Queen 22

3.1K 87 4
                                    

Thank you for waiting. Enjoy!

***

Queen 22

Ngumiti ako sa kanya at lumapit "It's been a while, Supremo"

Hindi ito nagsalita at tinignan lang ako. What is in his mind right now? Hindi ko mabasa ang nasa isip niya, kahit noon pa ay hindi ko mabasa ang iniisip niya. Lumapit ito sa akin. Napa-atras ako sa ginawa niya. Patuloy ako sa pag-atras palayo sa kanya pero damn! Patuloy rin siyang lumalapit sa akin! Natigil lang ako sa pag-atras ng maramdaman ko ang matigas na pader sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko ng iharang niya ang dalawang kamay niya na parang kinukulong niya ako.

"Anong ginagawa mo?" Tinignan ko siya ng masama.

"What are you doing here?" Hindi ko alam kung bakit nanigas ako ng marinig ko ang boses niya. It's been two years. Two years since hindi ko siya nakita. Pumikit ako ng mariin. What am i doing? The man I hate the most is in front of me but I can't do anything. I wanna slap or even punch him in the face. I wanna tell him what I want but I can't. I couldn't speak nor move. What is happening?! He hurted me pero bakit parang naglaho lahat ng ginawa niya noon sa akin? "You shouldn't be here"

"Pupunta ako kung saan ko gusto" Mahinang tugon ko. Hindi ko siya kayang tignan sa mata.

"Look at me, Irene" Nag-uutos nitong sabi pero hindi ko siya sinunod. Hindi ako tulad ng dati na palaging sinusunod ang mga gusto niya "I said look at me"

"Ayoko. Pakawalan mo ako, Supremo"

"Eyes on me" Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Sinalubong ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin.  "Tatanungin ulit kita at sasagutin mo ko ng maayos. Bakit ka nandito?"

"I've already answered that question! Wala kang pakealam kung saan ako magpunta! Buhay ko to!"

"I think you've forgot something" Ngumisi ito at inilapit ang bibig niya sa tenga ko "You're still my queen"

Tumawa ako ng sarkastiko dahil sa narinig mula sa kanya. That's it! "Talaga? I think you're the one who forgot something. Niloko ninyo ako! Pinagmukha ninyo akong tanga! Napaka kapal naman ng mukha mo, Supremo!"

"Pero hindi parin kita pinapakawalan kaya ang ibig sabihin, akin ka parin"

Hindi ko mapigilan na mainis at suntokin siya sa dibdib "What do you need, Supremo?! Hindi pa ba sapat lahat ng ginawa mo noon sa akin?! Stop ruining my life!"

"You're coming with me"

"No" Hinawakan niya ang braso ko at pilit akong hinihila. If he is some random guy forcing me to go with him kanina ko pa to napatumba but he is Supremo. I can't "Let me go!"

"Let her go, Supremo" Natigil si Supremo ng may humawak sa kamay niya na nakahawak sa braso ko "That's enough. May kaylangan ka pang gawin"

"You're out of this, Carry" Tinignan ko si Carry.

"Supremo, let her go now. What do you think you're doing? Let her go at umalis na tayo dito" Nagtiim bagang si Supremo at biglang binitawan ang braso ko. Tinignan siya ng masama ni Supremo pagkatapos ay mabilis na iniwan kaming dalawa. Nilingon ako ni Carry at ngumiti ng malungkot "I'm sorry, Irene. I'll make sure na hindi na to uulitin ng boyfriend ko"

Tinignan ko siya na hinahabol si Supremo. Boyfriend? Napakagat ako sa labi. Two years kong binaon ang nararamdaman ko at kinalimutan sila. And for two years, i've practice my line kung sakaling magkita ulit kami pero bakit parang wala akong nagawa at nasabi sa kanila? Bakit masakit parin?

"Irene" Tumakbo ako sa taong tumawag sa akin at niyakap siya. Doon nagsimulang lumabas ang mga luha ko.

"Masakit parin, Jess. Nasasaktan parin ako"

Supremo's Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon