KING POV
Nakita ko siyang nakayuko at walang tigil sa pag iyak.Nilapitan ko siya at tinabihan.Napatingin naman sya sa akin at ngumiti ng kaunti.Tss!!!
'Wag ka ng ngumiti kung napipilitan ka lang.nagmumukha ka lang engot eh tss'
...yan ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.
"Salamat...Salamat sayo."nakangiti niyang sabi sa akin sabay pat nya sa ulo ko.Ahehehe!!!Nakikiliti ako jan.sht!!!
Fck!!babe wag jan..ahahaa!!!sht!!!
"Buti pa ang mga hayop..kaya nilang protektahan ang mga mahal nila no?.Di gaya ng tao.Kahit nasa harap ko sya kanina di niya man lang ako pinagtanggol"nakayuko niyang sabi sakin.
"Bakit ba hindi nalang sya nakontento sa akin?Sabi niya mahal niya ko eh...pinangako niya dati na ipagtatanggol nya ko lagi...sabi niya sa akin hinding hindi nya ko iiwan pero bakit ngayon?bakit ngayon may kasama na siyang iba?at mas worst ay bestfriend ko pa.Ang sakit!!!Ang sakit nila sa mata!!!Tingin ko magkakasore eyes ako!!huhuhuhu!!!!"
Napatahol nalang ako dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya.Puchang babaeng to..akala ko naman yung puso niya yung masakit ngayon dahil sa break up nila pero iba sya eh...mata daw yung masakit dahil nakita nya yung dalawa.Magkakasore eyes pa daw sya.Hayyssttt!!!Nasabunutan na at lahat lahat pero nagawa pang mag joke-,-ibang klase tsk tsk!!!
"Wag ka munang tumahol...kita mong nagmomoment ako dito nakikiepal to..tsk!!!"inis na sabi nya at sinakal pa ko.Sht!!!Sabi ko nga mananahimik eh-,-
"Alam mo doggie...nakakatakot na palang magmahal no?nakakatakot ng umulit dahil baka masaktan ulit ako.Alam mo si dylan marami kaming pangarap nyan noon..pero kita mo nga naman ngayon,masaya na syang kasama ang bestfriend ko.Kung alam ko lang sana na magkakaganito di na ko umasa at naniwala sa mga sinabi niya noon.Edi sana di ako nasasaktan ngayon."
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita sya..para siyang batang nag kukwento ngayon sa akin.Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon.
Napaisip tuloy ako.....Ganito din ba yung mga naramdaman ng nga babaeng sinaktan ko noon?Ganito din ba sila umiyak?unti unti akong nagigising sa mga kalokohan na ginawa ko dati.Di ko naman alam...Di ko alam na ganito ang pakiramdam ng sinaktan at niloko.
"Kung pwede lang...kung pwede lang sana na ibalik yung mga panahong masaya pa kami..yung mga panahong mahal pa namin ang isat isa.Gusto kong ibalik lahat yon.Mahal ko pa eh...Mahal ko pa siya at nasasaktan akong makita silang dalawa ng bestfriend ko na magkasama"
Nakaramdam ako ng awa sa kanya.At galit sa mga taong nagparamdam sa kanya nito.Hindi niya deserve na masaktan.
Patuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.Gusto kong punasan ang mga yon gamit ang kamay ko.
Gusto kong sabihin sa kanya na tahan na dahil may taong mas deserve ang pagmamahal mo at taong magmamahal ng higit pa sa pagmamahal niya.
Gusto ko siyang i comfort pero ano bang magagawa ng aso diba?ang magagawa ko lang ngayon ay samahan siya.Ang manatili sa tabi niya hanggat di siya nagiging ok.Iparamdam sa kanya na di siya nag iisa.
"Tsk!!!Ang drama ko no doggie?haha!!!Sorry ahh...sorry kung nadadramahan ka na sa akin.Kailangan ko lang ilabas labat ng sama ng loob ko sa dalawang yon dahil ang sakit sakit na eh.Hayyyss...Ikaw doggy..nasaktan ka na ba?"tanong nya sa akin.
'Hindi...hindi pa ko nasaktan dahil ako ang nananakit'
"Siguro ang sakit non para sayo no?"
'Baka nga nasaktan din yung mga babaeng niloko ko'
"Ang gago ng mga lalaking manloloko no?"
'Oo at isa ako sa mga yon.Ang gago ko para manakit ng babae'
"Hoyy ikaw ahh..bat ka biglang nawala kagabi?siguro hinanap ka ng amo mo no?Tumakas ka na naman ba?Salamat nga pala kanina huh..salamat dahil pinagtanggol mo ko sa kanila.hahaha!!!tara uwi na tayo.Ipagluluto kita ng carbonara hihihi"lumakad na sya paalis at sumunod na ko sa kanya.
'Hindi mo kailangan magpanggap na masaya.Hindi mo kailangang ipakita na matatag ka lagi.Kailangan mo din ng pahinga.Sana wag na kitang makitang lumuluha.Di ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin pero pakiramdam ko ayaw kitang makitang nasasaktan dahil lang sa lalaking tulad niya.Wag kang mag alala eliana.Babantayan kita hanggat hindi ko pa nahahanap ang solusyon para makabalik ako sa dati...mananatili ako sa tabi mo.Babantayan kita kahit sa malayo.Poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko.Pangako ko yan sayo.'
***
A/N:Sana nga king..sana matupad mo lahat ng sinabi mo..sana magbago ka na..hahaha!!Lah!!!Ang sweet ni king no?Narealize nya na lahat ng pagkakamali niya.What's next?hahaha!!!
BINABASA MO ANG
My stalker is a Mysterious Dog
Lãng mạnIsang manlolokong lalaki na isinumpa na maging isang aso.. Isang broken hearted na babae na lagi nalang umiiyak ng dahil sa manlolokong Ex nya... Maibabalik pa kaya sa pagiging tao si king?.... Makakahanap pa kaya ng happy ending si Eliana? Paano ka...