Chapter 24

5 1 0
                                    


ELIANA POV

Lumipas ang dalawang linggo,mabilis na nakarecover ang katawan ni shion mula sa insidente.Pero wala pa ring pagbabago sa amin.Tuluyan ng nawala ang mga ala ala niya tungkol sa akin.

Alam kong ito yung kabayarang sinabi sa akin nung diwata...kapalit ng buhay ni shion ay ang pagkawala ng ala ala niya.Lahat lahat ng ala ala niya about sa akin.Kung ganito ang mga nangyayari sa amin ngayon..tatanggapin ko nalang..mas okay ng mawala ang lahat ng mga memories namin together kaysa mawala siya sakin forever.Iaadjust ko ang sarili ko para sa kanya..hindi ko siya ipepressure na alalahanin ako..Alam kong utak niya lang ang nakalimot sa kanya at hindi puso.


Ngayon Monday na naman at alam kong ngayon na siya papasok.2 months din siyang natigil sa pagpasok dahil nga sa nangyari sa kanya.


Sa loob ng 2 months,maraming nangyari.Biruin niyo una,nakilala ko siya as doggie.Pangalawa,nalaman kong siya pala ang Savior ko.Pangatlo, inamin niya na mahal niya ko .Pang apat sinabi niya sa akin ang sekreto niya.At ang pinakamasakit na ending namin ay nung mapahamak siya ng dahil sa akin at ngayon...di na niya ko naaalala.




Masakit isipin na hindi man lang kami naging masaya sa matagal na panahon.Bilang lang ang mga oras na nagkasama kami ng masaya.Nung mga time na yon,feeling ko ako ang pinakamasayang babae sa mundo dahil nalaman kong mahal din pala ako ng lalaking mahal ko.Akala ko magtatagal kami dahil mahal nmin ang isat isa pero hindi pala sapat  ang pagmamahal na yon dahil may mga darating talaga na kontrabida.King ina!!!



Kung nagtatanong kayo kung ano ng nangyari kay coreen ayon ang gaga.Nagtago at pati mga pulis di siya makita.King inang babaeng yon!!!Dahil sa kanya kaya kami nag kakaganito.Dahil sa kanya magulo na ang buhay ko.Gusto ko siyang hanapin pero di ko alam kung saan.Gusto ko siyang gantihan pero di ko alam kung sa papaanong paraan.

----------

Nandito ako ngayon sa cafeteria kumakain ng lunch kasama si Dylan.Di namim kasama si Prince dahil mula kaninang umaga di ko pa siya nakikita.Baka kasama niya si Shion.Napatigil naman ako sa pagkain ko nang marinig ko ang bulong bulungan ng mga babae sa kabilang table.


'Gosh!!Bee alam mo ba narinig kong nagbalik ang campus Hearthrob natin'




'Huh?Edi ba di naman nawala si Prince?'




'Gaga hindi siya!!!Si king ang tinutukoy ko..Bumalik na ang cassanova king.Omygosh kyaaaahhh!!!'





'Waaahhhh!!!Talaga??Kyaaaahhh!!Excited na kong makita siya!!!'



Natigil lang ako sa pakikinig nang mapansin kong nagtatakang nakatingin sa akin si Dylan.



"Ayos ka lang ba El?May masakit ba sayo?Bat tumigil ka sa pagkain mo?May problema ka ba?"sunod sunod na pagtatanong niya sa akin.





"Ahh hahah..wala namang problema Dylan.Inaantok lang siguro ako"pagsisinungaling ko sa kanya.


"Are you sure?"serosong sabi niya sa akin.Alam kong kilalang kilala niya ako dahil matagal din kaming mag on.Hindi ako basta basta makakalusot sa kanya sa mga ganitong pagkakataon.Aish!!>_<




"Yeah..h-hehehe..Ano ka ba okay lang ako no..Okay lang talaga ako"pilit na ngiting sabi ko sa kanya.Pero ramdam ko na hindi talaga siya convince sa sinasabi ko.




"Okay..di kita kukulitin ngayon..basta tandaan mong pag kailangan mo ng kausap wag kang mag hesitate na lumapit sa akin.Kahit papano naman ay may pinagsamahan tayo.Im willing to listen El."sinserong sabi niya.





Sasagot pa sana ako pero bigla akong napatigil dahil biglang bumukas ang pinto ng cafeteria.Biglang umingay ang paligid.Ang kaninang napakatahimik ay napalitan ng nakabibinging tilian ng mga kababaihan.At don ko napagtanto kung sino ang pinagkakaguluhan nila.Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng masilayan ko ulit ang mukha niya.Wala pa ring mintis..siya pa ang kaisa isang nagpapagulo mg ganito sa puso ko.



