KING POV
Nakapag plano na ko.Kailangan kong mas mapalapit kay Eliana.Aso man ako o tao.Di ako makakapayag na mahulog siya sa kambal ko.Hindi ko matatanggap yon.
Naghahanda na ako ngayon dahil balak kong sumama na sa kanya sa school.Nagdala ako ng isang maliit na bag na naglalaman ng damit ko para kung sakali mang abutin ako ng dilim ay pwede akong makapagpalit.Para tuloy akong K-9 unit sa itsura ko-,-hayysstt...hayaan ko na ngalang dahil para rin naman to sa babaeng gusto ko.
Lumabas na ko sa bahay matapos ayusin ang lahat.Saktong paglabas ko ay nakita ko ang kambal ko sa tapat ng bahay ni Eliana.Nilapitan ko sya sa aso kong anyo.Takot sa aso to eh hahaha!!!
Palapit ako ng palapit sa kanya at nakita na niya ako.Takot agad ang rumehistro sa mukha niya.
"W-wag kang lalapit.Mabait ako..wag mo kong kagatin.Di ako masarap huhuhu!!!"
Sira ulo talaga tong kambal ko.Di ko naman talaga siya kakagatin eh.Kahit na may pakiramdam akong may gusto siya kay eliana lalaban pa din ako ng patas.Kilala ko ang isang to.Kung ako yung tipong nanloloko ng babae siya naman yung tipong seryoso.Magseryoso.yan yung bagay na hindi ko kayang gawin.
Nandito ba sya para sunduin si Eliana?Tsk!!!Bakit pa?Eh andito naman ako eh..tss-,-Nakakainis!!!
Lumabas ma si eliana.Nagulat pa ito dahil di niya siguro inaasahang susunduin siya ni Prince.Tch!!!
"Goodmorning My beautiful bestfriend."nakangiting bati ni prince at kinuha niya ang kamay ni eliana at hinalikan niya ito.
King ina!!!Bat kailangan niya pang halikan sa kamay si Eliana?Pwede namang simpleng batian lang diba?Kitang kita ko din kung paano namula ang mukha ng babaemg to.Tch!!!Yun lang nagblush na sya?Paano pa kaya kung ako na ang gumawa ng strategy baka mahimatay siya sa kilig.Bwisit!!-,-
"Ahh..goodmorning din xylem.Ano nga palang ginagawa mo dito?hehehe!!!"
Tch!!Malamang sinusundo ka niya.Tsk!!Slow naman ng babaeng to..di ko alam kung bakit sa kanya pa tumibok yung puso ko eh hayst!!!
"Gusto ko kasi na sabay tayong pumasok ngayon Destene.Total bestfriend naman kita eh.plllsssss"Si prince at nagpa cute pa sa harapan ni eliana.Tch!!!Mas cute ako jan.hmp!!!
"Hahah!!!Oo na.Wag ka ng magpacute jan xylem.Cute ka na"
Napatahol ako nung sabihin ni Eliana yon.Aba!!Sa harap ko pa talaga siya gumanyan.Di ba niya alam na nagseselos ako!!!
"Ayy dogie haha nanjan ka pala.Bat ka nandito baby huh?"
Ayy wala...wala ako dito...anino ko lang siguro to-,-Nakakainis tong babaeng to!!!Busy ka kasi kay Xylem kaya di mo ko napansin!!!
"Bagay sayo yung mini bag mo huh..hihihi!!!Ang cute mong tignan baby ko"
Hmm..ganyan nga.Ako lang dapat ang cute sa paningin mo.hahaha!!!Lumuhod siya sa akin at pinat ako sa ulo.At dahil nakayuko siya agad kong dinampi ang ilong ko sa Pisngi niya.nakakainis naman maging aso oh!!!Imbes na labi ko yung dumampi hanggang ilong lang ang kaya.Hayyyssstt!!!King ina!!!
Tinignan ko naman yung itsura ng kambal ko.Nakapout na ang gago.hahah!!!Tama lang yan.Mainggit ka lang jan!!!bwahahaha!!!
"Sabi mo ako yung cute?Bat pati yung aso sinabihan mo?huhuhu!!!"pagdadrama ni prince.Tsss!!!
"Hahaha!!!Tampo ka namang xylem.O sige kayong dalawa na ang cute..ok?Wag ka ng magpout dahil nagmumukha kang bibe"
Bwahahahhaha!!!Yan kasi may pa pout pout pang nalalaman nasabihan ka tuloy na bibe.teka...mukhang bibe?edi ba magkamukha lang kami ni xylem dahil nga kambal kami?edi pati ako mukhang bibe?Hell NO!!!
"Hmp!!!Ang bad mo destene ah...Masyado akong gwapo para magmukhang bibe.Hahaha!!!Tara na nga,baka ma late pa tayo"
At bigla niyang hinila patayo si Eliana.At naglakad na sila paalis.Oyy teka!!!Sasama ako eh.Tsaka bakit masyado silang magkadikit sa isat isa?Di pwede yan!!!Pwede namang maglakad ng magkalayo sila diba?tsk!!!
Sa sobrang inis ko nagpumilit ako na sumiksik sa pagitan nila.Bale..nasa gitna na nila akong dalawa.Huh!!!Alam ko mga pasimpleng galawan ni prince sa mga babae eh.Kung hindi ako sumingit sa gitna nila malamang nakaakbay na siya ngayon kay Eliana.At yon ang bagay na hindi ko papayagan.Ako lang ang pwedeng umakbay sa babaeng to.Wala ng iba!!
"Sasama ka doggie?"
Tumahol lang ako para sabihing oo.Di naman kasi ako nakakapagsalita at tanging pagtahol lang ang kaya ko.
"HAHAH!!!Mukhang sasama ka nga.Kaya pala naka bag ka din no?"
Tinignan ko nalang siya.Tinatamad na kasi akong tumahol.-,-
"Teka parang ako naman ang na op sa inyo ah..parang kayo lang ang nagkakaintindihan eh.Nga pala sayo ba ang asong yan destene?"
'Oo pag aari niya na ako.Pag aari niya ang puso ko.'
"Hindi sya sa akin pero parang akin na din siya.Madalas kong kasama si doggy eh.In fact niligtas niya ko nung inaway ako ng ex bestfriend ko.This dog is my savior^_^"
Malamang ililigtas kita mula sa malanding babaeng umaway sayo.Ayokong makita kang masaktan no.
"Ahh ganon ba?Ang bait naman pala niyang aso mo.Hahaha!!!Nandito na pala tayo"
Nakangiting sambit ni prince.Naglakad sila papasok ng school Kasama ako.Dinig na dinig ko ang mga bulungang nakakapagpainit ng ulo ko.Sht!!!
'Omg!!!bat kasama ni prince xylem si eliana?sila na ba?'g1
'Gosh...they are not so bagay.Mas bagay ako kay prince'g2
'Ang landi naman ng babaeng yan.Pagkatapos niya kay dylan kay prince xylem naman siya kakapit.tsk!!'g3
Napansin kong napayuko nalang si Eliana dahil sa hiya.Tinahulan ko ang babaeng nagsabi non.King ina!!!Wala siyang karapatang pagsalitaan si Eliana ng ganyan.Fucking shit!!!Wala man lang akong magawa para kay Eliana.
"Destene okay ka lang?"
Damn you prince!!!Kita na nga niya na hindi siya okay tapos magtatanong pa siya ng ganyan.Minsan talaga tanga tong kambal ko.Tsk!!
"Ahh..oo naman.Ayos lang.Di mo naman sinabing sikat ka pala sa school.Ayan tuloy feeling ko ang dami ko ng basher ngayon.hayyss"
"Sorry destene ahh..hindi ko naman alam na mangyayari yon.Sorry talaga."
"Hmm...ayos lang xylem.Sa susunod sabihin mo na ahh..para maging aware ako hahaha.Nandito na pala tayo sa room ko..hmm bye"
"Wait lang"pigil ni xylem sa kanya
"Ano yun?"
"Hmm...eh..hahaha!!Pwede ba kitang yayaing mag dinner date mamaya?Parang friendly date ganon hehehe!!!"
Confirm...May gusto nga si prince sa babaeng to.Hindi kasi basta basta nakikipag date sa mga babae yan eh.Mas gusto niya na magbasa nalang ng libro kaysa mag date.Pero ngayon nagyaya siyang mag date sila ni Eliana.Sht!!!Anong gagawin ko?Hahayaan ko nalang ba sila?No!!!Hindi pwede yon!!!Sana hindi pumayag si eliana sa alok ni prince.
"Sure,Ill go with you.Anong oras ba?"
Sht!!!sasama siya kay Prince.King ina!!!King,mag isip ka ng paraan.Di pwedeng silang dalawa lang yung mag date.Ayoko ng ideyang iyon.
"Lets meet to ***** restaurant.At exactly 7 pm."
"Okay,pupunta ako"
"Really?Thank you destene.Napasaya mo ako"at di ko inaasahang niyakap niya si Eliana.King ina!!!Nagseselos na talaga ako!!!Kanina pa to ah-,-
At dahil sa pagseselos ko.Di ko na kinaya at iniwan ko silang magkayakap pa rin don.Tangna!!!!Nasasaktan ako.Gusto ko silang paghiwalayin pero wala akong magagawa dahil aso ako ngayon.
Nakapagdesisyon na ako.Hindi ako makakapayag na masolo ni prince si Eliana sa Date nila mamaya.Di ako papayag na silang dalawa lang.Pupunta ako.Pupunta ako mamaya.Kailangan ko nang gumalaw bago pa mahuli ang lahat.Bago pa ako maunahan ng kambal ko.Magpapakita na ko kay Eliana.Eto na siguro ang tamang panahon para magkakilala kami.
BINABASA MO ANG
My stalker is a Mysterious Dog
RomansaIsang manlolokong lalaki na isinumpa na maging isang aso.. Isang broken hearted na babae na lagi nalang umiiyak ng dahil sa manlolokong Ex nya... Maibabalik pa kaya sa pagiging tao si king?.... Makakahanap pa kaya ng happy ending si Eliana? Paano ka...