KING XAVIER SHION DELA FUENTE POVNang makatapak ako sa loob mismo ng bahay na yon halo halo na ang emosyong nararamdaman ko.Nang tuluyan na akong makapasok ay may mga ala alang biglang bumabalik sa utak ko.
May nakikita akong aso..Aso na parang napakapamilyar sa akin..na para bang connected kaming dalawa..
Pinagpatuloy ko pa din ang paglilibot sa buong kabahayan.At habang patagal ako ng patagal ay parami ng parami ang mga imaheng pumapasok sa utak ko.Mga imaheng minsan ako..pero kadalasan Aso.Napapikit ako ng sumakit ang ulo ko kasabay ng patuloy na pagpasok ng mga ala ala.
Nakarating ako sa isang kwarto..May pakiramdam talaga ako na nag stay na ako dito.Ang hindi ko lang alam kung kailan..tsk!!
Nagpunta ako sa bintana at natanaw ko dito ang labas.May isang bahay na katapat lang ng bahay ko.Pamilyar din sa akin ang bahay na ito.Nang mapatitig ako don ay nangilid ang luha ko sa di maipaliwanag na dahilan.Parang napakapamilyar ng lahat ng nakikita ko.Iniwas ko ang paningin ko sa katapat ma bahay at napatingin ako sa kalsada.Sa mismong tapat ng bahay na tinitignan ko.Parang naghahallucinate na ako dahil nakikita ko si Eliana na naglalakad...at palihim na sumusunod sa kanya ang isang pamilyar na Aso?Lalo akong napapikit kasabay ng pagtulo ng luha ko... sumakit lalo ang ulo ko.
Kasabay ng pagdilat ko ay ang pagbabago ng scene sa utak ko.Nakikita ko ulit si Eliana na puno ng pasa at sugat sa katawan..at nakita ko din si prince na parang hinatid yata siya.Nakikita ko din ang sarili ko na nakatanaw mismo sa bintana na ito habang nasasaktang pinapanood ko sila.
(A/N:If im not mistaken naglagay ako ng ganitong scene nung mga panahong aso pa si king.Hindi ko lang alam kung anong chapter hehehe✌)
Iniwas ko ang paningin ko sa sa labas at ibinalik ko na ang paningin ko sa loob.Iginala ko ang paningin ko..nahinto ang paningin ko ng mahagip ng paningin ko ang isang maliit na notebook.Nilapitan ko ito at takang tinignan.Wala naman sigurong magagalit kung babasahin ko diba?hmm..
Nang mabuksan ko ang maliit na notebook nabigla ako sa bumungad sa akin.Para itong isang diary dahil may mga date pa ito.Pero ang mas kinagulat ko dito ay nararamdaman kong ako din ang gumawa nito.Kaya kahit na naguguluhan ako..ay pinili ko pa din basahin ito..call me gay or OA pero ang bigat talaga ng pakiramdam ko at parang gusto na namang tumulo ang luha ko habang binabasa ko yung nakasulat...
⬇⬇⬇
Apr.XX,201X
Unang araw na naging aso ako at pinakaworst na nangyari sa buhay ko dahil naisumpa ako sa kagaguhan ko..pero may isang bagay akong pinagpapasalamat dahil may advantage din pala ito kase nakilala ko ang babaeng di ko inakalang mamahalin ko.Hayst...di ko nga alam kung bakit ko nga ba sinulat to eh..hmm..siguro masaya lang ako.Araw araw ko siyang sinusudan..Araw araw ko siyang ginagabayan..Araw araw akong naiinis sa mga kadramahan niya dahil lagi niyang iniiyakan yung gagong Ex niya!!Naiinis din ako sa pagiging childish niya..pero hindi ko alam na ang inis kong iyon ay mauuwi sa pagkagusto ko sa kanya..Hindi ko alam kung kailan nag umpisa..pero di na importante yon..dahil ang importante sa akin ngayon ay siya...Ang babaeng mahal ko...Si Eliana..Habang nakikita ko sila ng kapatid ko ay nagseselos ako kaya naisipan kong umamin sa kanya.Tama!!..Aamin na ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay mahal ko na siya.Siya ang nakapagpabago sa akin.Siya ang nagpapagulo sa mundo ko.At gusto ko ay siya na ang babaemg mamahalin ko..Sana lang ay matanggap niya ang sumpa ko.At pag naayos na ang lahat ng ito ipapangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko siya sasaktan at hindi na ko magloloko.I love you Eliana Destene Jimenez...I love you my one and only Queen:*
-His King..Xavier Sean Delafuente
⬆⬆⬆
Kusa ako humibi sa mga nabasa ko.Kusang nagflashback ang mga ala ala na nalimutan ko.Si Eliana?Totoo ba yung mga sinabi niya?
BINABASA MO ANG
My stalker is a Mysterious Dog
RomanceIsang manlolokong lalaki na isinumpa na maging isang aso.. Isang broken hearted na babae na lagi nalang umiiyak ng dahil sa manlolokong Ex nya... Maibabalik pa kaya sa pagiging tao si king?.... Makakahanap pa kaya ng happy ending si Eliana? Paano ka...