Queen 5
"Bakit na naman kayo nandito?" Inis kong tanong sa apat pagkatapos kong kumanta. Dali dali nilang tinuro si Supremo na umiinom. Nilapitan ko siya at kinuha ang alak sa kanya "Anong ginagawa ninyo dito?"
"Sinusundo ka" Kukunin niya sana ang baso pero inilayo ko yun.
"Bakit ka umiinom?!" Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko. Bahala siya sa buhay niya "Ken, hindi ka iinom!"
"Eto ka na naman, ate. Hindi naman ako maglalasing. Iinom din sila, Kuya"
"Wala akong pakealam sa kanila kung hindi na sila makauwi mamaya" Ngumisi ang tatlo sa sinabi ko.
"Talaga Irene? Okay lang kahit hindi makauwi si Supremo mo?" Tanong ni Bryce sa akin.
"Kahit malasing ang Supremo mo, wala kang pakealam?" Dagdag pa ni Ricky.
"Baka mamaya may babaeng lumapit kay Kuya. Tapos lasing pa siya, hindi makakapalag. Marape" May pailing iling na sabi pa ni Ken. Tinignan ko si Supremo.
"Wag kang iinom. Magpapaalam lang ako. Uuwi na agad tayo!" Sumimangot siya dahil sa sinabi ko. Narinig ko naman ang tawa ng tatlo.
"Hindi pa naman ako nakakainom ng marami, Queen"
"Hindi nga pwede! Magdri-drive ka pa"
"Queen, tatlong baso pa lang ang naiinom ko" Napakagat ako sa labi ko. Wala akong magawa kundi gawin ang tinuro ni Carry sa akin kanina.
"Your drink or your queen?" Napatingin si Supremo sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Nakita ko ring natigil ang tatlo sa sinabi ko. Kapag hindi to umubra, sisipain ko talaga si Carry!
"Of course, I'll choose my queen" Sagot ni Supremo habang nakangiti. Tumango ako sa kanya at itinago ang ngiti sa pamamagitan ng pagkagat ng labi ko.
"Magpapaalam lang ako" Nagpaalam ako kina Carry at sa pinsan niya. Kahit maaga pa, kaylangan ko ng umalis. Naman oh! Nakakaisang kanta pa lang ako aalis na ako! Kasalanan to ng apat. Mababawasan ang sweldo ko dahil sa kanila.
Nang makarating kami sa bahay ni Supremo qy dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Tinignan ko ang walk in closet ko. Noon, hindi pa to napupuno pero ngayon ang rami rami ng damit. Sinuot ko ang pajama at t-shirt para matulog.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Supremo ng makita kong naka upo siya sa kama ko.
"I can't sleep. Can I sleep beside you?"
"No. Labas na. Matutulog na ako!" Nakita kong naging malungkot ang mukha nito. Lately nakikita ko ang pagbabago kay Supremo. Hindi na siya tulad ng dati na malamig at walang emosyon ang mukha. I somehow like his changes. Bumuntong hininga ako "Labas na, Supremo!"
"But I want to sleep beside you"
"No!" Tinuyo ko ang buhok ko atsaka humiga sa kama "Umalis ka na! Matutulog na ako!"
Nagulat ako ng tumayo ito at lumapit sa akin. Bigla niya akong binuhat at pumunta sa pinto kung saan ang kwarto niya.
"Hey! Supremo bitawan mo ko! Ano ba?!" Marahan niya akong inihiga sa kama niya at mabilis na humiga at niyakap ako ng mahigpit "Ano bang ginagawa mo?! Ayoko sabi diba?"
BINABASA MO ANG
Supremo's Queen (COMPLETED)
Teen FictionWhen Irene knew that her younger brother joined a group that envolves hurting people, she was determined to convince her brother to leave the group. But if her brother leave the group, he might end up 'dead meat'. Nobody leave the group without the...