Queen 14
"Napatay mo na ba sila sa isip mo?" Nilingon ko si Carry ng magsalita siya "Kanina mo pa silang dalawa tinitignan ng masama. Nakakatakot ka, alam mo yun?"
"Hindi ko naman sila tinitignan ng masama"
"Hindi yun ang nakikita ko" Umiwas ako ng tingin "Bakit ba kasi sila magkasama?"
"Preparation daw para sa school festival. Yun ang sabi ni Supremo" Huminga ako ng malalim.
"Pero iba ang preparation na ginagawa ni Jess. Kulang na lang ay yakapin niya si Supremo" Tinignan ko ulit silang dalawa. Kanina pa kinakausap ni Jess si Supremo habang si Supremo ay seryosong nakatitig lang sa laptop niya na mukhang may ginagawa.
"May tiwala ako kay Supremo"
"Walang panama ang tiwala mo sa taong malandi"
"Hindi naman siguro ako iiwan ni Supremo para kay Jess. Nagtitiwala ako kay Supremo" Umiling si Carry sa sinabi ko.
"Alam kong mahalaga ang tiwala pero mababasag yun ng kahit na sino kung wala kang gagawin"
"Ano ba dapat gawin ko?"
"Let her know na ikaw ang reyna. Ikaw lang ang may karapatan na tignan si Supremo" Tinapik niya ang balikat ko "Wag mong hintayin na maagaw siya bago mo iparamdam ang halaga niya sayo"
Napatingin ulit ako kina Supremo. Ayokong mawala siya pero wala din akong karapatang pagbawalan siya o awayin si Jess. Reyna niya ako pero hindi ko siya pagmamay-ari. I don't even know the real score between us. Nakaka frustrate ang sitwasyon namin ni Supremo.
"Hindi naman kami, Carry. Hindi ko nga alam kung ano talaga ako sa kanya"
"Pero ano ba siya sayo? Ano bang nararamdaman mo kapag kasama mo siya?" Huminga ako ng malalim.
"Masaya ako kapag kasama siya. Nakakalimutan ko nga minsan ang paligid kapag kasama ko siya. He can make me smile na hindi ko nalalaman. Kapag wala siya, hindi ako mapakali. I feel safe with him. Isang salita lang niya ay napapakalma na niya ako"
"Mahal mo na ba?" Napakagat ako sa labi ko.
"Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay mahalaga si Supremo sa akin at ayokong mawala siya sa akin. Magkaiba naman ang mahal at mahalaga diba?" Umiling si Carry.
"Parehas lang yun, Irene. Kapag mahal mo ang isang tao ay mahalaga na siya sayo at kapag mahalaga ang isang tao ay mahal mo na ito"
"Pero mas malalim ang pagmamahal kesa mahalaga" Hinawakan ni Carry ang kamay ko at ngumiti.
"Alam kong may lugar sa puso mo si Supremo kahit hindi mo sabihin sa akin"
"Kaibigan lang siya Carry"
"Kaibigan lang ba talaga o higit pa? Kasi kung higit pa wag mo ng patagalin. Kapag nakuha siya ng iba, magsisisi ka talaga. Bakuran mo na ang hari mo para hindi makuha sayo" Umalis si Carry pagkatapos niyang sabihin yun.
Paano kung magalit si Supremo kapag ginawa ko yun? Paano kung maging dahilan yun para ayawan niya ako?
"Queen" Hinawakan ni Supremo ang magkabilang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya sa akin "Are you okay? You look pale"
"Supremo"
"Hmm. May masakit ba?"
"Supremo"
"Naiinitan ka ba kaya ang putla mo?"
"Supremo"
"What?"
"Ayokong magkasama kayo ni Jess. Naiirita ako" Nakita ko ang pagngisi niya dahil sa sinabi ko.
"You're jealous. Nagseselos ka ba sa babaeng yun?" Umiling ako at umiwas ng tingin.
"Hindi ako nagseselos, Supremo. Ayaw ko lang talagang kasama mo si Jess" Hinalikan niya ang pisngi ko.
"Para sa akin, nagseselos ka. Just tell me what you want and I'll do it" Lumayo ako kunti sa kanya. Nakita ko ang masamang tingin ni Jess sa akin.
"Wala akong kaylangan. Bilisan ninyo na. Kaylangan ko pang magtrabaho" Bumuntong hininga siya at tumango. Tumalikod siya sa akin at tumungo kina Jess. Napakagat ako sa labi ko ng makita ang pagpulupot ng mga kamay ni Jess sa braso ni Supremo. Gusto kong sipain si Supremo dahil wala siyang balak kunin ang mga kamay ni Jess sa kanya.
'Hindi ka pa ba nagseselos?' Tanong ko sa sarili ko. Habang tinitignan ko sila ay parang sinasaksak ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nasasaktan ako. Gusto ko ako lang. Ako lang ang reyna niya.
"Pigilan mo Irene" Saway ko sa sarili ko. Ayokong mainis ng sobra dahil sa kanilang dalawa. Umiinit na talaga ang ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinag ng araw o dahil sa mga kamay ni Jess na kung saan saan napupunta.
Napatayo ako ng ilapit ni Jess ang mukha niya kay Supremo. No! Dali dali akong lumapit sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung paano ako nakalapit sa kanila ng madali basta ang alam ko kaylangan ko siyang pigilan. Hinila ko si Supremo palapit sa akin at tinago siya sa likod ko. Mabilis kong tinignan ng masama si Jess na nakatingin rin sa akin ng masama.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? We're going something para sa school festival!" Ramdam ko ang inis sa boses niya. Kung naiinis siya, mas naiinis ako.
"Hindi nakakatulong ang pagpulupot ng mga kamay mo at paglapit ng mukha mo sa school festival"
"Ano bang alam mo? You're just nobody"
"Ang nobody na to ay reyna ni Supremo. I can make you kneel right now, if I want to" Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Tinuro ko siya at tinignan ulit ng masama "Wag na wag kang lalapit ulit kay Supremo. Lumayo ka ng limang metro kay Supremo! At gawin mo mag-isa yang ginagawa ninyo! This is the queen's order!"
Hinila ko si Supremo paalis dun. Naiinis parin ako. Kung hindi ako nagmadali baka nahalikan na niya si Supremo. Ang layo layo ko sa kanila kanina tapos wala pang limang segundo ay narating ko na sila at nahila pa si Supremo. Sana naman ay natakot na si Jess at wag na niyang uulitin yun. Natigil ako sa paglalakad ng pumasok lahat ng mga pinagsasabi ko kanina.
"S-Supremo, hindi ko sinasadya" Nilingon ko siya at mabilis na yumuko.
"I thought you're not jealous?"
"Magpapahalik ka ba talaga sa kanya? Akala ko ba ako lang? B-Bakit mo hinayaang ilapit niya ang mukha niya sayo?" Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya.
"I won't let her kiss me. Ikaw lang naman eh. Ikaw lang palagi. Ikaw lang" Niyakap niya ako "You're scary when you're jealous"
"Ang sama sama ko kanina kay Jess" Narinig ko ang pagtawa niya sa sinabi ko.
"This is the queen's order, I like that"
"Supremo"
"Just admit it, Queen. You're jealous"
"Wag mong gawing malaking issue" Sumimangot ako sa kanya.
"You're jealous, ibig sabihin may nararamdaman ka sa akin"
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
Teen FictionWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...
