Chapter 16

5 1 0
                                    

ELIANA POV

Kakauwi ko lang galing ng school,hinatid ako kanina ni prince dito.Hanggang ngayon ay nananakit pa din ang katawan ko.Hindi nga ko makalakad ng maayos eh suspended pa ako ng 2 days dahil nga sa nangyaring gulo kanina samantalang si Coreen ay 1 week suspended sya dahil nalaman ni Maam santos na sya ng nagpaklat ng Fake news.Hayysss!!!

Totoo kaya yung sinabi niya hiwalay na sila ni Dylan?Ang kapal ng mukha niyang hiwalayan si Dylan.Matapos ko siyang ipaubaya ang taong mahal ko sa kanya ganyan lang pala ang gagawin niya!!!

May narinig akong nag doorbell kaya kahit hirap na hirap akong bumangon ay ginawa ko pa din ara pagbuksan kung sino man ang kumag na bisita ko ngayon.

Nang mabuksan ko na yung pinto ay bumungad sa akin ang di inaaasahang panauhin.Oh well, speaking of my Ex boyfriend.Siya yung taong nakatayo ngayon sa harap ko.

Tinitigan ko siya ng malamig gaya ng pagtitig niya sa akin nung mga panahong niloloko nila ko ni Coreen.Anong ginagawa niya dito?Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin pagkatapos ng lahat ng pananakit na ginawa nila sa akin!!!

"Anong ginagawa ng isang kutong lupang manloloko dito sa pamamahay ko?"tanong ko at pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Babe"

"DONT YOU DARE TO CALL ME BABE!!!DAHIL WALA KA NG KARAPATAN!!!SIMULA NUNG IWAN MO KO AT IPAGPALIT SA BESTFRIEND KO MAY GANA KA PANG TAWAGIN AKO NG GANYAN!!!"

"Sorry"nakayuko niyang sabi sa akin.Yan ganyan nga!!!Hindi pa sapat ang salitang sorry sa lahat ng sakit na dinanas ko.

"Sorry kung nasaktan kita Eliana.Hindi ko naman ginusto ang lahat eh.Tinakot niya ko.Tinakot niya ko na mapapahamak ka daw kung di pa ko makikipaghiwalay sayo.Hindi ko ginusto na gawin lahat ng mga bagay na ginawa namin sayo.Sorry kung naging mahina ako babe.Sorry kung pinili kong iligtas ka kaysa piliin ang kaligayahan ko sa piling mo.Hindi totoo lahat ng sinabi niya sayo.Hindi ko siya minahal dahil una palang ay ikaw na ang mahal ko.Sorry kung nasira ko ang tiwalang binigay mo.Sorry kung hanggang ngayon nasaktan ka sa maling desisyong pinili ko.Sana mapatawad mo ko El"

Nagulat ako sa mga sinabi ni dylan sa akin.Dapat ko ba siyang paniwalaan?Bakas ang pagsisisi sa mukha niya at sincerity sa paghingi niya ng tawad.

Ibig bang sabihin ginawa niyang lahat ng yon para sa kapakanan ko?

"A-anong ibig mong sabihin?Na ginawa mo lang yon para iligtas ako?Bakit di mo sinabi sa akin agad Dylan!!!Bakit kailangan mong sarilihin yan!!!Bat kailangan nyo pa kong saktan at paiyakin?Bakit pinagmukha mo kong tanga!!!!Bakit hinayaan mo kong kamuhian ka!!!Bakit??!!!"

"Dahil mahal kita El..At ginawa ko lahat yon para sa kaligtasan mo!!!Mas matatanggap ko pang kamuhian mo ko kaysa makita kang nasasaktan kung hindi ito ang desisyong pinili ko!!!Hindi kita pinagmukhang tanga El!!!Ginawa ko lang ang nararapat na gawin para maligtas ka!!Sinakripisyo ko ang pagmamahal ko sayo para sa kaligtasan mo.Maniwala ka naman sa akin El..Mahal pa din kita.Sana mapatawad mo ko sa mga kagaguhang ginawa ko."nakaluhod sya sa harap ko ngayon.

Kaya pala biglaan ang pakikipaghiwalay niya sa akin.Ngayon alam ko na kung bakit.

"Naniniwala na ko sayo Dylan.Naiintindihan ko ang mga rason mo.Salamat sa pagiging concern sa buhay ko.Salamat sa pagsasakripisyo ng pagmamahal mo.Papatawarin kita pero hindi ngayon.Mahirap magpatawad dahil nandito pa rin sa utak ko lahat ng mga akala kong panlolokong ginawa niyo.Kaya kitang patawarin pero hindi ngayon Dylan...Hindi ngayon yung panahong yon.And one more thing...Mahal?Tinatanong mo kung mahal pa ba kita?Siguro oo...pero hindi na gaya ng dati.Kung nag aassume ka na maibabalik pa natin sa dati ang relasyon natin well wag ka ng umasa..Ayoko munang isipin ang mga bagay bagay na yan."

Ayoko munang umibig ulit.Pahinga muna ako sa lovelife ko.

"Naiintindihan ko Eliana.Alam kong hindi na madaling ibalik sa dati ang lahat.Pero babawi ako sayo.Pangako.Pero pwede ba tayong maging magkaibigan?Kahit maging kaibigan nalang kita.Sana pumayag ka na maging kaibigan ulit ako"

Nagpuppy eyes pa sya sa harap.Sht!!Eliana..wag kang magpapadala sa pagpapacute niya!!Tandaan mo galit ka pa sa tanong yan.

"Pag iisipan ko.Pwede ka ng umalis dahil magpapahinga pa ako"

"Sige aalis na ko.Hihintayin ko ang tamang panahon para mapatawad mo ako at maging magkaibigan ulit tayo.Hanggang sa muli Eliana.Mag iingat ka.Mahal pa din kita kahit ayaw mo na."

Ngumiti sya at niyakap ako..kumalas din agad sya ng yakap at nag salute sa akin bago tumalikod at tuluyang umalis.

May part sa akin na masaya ako dahil nalaman kong hindi niya naman pala ako totoong niloko.May part din sa malungkot dahil saideyang pinili niya ang kaligtasan ko kaysa sa kanyang kasiyahan.Balang araw mapapatawad ko din siya.Naging biktima lang din siya ng kasamaan ni coreen.

Sinarado ko na ang pinto at papaakyat na sana ako ng hagdan patungo sa kwarto ko pero bigla na namang may kumatok.Hayyssttt!!!Ano na naman bang kailangan mo Dylan!!!

Naiinis akong bumalik sa pintuan at binuksan ang pinto.Ready na sana akong sigawan ang taong yon kaso napatigil ako nung makilala ko kung sino ang panibagong bisita ko.

Dugdug Dugdug Dugdug

Eto na naman ang kakaibang bilis ng tibok ng puso ko na nangyayari lang kapag nakikita ko sya.

Anong ginagawa niya dito?

Mga tatlong minuto na akong nakatitig sa kanya at ganon din siya sa akin.Naiilang ako sa titigan namin pero di ko magawang umiwas ng tingin dahil nagagandahan talaga ako sa mga mata niya.Ang sarap kasi nitong titigan eh.

Natigil lang ako sa pag dedaydream ko sa kanya nung bigla siyang nagsalita.

"Good Evening My Queen..Uhmm you know..kanina pa ko nangangawit sa pagtayo dito,baka pwede mo kong papasukin sa bahay mo"

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.Aish!!!Bat ko nga ba kasi siya di painapasok agad eh.Waaahh!!!Nakakahiya>_<

My stalker is a Mysterious DogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon