PRINCE POVNanaig ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.Walang nagtangka na magsalita sa amin.Di ako makapaniwalang gagawin to ni King sa Bestfriend ko.Pinahiya niya si Destene.
Aware ako kung ano ang status ng relasyon nila.Nasabi na ni Destene ang lahat sa akin.Yung tungkol sa kabayaran kaya sila ganito ngayon.Nawalan ng ala ala ang kambal ko kapalit ng buhay niya.Alam kong napakahirap ng lahat ng ito sa kanya.
Napatingin ako kay King na ngayon ay nakangisi pa.Oo,alam ko na wala siyang alam sa mga pinaggagawa niya pero di ko maiwasang hindi mainis sa kanya.Pwede naman na manahimik nalang siya at makinig sa amin pero anong ginawa niya?Pinahiya niya si Eliana and that is bullshit!!!
"Bro bat mo naman ginawa yon?"inis na tanong ko sa kanya
"Ang alin?"
"Bat mo sinabi yon kay Eliana?!!"
Pati na si dylan ay di nakatiis at sumali na sa usapan."Ahh..yon ba?hmm..trip ko lang"pa cool na sabi niya.What the fuck is wrong with my twin!!King ina!!Bumalik siya sa dati.
I really want to punch him right now pero pinigilan ko ang sarili ko.Prince..kumalma ka okay?Walang siyang alam sa mga pinaggagawa niya..intindihin mo nalang..Tsk!!!
"Sana di na maulit to king..Wag mo ng pagsalitaan ng ganon si Eliana.Mauna na ko."nauna ng umalis si dylan.
"Alam mo bro?wala namang ginagawang masama si eliana sayo eh..wag mo siyang pagsasalitaan ng ganon dahil bestfriend ko siya.Sana nga di na maulit to bro"tumayo na ako at tinapik ko siya sa balikat then umalis na ako.Kailangan ako ni Eliana ngayon.
Habang hinahanap ko si destene.Napaisip ako kung tama ba na ipinaubaya ko siya sa kambal ko.I mean...di ko naman alam na mangyayari lahat ng to.Alam ko namang mahal talaga ni King si Eliana pero ang problema..lahat ng ala ala nilang dalawa ay nawala bigla.Aish!!!Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanilang dalawa>_<Gusto kong maging patas sa bestfriend ko at sa kambal ko.Pero sa kanilang dalawa..Si Eliana talaga ang pinakamasasaktan knowing na bumalik na ang dating ugali ni King.Tsk!!
Sandali akong napatigil dahil natanaw ko na siya.Nasa Garden siya at pansin ko din na umiiyak pa din siya.Tsk!!Naaawa ako s bestfriend ko.Gusto ko siyang patahanin sa pag iyak pero imposibleng mangyari yon dahil nasasaktan siya.Nakakalungkot lang isipin na kung sino pa ang taong kayang pagaanin ang loob niya ito rin yung taong nagpapaiyak sa kanya ngayon.
Nilapitan ko na siya at umupo ako sa tabi niya kaya napatingin siya sa akin.Walang patid ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.Ang hirap palang makita ang mahal mo na umiiyak dahil sa ibang tao.How i wish na ako nalang si King...How i wish na ako na lang ang mahal mo Eliana.Kung sanang inamin ko sayo habang maaga na mahal kita..hindi siguro aabot na puntong to eh.Hindi ka sana masasaktan ng ganito.
"Desteen,tahan na..alam kong napakahirap ng sitwasyon mo ngayon.Alam kong nasasaktan ka ng kapatid ko.Im sorry Destene.Alam kong mahal ka ng kambal ko pero wala lang siyang maalala.Wag ka nang umiyak..Isipin mong babalik din kayo sa dati ni King."
"Yun na nga xylem eh!!Alam kong mahal ako ni shion..alam kong wala siyang maalala tungkol sa amin pero ano ba ang ginawa ko!!!Ako tong si tanga na umaasa na naman na maaalala niya ko agad.Oo alam ko na mahal ako ng kambal mo,Pero di ko maiwasang hindi masaktan sa mga sinabi niya."
Hindi muna ako nagsalita..nasasaktan ako dahil harap harapan kong nakikita ang babaeng mahal ko na umiiyak ng ganito.King ina!!!Wala man lang akong magawa para patahanin siya.
"Kahit sa maikling panahon prince alam ko sa sarili kong minahal ko siya.Akala ko magiging masaya na kami eh..Akala ko magiging normal ang pagsasama namin.Tanda ko pa nung gabing sinabi niya sa akin lahat lahat...sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ko.Ang akala ko pagkatapos mg sumpa niya ay maibabalik na sa dati eh.Pero parang salungat yata ang tadhana sa amin..kung pwede ko lang na ibalik ang oras.Ibabalik ko yung mga sandaling iyon.At pipiliin ko nalang na ako yung mabaril imbes na siya.Prince...ang sakit sakit eh!!!Masyadong mabilis ang nga nangyayari sa amin.Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi man lang ako nakapaghanda sa panibagong problemang haharapin namin.Sa puntong ito,hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.Napapaisip ako kung bakit nangyari to..Napapaisip ako kung tama ba na ipagpatuloy ko ang pagmamahal ko sa kanya...tama pa ba na ipaglaban ko siya?Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang tama prince..mahal na mahal ko si Shion eh"
Napahagulhol na siya sa iyak.Awang awa na ako sa kanya.Im sorry my princess,wala man lang akong magawa para mapasaya ka.
Hindi ako makapagsalita.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.Kaya ang ginawa ko ay niyakap ko nalang siya.Eto lang ang kaya kong gawin sa kanya.Alam kong hindi ko mapapalitan si king sa puso niya.Alam kong hindi ako mahihigitan ang pagmamahal ng kambal ko sa kanya.Alam kong hindi ako ang lalaking kailangan niya at magpapasaya sa kanya.Pero mangangako akong mananatili ako sa tabi niya sa mga pagkakataong nasasaktan siya.Nakaramdam ako ng konting inggit sa kambal ko.Dahil mahal siya ng babaeng mahal na mahal ko.Pinaubaya ko noon ang babaeng mahal ko sa kanya dahil alam kong sa kanya siya sasaya pero handa akong bawiin ulit sa kanya si Eliana dahil siya mismo ang dahilan kung bakit nasasaktan siya.
'Im sorry,My princess.Ayokong masaktan ka ulit kaya gagawa na ako ng paraan para makalimutan mo siya.Pero isa lang ang maipapangako ko sayo.Kung bumalik man ang ala ala niya at narealize mo na siya pa din ang mahal mo handa kitang palayain ulit..alang alang sa kasayahan mo.'
****
A/N:Muling nabuhay ang mga Team Prince ah hahaha!!Sinong bet niyo?My queen pa rin ba?O Mya princess na?Hihihi!!!
🌹Sorry po sa late ud at salamat po sa patuloy na pagbabasa🌹
BINABASA MO ANG
My stalker is a Mysterious Dog
RomanceIsang manlolokong lalaki na isinumpa na maging isang aso.. Isang broken hearted na babae na lagi nalang umiiyak ng dahil sa manlolokong Ex nya... Maibabalik pa kaya sa pagiging tao si king?.... Makakahanap pa kaya ng happy ending si Eliana? Paano ka...