At isang mahigpit na yakap ang ginawa ko sa kanya. Mas matangkad siya sa akin ng bahagya at medyo mas malapad ang katawan kaya para akong batang nakasandig lang sa kanya. Hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko pero sana sa yakap na ito e maiparating ko sa kanya ang gusto kong sabihin… na sana ako na lang… na kung pwede bang kahit ngayon lang e ako at siya at hindi kasama ang kung sinumang iba.
“Bakit ngayon lang?”, narinig kong sambit ni Ram pero alam kong hindi para sa akin ang tanong kung hindi para sa tadhana na siyang lumilikha ng mga bagay na ito. Niyakap niya ako ng mahigpit at ramdam ko ang pagkamiss niya sa akin. Namiss ako ng bestfriend ko, gusto niya rin akong kasama. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
Sana totoo, sana hindi sa nananaginip lang ako pero mahal ko si kumag e. Mahal na mahal pero ako kaya, mahal niya?
Ako si Aries at ito ang kwento ko.

BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Teen FictionPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-