Special Chapter❤

11 1 0
                                    

At dahil napamahal na kayo kay otor..here's the special chapter😊Hope you like it mga besh😊😉

I suggest na iplay niyo po yung Beautiful in white by westlife kung meron kayo non para mas dama nyo yung ending😊Thanks po😊

KING XAVIER SHION DELAFUENTE

5 years later

Lahat naman ng storya ay may angkop na wakas..minsan malungkot at minsan naman ay masaya:)Hindi ko inaakalang sa dinami dami naming pinagdaanan ng mahal ko ay kami pa din hanggang dulo..Nagpapasalamat ako sa diyos dahil binigay niya ang babaeng karapat dapat sa pagmamahal ko at karapat dapat din na mahalin ako..

Naluluha ako habang nakatingin sa altar..nandito na ang mga magulang namin at mga malalapit na kaibigan nagpapasalamat ako dahil hindi tumutol ang mga magulang namin sa pag iibigan namin kaya wala na kaming naging problema.Sa lahat ng mga pagsubok na binigay sa amin ay proud ako dahil pakakasalan ko na sa wakas ang babaeng magiging kahati ng puso ko..ang bubuo ng pagkatao ko..Ang babaeng mamahalin ko ng buong buo..

Sa sandaling bumukas ang pintuan ng simbahan ay nagtama ang mga mata namin..hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko ngayon.Pakiramdam ko ay ako ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo..dahil sya ang babaemg pakakasalan ko..Unti unti na siyang naglakad papunta sa akin..

🎶Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece🎶

Akala ko dati..lahat ng babae ay dapat saktan,dapat paglaruan,dapat pabayaan at dapat iwan pero lahat ng yon ay nagbago mula nung dumating siya sa buhay ko.Tinuwid niya ang dating baluktot na paniniwala ko.Pinakita niya sa akin na dapat talagang irespeto ang mga babae.At nagising ako sa kahibangan ko dahil sa isang sumpa.

🎶So as long as I live I love you
Will heaven hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight🎶

Isang sumpa na binago sa isang iglap ang buhay ko.Isang sumpa na nagturo sa akin kung paano maging matino..Hindi ko expected ang pagiging aso ko noon..nagsisisi pa nga ako dahil sa sumpang iyon pero iyon pala ang magiging daan para makilala ko ang babaeng magiging isang malaking parte na ngayon ng buhay ko.



🎶What we have is timeless
My love is endless
And with this scream I
Say to the world
You're my every reason you're all that I believe in
With all my heart I mean every world🎶

Nasumpa ako dahil sa pagiging gago ko..Siya naman ay niloko ng Ex niya..Dumaan ang mga araw na nagkaaminan kami sa isat isa tapos may panibagong problema..Dahil nawalan ako ng ala ala at kinalimutan ko siya..pero di siya nawalan ng pag asa dahil pinaglaban niya ako sa abot ng kanyang makakaya..

🎶So as long as I live I love you
Will heaven hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight🎶

Nawala siya ng tatlong taon dahil inoperahan siya..lahat ng mga problemang yan ay nalagpasan namin..Pilit kaming lumaban para matupad ang aming pangako sa isat isa..At masaya ako dahil kami pa rin pala hanggang dulo...masaya ako dahil kahit madami ang kagaguhamg nagawa sa kanya ay tinaggap niya pa rin ako.


🎶And if our daughter's what our future holds
I hope she has your eyes
Finds love like you and I did
Yeah, I wish she falls in love and I will let her go
I'll walk her down the aisle
She'll look so beautiful in white🎶

Masaya ako dahil siya ang babaeng minahal ko..siya ang magiging nanay ng mga magiging anak namin at siya ang babaeng makakasama ko hanggang sa pagtanda..Siya ang kasama ko sa pagtupad ng mga pangako at pangarap namin sa isat isa.Dati ay natanong ko na din sa diyos kung bakit niya binigay sa akin si Eliana...pero mukhang ngayon alam ko na ang sagot..Siya pala ang babaeng kayang baguhin ang dating ako..Siya lang ang babaeng tinanggap ako kahit ano pa ako..Siya lang ang babaeng hindi madaling sumuko at kaya akong ipaglaban hanggang dulo...Hindi ko man siya naipagtanggol noon pero sisiguraduhin kong magiging ligtas na siya sa akin ngayon.Hindi ko na hahayaang may ibang makapanakit sa babaeng mahal ko..

My stalker is a Mysterious DogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon