ko si Ken ng unan.
"Para kang teenager na nakita ang crush niya sa bahay" Tawang sabi ni Ken kaya mas lalo akong naasar.
"Hindi ka nakakatuwa, Ken! Seryoso nga ako! Ayoko silang lahat dito"
"Come on, Ate. Ngayon nga lang naging maingay ang bahay. Hayaan mo na. Ilang linggo lang naman sila dito" Hinampas ko ulit siya ng unan.
"Wala naman akong problema kina Bryce at Ricky eh! My problem is Carry and Supremo! Did you forget what they did?! Baka gusto mong i-umpog kita para maalala mo!" Iritang sabi ko. Bumuntong hininga naman siya at seryoso akong tinignan.
"Remember what papa and mama use to tell us when we we're kids?" Tinaasan ko siya ng kilay. Why does he sound like his older than me? "Forgive and forget. Hear someone when they want to explain. Never leave someone when they get hurt. Be kind. Dont seek for revenge"
"O tapos?"
"Lagot ka kina papa at mama, Ate! Lahat ng yun hindi mo ginawa! Kahapon, Ate Carry wants to explain her side pero pinalayas mo lang. Did you know she cried because of what you did?" Tinignan ko siya ng masama "At iniwan mo pa si Kuya kahit alam mong may sugat siya! Buti na lang hindi malala! You're a disgrace to this family!" Tinuro niya ako at umarteng parang inaatake sa puso.
"Wala kang kwenta kausap, Ken" Tumayo ako at aalis na sana ng magsalita ulit si Ken.
"They did what they think is right, Ate. You can't just run away from them forever. You need to hear their sides, Ate. Sa isang kwento, hindi pwedeng isang side lang ang alam mo. Kaylangan alam mo ang side ng iba bago ka magsalita o kumilos" Hinalikan ako ni Ken sa pisngi "You're the strongest person i've ever known kaya alam ko gagawin mo ang tama"
Bumuntong hininga at binuga ang usok. Naubos ko na ang tatlong stick ng sigarilyo pero hindi parin ako kumakalma. Should i go to the bar, again? Mas gugustohin ko pang gumala kesa magstay dito sa bahay. Mag shopping na lang kaya ako? Nanakawin ko ang atm ni Ken at yun ang uubusin ko. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya tinignan ko kung sino ang pumasok sa kwarto ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito?" She rolled her eyes at me. Humiga siya sa kama ko at nagpagulong gulong.
"Galit ka parin sa akin?"
"Naiinis lang sa mukha mong pangit, Jess. Magpa retoke ka na kasi" Tinapon niya sa akin ang unan.
"Hindi ako magsosorry sayo. Totoo lahat ng sinabi ko sayo kagabi! Ako dapat ang galit sa ating dalawa! Sabunotan kita dyan eh. Makikita mo talaga ang hinahanap mo"
"Lumayas ka na sa bahay namin. Isama mo si Attorney. May bahay naman kayo ha. Bakit nakikitira pa kayo sa amin? Naghihirap ka na ba Jess?"
"No! I won't go anywhere! Kapag ginawa ko yun, Carry will take advantage in the situation! Baka siya na ulit ang bestfriend mo at makalimutan mo ako!" Umirap ako sa sinabi niya. Why are they fighting? Ang nonsense ng pinag-aawayan nilang dalawa.
"Bahala ka sa buhay mo"
"Talaga! And will you stop smoking! Ang baho mo na!" Tumayo siya at lumapit sa pinto "Irene?"
"Ano?"
"Kahit hindi ko gusto si Carry. Gusto ko paring magka-ayos kayong dalawa. Lalo na kayo ni Supremo. Stop pushing everyone, Irene. Put your defense down" Lumabas na siya.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung kaya ko bang pakinggan ang mga sasabihin nila. Sinabi naman ni Jess sa akin ang totoo pero hindi ko kayang tanggapin. Ayokong tanggapin.
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
Teen FictionWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...