Kasama niya na naglalakad si Prince.Don  ko lang napagtanto na.sikat pala talaga sila.Maraming mga babaeng naghahabol kaya pala dati inaaway ako ng mga fangirls nila.Ngayon alam ko na kung bakit.




Nagulat ako nang mapatingin sa akin si Prince at bigla siya ngumiti.Tapos na silang mag order ng foods.Nakita kong kinalabit niya si shion at tinuro ang table namin.Napatango na lang si king at naglakad sila papunta sa table namin.



Nakaramdam ako ng tuwa dahil alam kong sa amin sila makikiupo.Miss ko na sila..Miss ko na siya..Sa loob ng dalawang linggo ay ngayon ko lang sila nakita.At sa wakas nakarating na sila sa table namin


"Hello destene.Na miss kita ahh hahaha!!! pwede bang makitable?"


Nakaupo na kayo eh..ano pa bang magagawa ko?Aish!!!


"Btw,Kamusta na ang pinakamagandang bestfriend ko?"nakangising pambobola sa akin ni prince.Asar talaga tong lalaking to..Pinakaganda pala ahh...natural ako lang naman ang kaisa isang babaemg kaibigan niya-.-






"Ayos lang naman ako prince..hoyy ikaw ahh,tigil tigilan mo nga ang mga pambobola mo sa akin.Nakakasira ng araw eh psh-.-"


Ayan Eliana.Ganyan nga...wag kang magpahalata ng affected ka kay shion na kaharap mo lang.Deadma lang girl..Kaya mo yan>_<




"Aray naman Destene huhuhu!!!Ang harsh mo naman sa akin di ba pwedeng maging gentle ka naman kahit minsan?hmp!!!Hahahaaha!!!"pagkatapos niyang sabihin yon ay tumawa siya at nakisama pa si dylan.Sige asarin niyo ko..may kalalagyan din kayo sa akin makikita niyo-_-





"Tch"

Napatigil ako sa pagtingin ng masama sa dalawang yon ng marinig ko ang boses niyang yon.Palihim akong sumulyap sa kanya at nakikita kong naiirita ang mukha niya.Pero napansin niya yatabg nakatingin ako sa kanya kaya bigla siyang ngumisi at tumingin sa akin.Namiss ko to...Namiss ko ang nga ngisi niya sa akin.Agad akong nilukuban ng lungkot sa pagkatao ko.




"You"nakangising sabi niya sa akin.





"I think i know you.."biglang kumabog ng napakalakas ang puso ko.Naaalala niya na ba?Natatandaan niya na ba ako?




"Ikaw yung babae sa hospital diba?Ikaw yung desperadang babae na nagsabi na ikaw ang mahal ko..hahaha!!!"biglang bumagsak ang balikat ko sa narinig ko.Akala ko naaalala niya na ako.Pati si prince at dylan na kanina ay tumatawa ay bigla ng sumeryoso sa narinig nila.

"Im sorry to disappoint you Miss..pero never na manyayari yon.Wala akong naaalala na nagmahal ako.Pangalan mo nga di ko alam tapos sinasabi mo na minahal pa kita?Hah!!!Baka nasobrahan ka lang sa pag iilusyon mo kaya mo nasabi yon."dagdag niya pa.



Hindi ko na talaga makayanan ang sakit ma binitawan niya sa akin.Para niyang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya.King ina!!!
Tumayo nalang ako sa upuan ko at pinikit kong ngumiti sa kanya kahit na alam kong anytime pwede nang tumulo ang luha ko.Tinitigan ko siya sa mata niya habang siya ay nakangisi pa ding nakatingin sa akin.



"Oo...s-siguro nga nagkamali lang ako non.P-pasensiya na sa inasal ko.Mahal na mahal ko lang kasi talaga yung lalaking pinagkamalan ko na ikaw eh kaya ko nagawa yon.Sorry ulit..wag kang mag alala di na yon mauulit."yon ang nasabi ko at nagmadali na kong lumabas sa cafeteria.Paglabas ko don na nagunahang pumatak ang mga luha kong kanina pa gustong lumabas.




Alam kong hindi mo alam ang mga ginagawa mo sa ngayon shion.Nakalimot ka lang...Oo, nakalimot ka lang.Hinding hindi yon magiging dahilan para sukuan kita.Dahil ang sukuan ka ang kaisa isang bagay na hindi ko magagawa.



***

A/N:Sino ang mga naiinis kay king taas ang kamay...hahah!!!Ang harsh masyado ni hari no?Huhuhu!!Kawawa naman si eliana😢What's next?Hmm...abangan😉

🌹MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA🌹

My stalker is a Mysterious DogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon