Queen 9
Nagising ako ng may humaplos sa buhok ko. Mabilis akong bumangon at iginala ang paningin ko.
"Ate, may masakit ba sayo?" Napahawak ako kay Ken. Nagsimulang lumabas ang mga luha ko.
"Si S-Supremo. Nasaan siya? Hahampasin siya ng b-baseball bat, Ken!" Iyak kong sabi. Bigla akong nahirapan huminga. Supremo.
"Ate, huminahon ka muna. Wag kang umiyak" Niyakap ako ni Ken.
"Nasaan siya?" Bumuntong hininga ang kapatid ko at pinunasan ang mga luha na nasa mukha ko.
"Nasa kwarto niya. Nagpapahinga" Napakagat ako sa labi "Bakit ba kasi kayo nandoon, Ate? Mabuti na lang at may nakalimutan si Ricky kaya bumalik kami at nakita naming binubogbog si Supremo at ikaw naman walang malay"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Ken at mabilis na tumayo para sana puntahan si Supremo ng pigilan ako nina Bryce at Ricky.
"Irene, mahina pa ang katawan mo kaya humiga ka muna"
"Mamaya mo na puntahan si Supremo"
Umiling ako "I need to see him now. Please, let me see him" Wala silang nagawa ng magpumilit ako na makita si Supremo. Tinignan muna ng doktor ang sugat ko sa leeg. Inalalayan nila akong pumasok sa kwarto ni Supremo at nanlamig ako ng makitang nakahiga si Supremo sa kama niya at walang malay.
"Bakit hindi ninyo sinugod sa hospital si Supremo?"
"Ayaw niyang sa hospital, Irene. Wag kang mag-alala na tingnan na din siya ng doktor" Tumango ako. Naramdaman ko ang pag-alis ng tatlo. Lumapit ako kay Supremo.
Marahan kong hinawakan ang pisngi niya. Ang rami rami niyang pasa sa katawan at mukha.
"Please wake up, Supremo. Diba sasama pa ako sayo bukas? Kaya gumising ka na" Naging malabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko "Sana hindi na lang kita pinilit na sumunod tayo kina Ken. Sana hindi na lang kita pinilit na bumili ng cotton candy. Sana hindi ka nandito. Sana hindi ka nasaktan. Kasalanan ko to. Kasalanan ko lahat"
Para tinutusok ang puso ko habang tinitignan ang mga sugat at pasa niya. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko at hinalikan ang noo niya "I'm sorry"
Nakarinig ako ng ubo kaya hinay hinay akong lumingon. Masakit parin ang leeg ko kahit hindi naman malalim ang sugat. Hindi naman daw malala ang sugat ko, sabi ng doktor. Napatayo ako bigla at yumuko. Nahihiya ako dahil nadatnan nila ako sa ganoon paraan. Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan sila.
Naka akbay ang lalaki sa babae habang nakangiti sa akin. Ang babae naman ay nakataas lang ang kilay sa akin. The man is typically handsome. Kamukhang kamukha niya si Supremo pero mukhang magkaiba sila ng ugali. Nakangiti ito na para bang wala siyang problema sa mundo. The woman beside him is really beautiful. She has a small and symmetrical features pero nakakatakot siya kung tumingin. Para silang hari at reyna tignan.
"You must be Irene. Ang babaeng kinababaliwan ng anak ko" Nanlamig ako sa narinig.
Tinignan ako ng mama ni Supremo mula ulo hanggang paa. Nanliit ako dahil doon. Gusto kong umalis na doon pero hindi ko magawa, ayaw kumilos ng katawan ko.
"What's so special about you? Hindi ka naman mukhang mayaman" Tumaas ang kilay ng mama ni Supremo habang ang papa naman niya ay nakaupo na sa sofa habang pinapanood kami na para bang isa kaming palabas sa telebisyon.
"You don't look smart either. Anong pinakain mo sa anak ko para unahin ang kaligtasan mo at magpabugbog sa mga lalaking yun?" Hindi ito sumigaw ngunit sa tono ng pananalita lang ng mama ni Supremo ay matatakot at manliliit ka na. Mukhang alam ko na kung saan nagmana si Supremo.
"I'm sorry po. H-Hindi ko po ginusto ang mga nangyari. Ayoko ring masaktan ang anak nin-"
"Pero nasaktan na ang anak ko at dahil yun sayo, iha" Napakagat ako sa labi at yumuko na lang. Napahikbi ako dahil dun. Tama ang mama ni Supremo. Nasaktan si Supremo dahil sa akin. Kung wala ako doon, malalabanan ni Supremo ang mga lalaking yun. Narinig ko ang paglapit ng mama ni Supremo sa akin.
"Please let me take care of him. Wag ninyo po akong paalisin sa tabi niya" Pagmamakaawa ko sa kanila. Wala akong pakealam kung mukha akong desperada pero gusto kong alagaan si Supremo.
"Alam mo kung anong dapat mong gawin?" Napatingin ulit ako sa mama ni Supremo. Ngumisi ito na parang may masamang balak "Pakasalan mo ang anak ko"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita sa babaeng nasa harapan ko. Tinignan ko ang papa ni Supremo na nakangiti sa akin. Nagulat na lang ako ng yakapin ako ng mama ni Supremo.
"At last, we've seen you. Pinagdadamot ka ng anak ko sa amin . Matagal na naming sinasabing gusto ka naming makita pero ayaw niya. Buti na lang at nabugbog siya kaya nakita ka namin. Who's your neck?" Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat "Natakot ka ba sa akin? Binibiro ka lang namin, Irene. Hehe"
"Let her go" Mabilis akong lumigon sa kinaroroon ng nagsalita "Mama, I said let her go"
"Tsk! Ang damot!" Pinakawalan niya ako at nagmaktol. Mabilis itong lumapit sa asawa at mukhang nagsumbong. Hindi ko talaga naiintindihan ang nangyayari.
"Queen" Nabalik ang atensyon ko kay Supremo at nilapitan siya.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Gusto mong tumawag ako ng doktor? May kaylangan ka ba? Gusto mo ng tu-" Natigil ako sa pagsasalita ng hawakan niya ang pisngi ko.
"I'm damn worried about you. Nag-alala ako ng sobra ng makitang may nakatutok na kutsilyo sa leeg mo at bigla ka ng nahimatay" Naglabasan ulit ang mga luha ko.
"Wag mo na ulit gagawin yun, Supremo. Wag mong hahayaang saktan ka nila"
"If that's the only way to make sure that you're safe then I'll let them beat me to death"
"Supremo!" Napatingin siya sa leeg ko.
"Does it still hurt?" Umiling ako kahit na ang totoo ay masakit pa. Alam ko ang ugali ni Supremo. Kapag nalaman niyang masakit pa ay magagalit siya. Lumapit siya sa leeg ko at hinalikan iyon "There. Gagaling na din yan. Kiss ko lang naman ang magpapagaling sa sugat mo"
Napangiti ako sa asta ni Supremo "Kiss me. Para gumaling na rin ako" Ngisi nitong sabi.
"My ghad son! Halikan mo na! Parang pagong!" Inis na sabi ng mama ni Supremo. Tinignan naman sila ni Supremo. Nag-init ang mukha ko dahil sa narinig. Nakalimutan kong nandito pala ang magulang niya.
"Dad" Narinig ko ang pagbuntong hininga ng papa niya at hinila ang mama ni Supremo.
"Aray naman honey! Gusto ko pang maka-usap si Irene! Let me go! Ang damot mo anak! Ang damot damot mo! Irene help me!" Lalapitan ko na sana ang mama niya ng hilain niya ako palapit sa kanya.
"Where are you going?"
"Bakit mo naman pinaalis yung magulang mo?"
"Gusto kitang masolo. Magandang rason na yun para umalis na silang dalawa"
"Supremo!"
"Masakit ang ulo ko. Can you kiss it?" Hinawakan ko ng marahan ang ulo niya.
"Nakita kong hahampasin ka sana ng lalaki ng baseball bat. Natakot ako dun, Supremo" Naglabasan ulit ang mga luha ko "Kung hindi kita pinilit na sumunod kila Ken at bumili, hindi ka sana nandito. That was my fault. Sorry"
Pinunasan niya ang mga luha ko "Wala kang kasalanan. Don't cry. Kahit anong mangyari, pipiliin kong mas masaktan kesa makita kitang masaktan"
"Pero Supremo" Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yun.
"Okay na ako. You're safe so I'm okay. Don't cry. I don't want to see your tears, Queen"
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
JugendliteraturWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...
