Queen 21

3.3K 85 50
                                    

Ate Maye's Note: Si Ricky at Bryce ay ang mga kaibigan ni Supremo at si Carry naman ay ang kaibigan ni Irene. Hi nga pala! Merry Christmas!


Queen 21


Bukas na magsisimula ang party at naka hanap na ako ng matataguan. Ayoko namang mamatay ng maaga no. Gusto ko pang makipaglandian ulit. Tinignan ko ang kulay asul na dagat. Gaano kaya kalalim ang dagat nato? Ganito din siguro ka lalim yung nararamdaman ko noon sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko at inalala lahat ang nangyari noon.

FLASHBACK

"Supremo, okay ka lang ba talaga?" Hinawakan ko ang noo niya. Baka kasi may lagnat siya.

"I'm okay" Nilayo niya ang sarili niya sa akin. Hindi ko gustong isipin to pero parang dumating na ang kinakatakotan kong mangyari. He's getting cold. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung may ginawa ba ako na mali para maging ganito siya sa akin.

Kinagat ko labi ko "May problema ba, Supremo? Sabihin mo naman sa akin"

"Nothing. Just leave me alone, Irene" Tumango ako sa kanya kasabay non ang pag labas ng luha ko. Hindi na rin niya ako tinatawag na Queen. Gusto kong tanongin siya pero pinigilan ko. Ayokong mas magalit pa siya sa akin. Ayokong iwan niya ako. I don't know what i'll do without him.

"T-Tawagin mo lang ako kapag may kaylangan ka. Nasa kabilang kwarto lang ako" Ngumiti ako sa kanya kahit na pakiramdam ko paulit ulit na sinasaksak ang puso ko. Parang pakiramdam ko hindi niya ako kaylangan.

Lumabas ako sa kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko. Mabilis ako humiga sa kama at umiyak. Hindi ako manhid para hindi malaman na nilalayuan niya ako. Ayaw na ba niya sa akin? Kaylangan ba niya ng space? Kaya ko namang ibigay yun, sabihin lang niya sa akin. Tinignan ko ang picture namin dalawa. Ang saya saya pa namin dito. May hawak siya arrow na may nakasulat na Queen habang nakaturo sa akin. When was the last time he called me Queen? Hindi ko na matandaan. Ayokong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. I don't want him to think na napaka arte kong babae, na napaka sensitive ko. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Maybe I should bake him some cookies. Sabi niya sa akin, gusto niyang palagi ko siyang pinagbibake. Ngumiti ako sa salamin.

"Smile, Irene. Napakanegative mo naman" Tinignan ko ang sarili ko. I wanna cry again pero pinigilan ko. Ayokong makita ni Ken na umiiyak ako, baka mag-alala siya. Okay nang ako lang ang nakaka-alam ng sakit.

Nagmadali akong pumunta sa kusina para magbake. Siguro i'll make a vanilla cookies. Mabilis kong ginawa ang cookies. I'm excited to see Supremo's reaction. Baka maubos niya to. Last time na nagbake ako ay kulang pa sa kanya.

"Miss Irene, gusto ninyo po bang tulungan namin kayo para hindi kayo mapagod?" Ngumiti ako sa kanya at umiling.

"Hindi na. Kaya ko na. Hindi naman to nakakapa- ahh!" Mabilis kong nabitawan ang mga gawa ko. Sa pagmamadali ko kasi ay nakalimutan kong gumamit ng oven mitt sa pagkuha ng cookies sa oven. Mabilis naman niya akong nilapitan.

"Miss Irene, okay lang po ba kayo? Kukuha ako ng gamot, teka lang po" Ang mga mata ko ay nasa cookies na nasa sahig. Ilang minuto ko ginawa yun para kay Supremo pero dahil sa pagmamadali ko nahulog tuloy lahat. Kinagat ko ang labi ko. Gagawa na lang siguro ako ng bago.

"Next time, kapag may gagawin ka wag kang magkalat" Hindi ko alam kung magagalit ba ako o hindi ko papansin ang sinabi niya. Ayokong magalit dahil mahal ko siya eh. Pero parang sobra naman. Hindi ko naman sinasadya. Hindi na lang ako nagsalita. Ayokong magsalita dahil baka mag-away kami.

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon