Queen 11
Napakagat ako sa labi habang nakatingin sa kapatid ko. Hindi ko mapigilan ang paglabas ng mga luha ko dahil sa mga nangyayari.
"Irene! Anong nangyari kay Ken?" Mabilis na hinarap ako ni Carry. Nakita ko ang pag-alala sa mukha niya "Okay ka lang ba?"
"Hindi Carry. Hindi ako okay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Patung patong ang mga nangyayari sa buhay ko" Niyakap ako ni Carry. Naramdaman ko na rin ang pag-iyak niya "Una, wala sila mama at papa. Sunod naman, nasunog ang bahay namin. Tapos ngayon, si Ken nagka dengue. Hindi ko na alam ang gagawin ko"
"Irene, kaya mo to. Ikaw si Irene, walang problema ang hindi mo kaya" Umiling ako. Hindi ko to kaya. Hindi ko kaya "A-Alam na ba ni Ken ang nangyari sa mga magulang at bahay ninyo"
Mas lalo akong napaiyak. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kapatid ko ang nangyari sa mga magulang namin. Okay lang sana kung nasunog lang ang bahay namin, sana hindi na lang na aksidente ang mga magulang namin.
"Yung kapatid ng papa mo? Baka matulongan tayo nila"
"Kahapon ko pa sila tinatawagan. Pumunta na rin ako sa bahay pero wala daw sila. Carry, sila na lang ang natitirang pamilya namin ni Ken na makakatulong sa amin"
"Wag kang mag-alala, Irene. Hihingi ako ng tulong kay papa at lola. Tutulongan kita" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Carry. Alam ko kasing ayaw na ayaw niyang humingi ng tulong sa papa niya dahil sa nangyari sa mama niya pero ngayon gagawin niya para sa amin ni Ken "Wag mo kong tignan ng ganyan. Kapatid na ang turing ko sa inyong dalawa kaya gagawin ko lahat para tulongan kayo, kahit kainin ko ang pride ko, Irene"
"Salamat Carry. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka" Ngumiti si Carry at niyakap ulit ako ng mahigpit.
Kinabukasan, pumunta kami sa bahay nina Tita Candy, ang tanging kapatid ni papa at ang natitirang pamilya namin.
"Kanina pa tayo dito. Nasaan na ba sila?" Hindi ko nasagot ang tanong ni Carry ng may huminto na sasakyan sa harapan ng bahay nila Tita Candy. Lumabas sila Tita Candy at Ate Rere dun na may dalang mga paperbags. Mukhang galing sila sa pagsho shopping. Hindi ba nila alam na wala na ang magulang namin, ang kapatid niya?
"T-Tita Candy" Nakita ko ang pagsimangot ni Ate Rere ng makita niya ako. Tinignan niya ang mula uo hanggang paa. Alam kong magulo ang itsura ko. Wala akong panahon para mag-ayos. Sa mga nangyayari sa buhay ko, ang pag-aayos ang huli kong gagawin.
"Anong ginagawa mo dito?" May bahid na inis ang boses niya pero binaliwala ko lang yun.
"P-Patay na po sila mama at papa, Tita Candy. Tulonga-"
"Alam kong patay na ang kapatid ko, Irene. Wag kang mag-alala, ako na ang bahala sa paglilibing nila. Alam ko namang wala kayong pera kasi nasunog ang bahay ninyo. Pero wag mong asahang bibigyan ko kayong magkapatid ng pera. Hinding hindi ako magbibigay ng kahit piso sa inyong dalawa" Nakita ko pag ngisi ni Ate Rere dahil sa sinabi ng ina niya. Kahit noon pa alam kong ayaw nila sa amin. They hate us.
"Kung makapagsalita kayo ay parang hindi ninyo pamilya sila Irene at Ken!"
"Wag kang makisali dito. Hindi ka naman namin ka ano ano" Magsasalita na sana si Carry ng pigilan ko siya. Kinain ko ang pride ko at lumuhod sa harap nila Tita Candy at Ate Rere. Para kay Ken, para sa kapatid ko gagawin ko lahat. Siya na lang ang meron ako.
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
Novela JuvenilWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...