Queen 6

4K 128 12
                                    

Queen 6

"Hindi parin nagbabago" Nilibot ko ang paningin ko. Dito ko unang nakita si Supremo. Ang rooftop nato ang isa sa mga naging paborito kong lugar.

"Irene! Hindi ka ba papasok mamaya?" Tanong sa akin ni Carry. Inayos niya ang kulay pink niyang buhok. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng to. Ginawang coloring book ang buhok niya. Buwan buwan niya pinapalitan ang kulay ng buhok niya.

"May kaylangan pa ako tapusin, Carry. Susubukan ko na lang humabol mamaya"

"Bakit ba kasi ikaw yung pinapagawa ng mga teacher niyan? Trabaho naman nila yan" Irita nitong tanong.

"Hayaan mo na lang Carry. Scholar naman ako" Inirapan niya ako.

"Kahit na! Ang taas kaya ang grades mo! Nakakainis na sila! Tss! Sige na nga! Hindi na ako papasok!"

"Umalis ka na nga! Sipain kita dyan! Pumasok ka"

"Eh wala ka eh, wala akong kasama. Alam naman natin yung sasabihin nila, nasa libro naman yun. Sige na. Payagan mo na ako" Mahina ko siyang binatukan.

"Hindi nga pwede. Hindi ka pwedeng umabsent. Mapapagalitan ka ng papa mo. Madali lang talaga ako"

"Sige na nga!" Padabog siyang naglakad papalayo sa akin. Ang babaeng to, napakakulit.

Nagdesisyon akong sa rooftop na lang ako kung saan walang masyadong pumupunta para hindi ako madisturbo. Lumanghap ako ng sariwang hangin at sinimulan ang ibigay na gawain sa akin.

"Damn!" Napatingin ako sa taong nagsalita. Nasa nakasiradong pinto siya at nakasandal dun. Napanganga ako dahil ang rami ng sugat niya pero ang gwapo parin niya. Hindi ako madaling madala sa mga gwapo pero iba siya sa mga lalaking pinagkakagulohan ng kaklase kong babae araw araw. He's way too far from them. He's damn attractive!

"Sino ka?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ang lalim ng paghinga niya at alam ko sa itsura niya ay may humahabol sa kanya. Nilapitan ko ito "Okay ka lang ba?"

"Get your things. Now" Hindi ako nagtanong at kinuha ang bag at nilagay ang binigay ng mga guro ko sa bag ko "Can you climb?"

Nanlaki ang mga mata ko "Walang puno dito. Nasa rooftop tayo" Tinignan naman ako nito ng masama. Nakakatakot yung mga mata niya.

"Stupid" Bigla niya akong binuhat papunta sa taas ng pintuan ng rooftop. May maliit itong space na kasya naman siguro kaming dalawa.

"Ibaba mo ko!"

"Tumahimik ka. Gusto mo bang mapahamak?" Napakagat ako sa labi ko at umakyat dun. Pagkatapos niya akong buhatin ay naakyat niya ito ng walang kahirap hirap. Mataas taas ito at siguradong masakit kapag nahulog ako dito. Kaylangan ko ng umuwi baka hanapin ako ni Ken.

"Ano bang ginagawa mo?! Hindi naman ako kasali sa gulo ninyo!" Nagulat ako ng halikan niya ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

'Sino ba tong lalaking to?! Bakit niya ako hinahalikan?! Ang first kiss ko!'

Naramdaman ko ang pagkilos ng mga labi niya. Akmang susuntokin ko siya ng hawakan niya ang dalawa kong kamay. Masyado siyang malakas kayo hindi ako makawala sa hawak niya. Ginawa ko ang lahat para iiwas ang labi niya sa labi ko pero binitawan niya ang isang kamay ko at hinawakan ang batok ko. Sinuntok ko siya gamit ang kamay ko na binitiwan niya pero parang wala siyang naramdaman. Sinuntok suntok ko siya hanggang sa mapagod ako.

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon