Queen 17

3.2K 99 2
                                    

Ang tagal na hindi ako nakapag-update. Naging busy ako at hindi ko na alam kung ano ang susunod na isusulat. Pabago bago ang isip ko. Hay! Enjoy reading kittens~!

Queen 17

"Bitiwan mo nga ako, Supremo" Inis kong tugon sa kanya at umupo. Nakita ko naman ang pag ngisi niya at umupo pa sa ito harapan ko. Tinignan ko ito ng masama dahil sa paraan ng pagngisi niya sa akin. Parang mas lalo niya akong iniinis dahil sa ginagawa niya.

"Jealous, huh?"

"Hindi ako nagseselos. Ang akin lang, kung maglalandian kayo ni Jess huwag sa maraming tao. Hindi ba uso sa inyo ang hiya?"

"I'm not flirting with her. Kung may gusto man akong landiin, ikaw yun"

"Okay" Tatayo sana ako ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan. Hinila niya ako paupo sa tabi niya.

"Queen, i'm really not flirting. Wag ka ng magselos"

"Hindi nga ako nagseselos. Wala akong karapatang magselos, wala akong karapatang ipagdamot ka sa iba" Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Naiinis ako dahil wala akong karapatan.

"May karapatan ka because i'm yours. Every part of me is yours, even the air that i breath is yours" Hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa kanya.

"Hindi ko pagmamay-ari ang hangin ng nilalanghap mo" Narinig ko ang pagtawa niya sa sinabi ko.

"Kung gusto mong magselos, magselos ka. Kung gusto mo kong ipagdamot, ipagdamot mo. You can do whatever you want since you're my queen"

"Hindi ko pwedeng gawin yun" Nakita ko ang pagkunot ng noo niya ng sabihin ko yun "W-Wala namang t-tayo"

"I'm yours and you're mine. Isn't that enough?"

"Nakakalito ang sitwasyon natin, Supremo. Hindi ko alam kung anong meron sa atin dalawa. I'm just your queen, Supremo. Kahit pangalan mo nga hindi ko alam. Mga gusto at hindi mo gusto hindi ko alam. Now tell me, how can I claim you mine if I don't even know the real score between us"

Nagulat ako ng tumayo siya at nilahad ang kaliwang kamay sa akin "Hi. I'm Levine or Levi. I don't like my name because i think it's a girl's name. I don't know what got into my parents' mind to give me that kind of name. But please call me Supremo. Hmm. What i like? I like you- oh! i mean I love you. What i don't like? I don't like it when you're sad, angry but I love it when you got jealous. You're asking the real score between us? You're mine, so that means you're my girlfriend. You're to slow, Queen"

"G-Girlfriend?"

"Got a problem with that, huh?" Maangas nitong tanong sa akin.

"Hindi ko matandaan na pumayag akong maging girlfriend mo. Nanligaw ka ba? Huh?" Nagulat ako ng hilain niya ako ulit pero ngayon ay pinaupo niya ako sa hita niya. Naramdaman ko ang pagpulopot ng isang kamay niya sa bewang ko.

"I'll make an exception"

"Ha?"

"Queen, I don't really believe in courtship. I don't see myself courting a girl. If I like a girl, I'll tell her directly. No courting. But for you, I'll make an exception. I'll court you" Hinawakan niya ang pisngi ko "I'll court my Queen until my last breath"

"Levine" Nakita ko naman ang pagguhit ng iritasyon sa mukha niya.

"Queen naman" Natawa ako dahil sa sinabi niya. Umalis ako sa pagkakaupo sa kandungan niya at umupo sa tabi niya.

"Maganda kaya ang pangalan mo. Mas bagay sayo ang Levine kesa Supremo"

"Mas bagay tayong dalawa" Kumindat siya sa akin. Naramdaman ko naman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya "My queen is blushing"

Tatakpan ko sana ang mukha ko ng hawakan niya ang dalawang kamay ko "Bitawan mo ko Supremo Levine"

"Nahihiya ka?" Nakita ko na naman ang ngisi niya.

"Kanina mo pa ako inaasar. Tumigil ka na"

"I'll stop kung hahalikan mo ko" Sumimangot ako sa kanya.

"Tama na yan. Naadik ka na" Ngumiti lang ito sa sinabi ko.

"Turn around, Queen"

"Bakit?"

"Stop asking. Just turn around" Ginawa ko ang sinabi niya. Baka kasi ibalibag niya ako kapag hindi ako tumalikod sa kanya. Mas mabuti ng mag-ingat lalo na at mainitin ang ulo ni Supremo Levine. Natutuwa parin ako dahil nalaman ko na ang totoong pangalan niya. Levine.

"Levine"

"It's Supremo"

"Ano to? Bakit?"

"I've designed that necklace only for you. Did you like it" Hinarap ko ito at ngumiti ng matamis.

"Hmm. I like it. Thank you Supremo" Hinawakan ko ang kwentas na nasa leeg ko "Pero para saan to? Bakit mo ko binibigyan ng ganito? Okay lang naman sa akin na wala eh. Tsaka ang mahal siguro nito"

"You deserve everything, Queen. And I want to give everything I have for you"

"Thank you" Nagulat ako ng ngumuso siya sa akin.

"Kiss ko?" Natawa ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya. Mas lalo siya sumimangot sa ginawa ko at tinalikuran ako "Hindi ko sinabing sa pisngi mo ko halikan, Queen"

"Mahal kita, Supremo" Mabilis siyang lumingon sa akin na para bang nakakagulat ang sinabi ko. Napakagat ako sa labi ko dahil sa hiya. Hindi ko ba dapat sinabi yun? Baka kasi wala sa timing? Nabunotan ako ng tinik ng makita siyang ngumiti, kahit ang mga mata niya ay nakangiti rin.

"Say that again, Queen" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko "Please"

"Mahal kita, Supremo. Mahal na mahal kita" Napapikit ako ng halikan niya ako sa noo. I really love the way he kiss my forehead. Pakiramdam ko safe ako at hinding hindi niya ako iiwan.

"I love you too, Queen"

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon