Special Chapter
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong tignan si Supremo dahil alam kong galit siya.
"Really? Nakipag-away kayong dalawa?! Ano bang nasa isip ninyo?!" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sigaw niya. Minsan lang kasi siya sumigaw kaya alam kong galit na talaga siya. Siniko ako ng katabi ko na para bang sinasabing 'Magpaliwanag ka sa kanya'.
"Supremo, wag ka ng magalit" Tinaasan niya ako ng kilay. Kaylangan ko yatang magalit galitan para hindi na niya ako pagalitan "Don't look at me like that. Malaki na ako kaya alam ang ko ang ginagawa ko! And don't shout at me!"
"Queen, you know that I love you but that won't work on me. Magpaliwanag kayong dalawa!"
"Supremo, sila naman yung na una. Alam mo namang hindi ako makikipagrambol kung walang dahilan"
"Ken would get mad at you, Queen" Nilapitan ko na siya at hinawakan ang kamay niya.
"Wag mo ng sabihin. Papagalitan niya kami"
"He'll know. Kilala mo ang kapatid mo. Malalaman at malalaman niya"
"Supremo, masakit yung ulo ko. Sinabunotan ako ng babae yun" Pag-iinarte ko. Nakita ko naman ang pag lambot ng mukha ni Supremo. Mabilis niya akong pina-upo at hinalikan ang ulo ko. Napangiti ako dahil doon. I'm safe.
"Masakit pa ba? What do you want?"
"Magpapahinga lang ako, Supremo. Mawawala rin--"
"But mommy, hindi ka naman nakipagsabunotan kanina, nakipagsuntokan ka. And it was Benjo's father, not her mother. You punched his father's face. And daddy, mommy was so cooooooolll" Pumikit ako ng mariin dahil sa sinabi ng anak ko. Damn! Nakalusot na sana, nagsalita pa tong bubwit na to "I also punched Benjo's face, like mommy did. Masakit pala sa kamay. But I think I'm strong now"
"Queen"
"S-Sila yung nauna, Supremo. Nakita kong tinulak ng bata yung anak natin tapos ayaw pa nilang humingi ng tawad sa ginawa ng anak nila. They piss me off. Napakahambog ng lalaki kaya sinuntok ko"
"Yes daddy. Masakit nga ang butt ko dahil dun. Benjo just laughed at me, kaya na piss off din ako"
"Queen, Baby, hindi dapat kayo nakipag-away. That's bad"
"Coming from you pa talaga, Supremo?" Tawang sabi ko. Napa aray ako ng pagigilan ni Supremo ang pisngi ko, hinalikan din naman niya ang pisngi ko pagkatapos gawin yun.
"Pero daddy, they're bad din naman. Ang bad ng sinabi nila"
"What did they said?"
"Elizabeth, stop it"
"But mommy, bad sila kaya naging bad din tayo" Ngumuso ito.
"Baby, bakit bad sila?" Kinabahan ako bigla sa mukha ni Supremo. Masama ang pakiramdam ko sa mangyayari.
"Kasi daddy, they called mommy ahm bitch. What is bitch ba, daddy? I think I heard Tita Jess said that to Tita Carry. Sabi nila bad yun at wag gagayahin" Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Supremo dahil sa narinig galing sa anak "Sabi pa nila, they can buy us. Are we like a thing in the mall with a price tag? Bakit bibilhin tayo daddy?"
"Is that all, baby?"
"Marami pa po yun pero hindi ko na po natandaan"
"Elizabeth, baby, punta ka muna sa garden. Mommy and Daddy needs to talk"
"Can I ask yaya to get some ice for me? Masakit parin po kasi ang kamay ko. Benjo's face is so thick" Tumango lang ako sa sinabi niya. Nang maka-alis na ang anak namin ay hinarap ko na si Supremo. Madilim ang mukha niya at mukhang ready na siya pasabugin ang ulo nong lalaki. He promised me na kahit kaylan hindi na siya makikipag-away dahil ayaw niyang makipag-away ang anak namin pero ahem! I'm here pa kaya. Ayaw ko namang api-apihin ang anak ko.
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
Teen FictionWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...
