Chapter 21

6 1 0
                                    

ELIANA POV

Lunes ngayon kaya may pasok na naman.Wala kaming ibang ginawa ni shion nung weekends kundi magmovie marathon.Hahaha!!Siya yung tipo ng lalaking hindi showy..yung parang kontento na siya lagi na kasama niya ko.Nagtataka nga ako kung bakit tuwing gabi lang ang punta niya dito sa bahay eh..nung tinanong ko naman siya ang sabi niya busy daw kasi siya maghapon kaya gabi niya ko nabibisita.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa school kasama ko si doggie.Ewan ko ba sa asong to,pag wala si shion siya lang ang kasama ko.Magaan talaga ang pakiramdam ko pag kasama ko si doggie.Para bang pag kasama ko siya ay kasama ko na din si shion.Hayyss..Ano kayang pinagkakaabalahan ng lalaking yon?Na miss ko tuloy siya

Papasok na sana kami sa school ng bigla kong maalala na ngayon na pala ang balik ni coreen mula sa pagkakasuspend niya.Tsk!!!Actually natatakot na akong makita siya dahil nga binantaan niya ko noon.Kaya hanggat maaari ayokong magkasalubong muna ang landas namin.Ayoko na siyang patulan sa kabitchihan niya king ina!!!Ibang iba na yung coreen na kaibigan ko noon sa nakikitang kong coreen ngayon.Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig sa tao no?Kaya ka niyang sirain at baguhin lahat pati ugali mo.Ganon ang nangyari kay coreen.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may humarang sa akin na mga 3 mean girls..i know this scene..Ano na naman bang nagawa ko?

Sinubukan ko silang lagpasan pero hinila ng isa ang buhok ko.King ina!!Ang sakit sht!!Unti unti na naman itong nakaagaw ng attention ng mga schoolmates ko kaya andami ng mga nanonood

"Not too fast innocent bitch"sabi sa akin nung pinakaleader nila.Napadaing ako sa sakit ng pagkakasabunot niya sa akin.

"A-ano na naman ba ang kasalanan ko sa inyo ha?"nahihirapang sambit ko.nararamdaman ko na malapit na kong umiyak sa sobrang higpit ng pagkakasabunot niya sa akin.

"Malaki.Malaki ang kasalanan mo sa amin bitch!!!Wala ka talagang kadala dala eh no?Matapos na kumalat ang mga pics mo kasama ang kambal di mo pa rin talaga sila tinitigilan!!!Nilalandi mo pa rin sila!!"Sigaw niya sa pagmumukha ko.

"Wala akong nilalandi miski isa sa kanila!!Kaibigan ko sila..Mahirap bang ipaintindi sa inyo yon?"

"Abat sumasagot ka na pala hah..akala mo kinaganda mo yan?To tell you honestly nagmumukha kang basura pag kasama mo sila King at Prince!!!At look nagdala ka pa talaga ng alaga mo dito?hahaha!!!"nakita kong si doggie na pilit kumakawala sa hawak ng mga boys.Tila ba gusto niya kong tulungan pero di siya makaalis sa mga kamay nila.King ina!!!Bat ba kasi ang hina hina ko!!Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang.

"At sino sa tingin mo ang bagay na kasama sila hah?Kayo?Kung gusto niyo edi kayo ang sumama sa kambal!!!But goodluck nalang kung papansinin nila kayo!!"nakasmirk kong sabi sa kanila na ikinagalit nila lalo.Mas himigpit ang kapit nila sa buhok ko.

"How dare you bitch!!"sabi nila.

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang sampal,sabunot at kalmot na binibigay nila sa akin.King ina!!!Sawamg sawa na ko sa mga pananakit nila!!!Gusto kong lumaban pero wala akong laban.Sht!!!

"STOP HURTING HER BITCHES!!"isangboses ng babae ang umalingawngaw sa buong hallway dahilan para matigil sila sa pananakit sa akin.

Nang lingunin ko kung sino,Nagulat ako dahil kay coreen pala nanggaling ang boses na iyon .Bakit niya ko niligtas?

"Wag niyo siyang sasaktan dahil ako lang ang pwedeng manakit sa kanya"para siyang isang demonyo na nakangisi sa harap namin.Binitawan ako nung mga babaeng nananakit sa akin kanina at isa isa silang ngumisi sa akin.Unti unti nang lumalapit si coreen papunta sa akin at ng makalapit na siya sa harap ko hindi ko inaasahan ang ginawa niya dahil bigla niya kong sinipa sa sikmura.Napahiga nalang ako sa sobrang tindi ng sakit na nararamdaman ko.

"Nagustuhan mo ba ang pagbati ko sayo?Ha?Eliana the bitch?Hahaha!!!Anong pakiramdam?Masakit ba?Kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo sa akin!!!Lahat lahat nalang inagaw mo!!!Si Dylan iniwan niya ko ng dahil sayo!!!"sabi niya at hinila niya ang buhok ko pataas at sinampal niya na naman ako ng ubod ng lakas.Tangina!!!!Ayoko na!!!

"Kahit kailan ay hindi hindi naging sayo si Dylan coreen!!!Never ka niyang minahal!!Kung hindi dahil sa pang bablavk mail mo sa kaniya edi sana maayos pa din kami ngayon!!!Ikaw ang bitch hindi ako!!!"pinilit kong magsalita sa kabila ng panghihina ko.

Alam kong mas nagalit siya ngayon dahil sa sinabi ko.Susugurin na naman sana niya ako pero dumating ang guards at pinatigil siya.Laking pasasalamat ko nahinto na sya.Nararamdaman ko na nagsialisan na ang mga tao.

"You know what?Your so lucky bitch!!Pero wag kang mag alala..malapit na kitang mapabagsak!!!Papatayin kita tandaan mo yan HAHAHAHAHAHA!!!Kaya kung ako sayo Bitch galingan mo sa pagtago!!Malapit na..Malapit na malapit na!!!HAHAHAHA!!"

Yon ang huli kong natandaan sa mga sinabi ni coreen bago ako tuluyang mawalan ng malay.

KING POV

Dinala nila sa clinic si Eliana.Sobramg dami niyang pasa sA Katawan.

'Sorry my queen,sorry kung walang akong nagawa para iligtas ka.'

Naaawa na ko sa kanya.Ramdam ko na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon.Nandito lang ako nakabantay sa kanya.Aso pa din ako hanggamg ngayon.Maya maya pa ay naramdaman ko ang presensiya ng babaeng nagbigay ng sumpa sa akin.

"Bantayan mo siya ng maigi king!!!Nararamdaman ko na may taong gustong pumatay sa kanya.Hindi ko alam kung kailan at saan magaganap, basta ang maipapayo ko lang sayo at doblehin mo ang pagbabantay ka Eliana.Kapag di mo nagawang bantayan siya ng maigi ay mamamatay siya at kapag nangyari iyon.Hinding hindi ka na makakabalik pa sa pagiging tao.Tandaan mo yan King"pagkasabi niya non ay naglaho siya agad.

Nakaramdam ako ng takot.Hindi para sa sarili ko kundi para sa babaeng mahal ko.Pinapangako ko na poprotektahan ko siya.Ililigtas ko siya kahit na buhay ko pa ang kapalit,ang importante sa akin ngayon ay mailigtas ko siya.

Nakapagdesisyon na ako.Aaminin ko na lahat lahat ng sekreto ko kay Eliana.Aamin ko na lahat mamayang gabi.Wala akong pakealam kung ano ang magiging reaksiyon niya.Ang importante..ayoko ng magtago ng sekreto sa kanya.

'Sana matanggap mo pa rin ako pag sinabi ko na sayo lahat ng sekreto ko.Sana matapos na lahat ng mga problema natin para maging masaya na tayo.Wag kang mag alala my queen.Hindi man naibigay sayo ni Dylan ang happy Ending na gusto mo.Pero gagawin ko lahat ng makakaya ko para ibigay yon sayo.'

My stalker is a Mysterious DogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon