Epilogue
Napangiti ako ng makita ko ulit ang isang pamilyar na sulat na araw araw kung natatangap. Binasa ko ang nasa loob nito kahit alam ko naman kung ano talaga ang nakasulat sa loob.
'I'm still waiting for you. I love you. -S'
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paglaki ng ngiti ko. Kahit alam ko kung ano ang laman ay hindi ko parin maiwasang kiligin. Damn it Supremo.
"Nakatanggap ka ulit ng love letter. Grabe naman yang manliligaw mo. Walang sablay sa pagbigay ng sulat sayo" Rinig kong sabi ng katrabaho ko. Ngumiti lang ako sa kanya at tinignan ulit ang sulat.
Okay na ang lahat. It's been three months ng malaman ko ang totoong nangyari kung bakit ginawa nila Supremo at Carry yun. It's like everything is back to normal. Sila Carry at Jess naman ang palaging nag-uusap, mas naging close pa nga yung dalawa. Nung una, palagi silang nag-aaway at nag-aasar pero ngayon ayaw ng maghiwalay. Si Carry at Ricky? Magjowa na daw sila. Pati rin sila Jess at Attorney. May nalalaman din silang relationship goals. Tss.
Kami ni Supremo? We are back to zero pagkatapos ng usapan namin sa bahay niya. Bakit? Cause i wanna fix myself. Gusto kong may mapatunayan. Ayoko namang makipag-away habangbuhay. Masakit kaya sa katawan yun. At first, ayaw niya. Nagsumbong pa nga kay Ken eh, kaya pinagalitan ako ni Ken na parang siya ang nakakatanda sa aming dalawa pero wala rin naman silang nagawa sa desisyon ko. Yes, i love him. Pero natatakot ako. Ayoko ko ulit masaktan at maiwan. Ayokong maramdaman ulit ang sakit na yun.
Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong sinagot.
"Where are you?" Rinig kong tanong sa kabilang linya.
"Nasa trabaho ako. Kakarating ko lang. Ikaw?"
"Same. Did you receive it?" Ngumiti ako at tinignan ang sulat na hawak ko.
"Ang alin?"
"Queen, it's been three years and my feelings for you is still the same. Nothing has change"
"Supremo, nag-usap na tayo diba?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Can't you fix yourself with me? I can help you. Please, Queen" Natahimik ako sa tanong niya "Please. You are torturing me"
"Supremo, hindi naman sa gusto kitang pahira-"
"I need to go. I'll call you back. I love you" Napapikit ako ng putulin niya ang tawag. Napatingin ako sa cellphone ko.
"I'm sorry. I love you too" Bulong ko.
Naghintay ako na tumawag ulit siya pero wala akong natanggap. Nagalit ba siya sa sinabi ko? Ganoon ba talaga ka hirap ang gusto ko? Oo, mahal ko siya at gusto kong palagi kaming nagkikita at bumalik ang dati pero nahihirapan ako. Nahihirapan ako kasi natatakot ako. Na kapag sumubok ako, masaktan ulit ako. Alam kong mababaw lang para sa iba ang dahilan ko na kahit alam kong sinaktan niya ako para sa kapakanan ko pero hindi ko parin kaya. I don't wanna dive in a deep, cold and dark ocean again.
"Ahh. Galit nga yun" Sabi ni Jess habang kumakain ng popcorn. Nandito sila ni Carry dahil gusto lang nilang kumain ng popcorn dito sa bahay.
"Malamang. Mukhang ngayon lang magagalit si Supremo sayo, Irene" Dagdag naman ni Carry sa sinabi ni Jess.
"Pero kasi-"
"Hindi ka pa handa. Na natatakot ka na masaktan ulit? Ay sus! Naku! Carry sapakin mo nga yang kaibigan natin. Kulang lang yan ng sapak!" Hindi ginawa ni Carry ang sinabi ni Jess. Mabuti naman. Masakit din ang sapak ni Carry.
"Alam mo na hindi ka gustong saktan ni Supremo. Hindi ka namin gustong saktan noon, Irene. Kung nakita mo lang si Supremo noon habang tinitignan ka sa malayo. Kung ano yung sakit na naramdaman mo noon, mas double pa ang sakit na naramdaman ni Supremo. Hindi lang ikaw ang nasasaktan, Irene"
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
JugendliteraturWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...
