ELIANA POVNAKAKAINIS.Nakakainis yung lalaking yon.Pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ko tsaka sya hindi mag papakita!!!Di ko tuloy alam kung pinapaasa nya lang ako or what!!Wala kong ideya kung ano ang tumatakbo sa isip niya!!!
Dalawang linggo.Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong umamin siya sa akin.Dalawang linggo na akong naghihintay sa pagbabalik niya.Dalawang linggo na akong umaasa na sana nandito sya para patunayang totoo nga yung sinasabi niya.King ina!!!Sana hindi nalang nya sinabi na gusto niya ko para hindi nagulo ang isip at utak ko.
Napagpasyahan kong lumabas para maalis sa isip ko yung lalaking iyon.Alam kong masyadong mababaw to pero feeling ko naiiyak ako.Feeling ko mararanasan ko na naman ang masaktan at maghintay sa wala.Aamin amin sya sa akin pero nasam siya ngayon?Bakit di na siya nagparamdam sa akin?
Nakarating ako dito sa parke malapit sa school namin.Pumunta ako sa pinakadulo ng parke kung saan pwede akong umiyak ng walang nakakapansin.
Ganito na ba ang mga lalaki sa panahon ngayon?Paasa?Manloloko?
Pagkatapos ka nilang hayaang mahulog sa mga salita nila tsaka naman sila mang iiwan sa ere na parang walang nagyari?Tulad ng ginawa ni shion sa akin.Oo umamin na nga siya ng nararamdaman niya pero nawala na siya ngayon na parang bula.Ni anino man niya di ko na nakita.Kung kailan naman narealize ko na na gusto ko din sya tsaka naman niya ko iniwan.Kahit sa konting panahon pa lang kami nagkakilala nagkagusto na ko sa kanya.Nung una ko palang siyang makita don sa restaurant alam kong may kakaiba na akong naramdaman sa kanya.Ibang pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman sa kahit sinong lalaki.Miski sa Ex kong si Dylan.
Nakayuko lang ako habang nakaupo dito sa swing sa dulo ng parke.Biglang kumulog ng malakas at unti unti ng bumuhos ang ulan.Habang patagal ng patagal lumalakas ang patak nito.Ramdam ko din ang lungkot ng paligid na tila ba nakikisabay sa kalungkutan na nadarama ko ngayon.Basa na ang damit ko pero wala akong pake alam.Patuloy pa din ang pagpatak ng luha ko na di na mahahalata dahil basa na din ang mukha ko ng ulan.
Sa mga oras na ito.Gusto kong umiyak lang ng umiyak.Umaasa ako na sana pagkatapos kong umiyak dito ay malimutan ko na din sya.Marahil nga ay sinabi lang ni shion yon para pagtripan lang ako.At ako naman tong si tanga..naniwala sa kanya.
Madilim na ngayon pero wala pa ring tigil ang ulan.Wala pa din akong balak umuwi.Ang gusto ko ngayon ay umiyak lang.Yon lang.
"My Queen"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig kong muli ang boses niyang yon.Posible bang sa sobrang pagka miss ko sa kanya pati boses niya naririnig ko na?Tsk!!!Mahal ko na ata talaga ang lalaking yon.
"Mukhang nabibingi na naman ang Reyna ko.Di na naman niya ko nililingon ngayon.Nag aalala tuloy ang king niya"parang nagpaparinig na sabi niya.Teka...totoo ba to?Nandito ba talaga si shion?Binalikan niya ulit ako?
Dahan dahan akong nag angat ng tingin at nakita ko syang nakatayo sa harap ko.All black ang suot niya mula taas hanggang baba.Sht!!Bat ang hot nya ngayon?
"Totoo bang nasa harap na kita shion?Di ba ko namamalikmata?"naninigurado kong tanong sa kanya.
"Sino sa tingin mo yung kausap mo ngayon?Multo?Tsss.."
Napangiti ako dahil sa pagsusungit ng boses niya.Hihihi!!Na miss ko sya.Na miss ko ang lalaking to.
"Naninigurado lang naman ako shion.Di ako makapaniwala na nandito ka...Na binalikan mo ko"sabi ko sa kanya.
"Hinding hindi kita iniwan My queen..nandito lang ako lagi..nakabantay lang ako sayo..pinagmasdan kita mula sa malayo."
Eh?Hindi nya ko iniwan?Bakit di sya nagparamdam sa akin?
BINABASA MO ANG
My stalker is a Mysterious Dog
RomanceIsang manlolokong lalaki na isinumpa na maging isang aso.. Isang broken hearted na babae na lagi nalang umiiyak ng dahil sa manlolokong Ex nya... Maibabalik pa kaya sa pagiging tao si king?.... Makakahanap pa kaya ng happy ending si Eliana? Paano ka...