Chapter 22

6 1 0
                                    

KING POV

Naihatid na nila prince si Eliana dito sa bahay niya samantalang ako nagpaiwan dahil gusto ko siyang bantayan.

Malapit ng kumagat ang dilim,malapit na din akong magpalit ng anyo.Iniisip ko kung paano ko maipapaliwanag ka eliana ang lahat ng ito.Sana maintindihan niya ako hayst!!

Hanggang ngayon ay tulog pa din si Eliana.Pinatulog kasi siya ng kambal ko dahil kailangan niya talaga ng pahinga.

Nang makita kong malapit na ang oras ng pagpapalit ko.Agad na kong sumampa sa kama niya at dahil nga aso ako dinilaan ko yung mukha niya para gisingin siya.Sa ginawa kong iyon unti unti siyang nagising at minulat ng marahan ang mata niya.

"Oh doggie..bat nandito ka pa?Gabi na ahh baka hanapin ka ng amo mo sa inyo"namamaos na sabi niya.Pasensiya na reyna ko..kailangan kitang gisingin para malaman mo na ang lahat lahat.Ayoko ng maglihim sayo.Gagawin ko to para na din sa ikabubuti ng relasyon natin.

Sa pagpatak ng alas syete ng gabi.Bumaba ako ng kama at tumayo sa harap niya at binalot ko na ang sarili ko ng puting roba para di makita ni eliana ang di dapat makita pag naging tao na ako.Taka naman siyang tumingin sa akin.

Unti unti kong ipinikit ang mata ko at dinama ang pagbabagong anyo ko.Mula sa Aso ay naging tao ako.Alam kong gulong gulo na si Eliana pero kailangan ko na talaga itong gawin.

Ramdam ko sa sarili ko na tao na ako.Ramdam ko din na wala na ang liwanag na bumabalot sa akin.Kaya binuksan ko na ang mga mata ko at mabilis na tumitig kay Eliana.Nakikita ko ang gulat sa kanyang mga mata.Tila ba nagtatanong ito kung ano ba talaga ang mga nangyayari ngayon.

"S-s-shion?B-bakit?"gulong gulo na tanong niya sa akin

"My Queen..makinig ka sa akin ha..Yung mga nakita mo kani kanina lang..totoo lahat yon.Maniwala ka man o sa hindi pero nangyayari talaga ito.Ako at yung asong si Doggie ay iisa.Eliana alam kong mahirap paniwalaan ito.Alam kong gulong gulo ka na rin sa mga nangyayari pero wag kang mag alala dahil ipapaliwanag ko sayo ang lahat lahat kaya sana makinig ka ng mabuti."tumango lang sya bilang tugon

"Bago kita makilala o bago ako naging ganito ay marami ako pinapaiyak na babae,marami akong niloloko,sinasaktan,pagkatapos ko silang gamitin ay iiwan ko nalang,wala akong sineseryosong babae ng mga panahong iyon.In short Isa akong dakilang Playboy noon."wala pa din siyang response mula sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Noon masaya ako pag may nasasaktan akong babae.Imbes na maawa ako sa kanila ay mas na tetempt akong saktan at lokohin sila.Dahil feeling ko lahat ng babae sa mundo ay malalandi,walang kwenta,mukhang pera at manloloko.Kaya ko ginagawa lahat yon."tinignan ko ulit siya at ngayon binigyan niya na ako ng blankong tingin.Alam ko.Alam kong nagagalit siya sa mga oras na ito.

"Until one day,may nakasalubong akong isang babaeng napakaganda.Masyado akong nabulag dahil sa kanyang ganda at di ko alam na siya paa ang babaeng maglalagay sa akin sa sitwasyong ito.Siya ang babaeng nagsumpa sa akin at ginawa niya kong Aso."

"Sabi niya ay kailangan niya kong parusahan dahil sa dami na ng babaeng niloko ko.At sinabihan niya ako na ako na daw ang manghahabol ngayon at ginawa niya na kong aso.Ang sabi niya ay tunay na pag ibig lang ang solusyon para maibalik niya ko sa dati.Nung una hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin.Hindi ko tanggap ang anyo na binigay niya sa akin.Sinisisi ko siya kung bat ako naghihirap ngayon.Naging miserable Ko noon pero nagbagong lahat yon simula ng makilala kita."

"Nung una mo kong nakita ay pinasok mo na agad ako sa bahay mo.Hindi ka nagdalawang isip na kupkupin ako.Doon ko naisip na hindi naman pala lahat ng babae ay masama.Sayo ko lang naramdaman non ang pagtanggap kahit ganon ang anyo ko."

My stalker is a Mysterious DogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon