Chapter 9

10 1 0
                                    

ELIANA POV

Aray!!!Ang sakit ng ulo ko>_<Teka..bakit nasa bahay na ako?sino ba ang nag uwi sa akin dito?

Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi.Hmm..Uminom ako sa bar.Tapos natatandaan kong may lalaking lumapit sa akin at balak nya sanang dalhin ako pero may biglang dumating na isa pang lalaki tapos iniligtas niya ko.Arrrgghhh!!!Sino ba yung lalaking tumulong sa akin?Tsk!!Hayaan na nga lang.

Napatingin ako sa alarm clock ko at nanlaki ang mga mata ko dahil ma lelate na ako sa school..Dali dali akong bumangon para mag ayos pero napatigil ako nang makita ko ang ayos ng kwarto ko.Bat malinis to?Sa pagkakaalam ko di ako naglinis kahapon ah...hayst!!!baka nilinis ko kagabi to kaya ganyan na.

After 30 mins. Tapos na kong mag ayos.Di na ko makakakain dahil late na late na talaga ako.Hanggang ngayon ang sakit pa din ng ulo ko pero kailangan kong pumasok dahil malapit na ang exams namin.Hayysstt!!!

Paglabas ko sa bahay ay may sumalubong sa aking aso.Teka...eto yung si doggie ah at napansin kong may kagat kagat siyang supot at parang inaabot nya to sa akin.Yiiieee ang jyot niya talaga.

"Ano yang dala mo baby doggie ko?"sabi ko sa kanya at kinuha mula sa bibig niya yung plastic.

Binuksan ko ito at naglalaman ito ng gamot sa sakit ng ulo .Teka...bat nalaman ng aso na masakit ang ulo ko?Ganon ba ko kahalata?*pout*

"Uyy baby doggie bat alam mo ang nararamdaman ko huh?Hehehe!!!pero salamat sa mga gamot.San mo ba nakuha tong mga to?baka ninakaw mo to sa amo mo ah.Ayy nako doggie ayaw ko pang makulong."sabi ko sa kanya habang pinapat ang ulo niya.Hmm..ang cute talaga ng asong tooo*0*

Tinahulan naman ako ng aso na parang sinasabi niya na hindi daw niya ninakaw yung mga gamot.Ayy hala sya...highbloodsi doggie ah hahha!!!

"Oo na po...di mo na to ninakaw..wag ka ng tumahol dyan.ahihihi!!!"

Sa sobrang pagkalibang ko sa kanya ay nakalimutan ko na late na pala ako.omg!!!!

"Doggie dyan ka muna ahh..hintayin mo ko jan mamaya ahh..malelate na kasi ako eh.Babye pooo"

Bago ako umalis.Niyakap ko muna si doggie..Ang fluffy niya*0*Kumaripas ako ng takbo papunta sa school.

Nakarating agad ako sa school dahil malapit lang to sa bahay namin.Malapit na sana ako sa room nang may nabangga akong lalaki sa sobrang pagmamadali at parang ganon din siya..na late din siguro.Nahulog sa sahig yung mga librong bitbit niya.

"Ayy nako sorry po talaga,sorry po"sabi ko sabay kuha ng libro nya sa sahig at nakayukong inabot ito sa kanya.

"Its ok miss..just be careful next time"sabi niya at umalis na.

Pagdating ko sa room nagdidiscuss na ang terror teacher namin.Patay ka Eliana>_<

"Sorry maam im late"

"Ok come in.Mamaya ko na sasabihin sayo ang parusa sa pagiging late mo"

Hayy nako.First time kong ma late.huhuhu!!!Ano kaya ang parusa ni maam?Nagpunta na ko sa upuan ko at napalingon ako sa pwesto nila dylan na sana hindi ko nalang pala ginawa dahil nakita ko ang pangit na pagmumukha ng malanding ex bestfriend ko.Tss!!

Mabilis na natapos ang isang araw at uwian na.Nga pala yung punishment sa pagiging late ko kanina ay tumulong ako na magtinda sa canteen ng school.

Na late ako ng uwi dahil may project pa kong inasikaso.Palabas na sana ako nh school pero may natanaw akong dalawang bulto ng taong naghahalikan sa di kalayuan.Ano ba naman yan...PDA sila ahh..tsk!!!

Pero napatigil ako nung nakita kong si dylan at si coreen ang naghahalikan na yon.Hindi ko alam na biglang nalang tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan sila.Nakayakap na sila sa isat isa ngayon.Sht!!!

Nasasaktan ako dahil nakikita kong parang mahal na mahal nila ang isat isa.Ang sakit pala no?Ang sakit pala na makita mo na may mahal ng iba ang taong minahal mo.Na may iba na siyang inaalagaan at hindi na ako.Na makita siyang masaya kasama ang bestfriend ko.Kitang kita ko kung paano siya ngumiti sa kanya na dati sa akin niya lang ginagawa.Siguro nga totoo yung sinabi sa akin ni coreen.Na simula palang ako na ang naging hadlang sa kanilang dalawa.Na dapat simula palang ay nakatadhana na silang dalawa.At ako naman tong si epal humadlang pa.

Naisip ko na tanggapin nalang na di talaga kami ni dylan ang para sa isat isa.Hahayaan ko na siyang naging masaya kay Coreen.Wala na kong magagawa pa dahil siya na talaga ang mahal niya.

Umiiyak akong umalis sa kinatatayuan ko kanina.Hindi ko kayang panoorin sila ng matagal dahil nasasaktan talaga ako.Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang walang tigil sa pag agos mula sa mata ko.Wala na akong pake alam kung pagtawanan ako ng mga taong makakakita sa akin ngayon.Wala akong pakealam sa kung anong sasabihin nila.Kasi di naman nila nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon eh.

Patawid na sana ako ng kalsada pero bigla akong nasilaw dahil may truck na papalapit sa kinaroroonan ko.Mukhang eto na ang katapusan ko.Pumikit ako at handa na sanang salubungin ang kamatayan ko pero may biglang humigit sa akin sa tabi ng kalsada at sa sobrang lakas ng pagkakahila niya sa akin ay parehas kaming napaupo sa kalsada.Tinulungan niya kong tumayo.

"ANO KA BA MISS!!!MAGPAPAKAMATAY KA BA HA!!!ANO BANG PUMASOK DYAN SA KOKOTE MO AT BIGLA KA NALANG HUMINTO SA GITNA NG KALSADA.HINDI PAGPAPAKAMATAY ANG SOLUSYON DIYAN SA PROBLEMA MO.KUNG MAGPAPAKAMATAY KA ISIPIN MO NALANG YUNG MGA TAONG NAGMAMAHAL SAYO!!!ISIPIN MO KUNG ANONG MARARAMDAMAN NILA PAG NAWALA KA BIGLA SA KANILA!!WAG KANG BASTA BASTA GUMAWA NG DESISYON PARA SA SARILI MO LANG!!!WAG KANG MAGING SELFISH."sigaw nung taong tumulong sa akin

Mas lalo akong napaiyak nung naisip kong may point ang mga sinabi niya sa akin.Bakit ko nga ba nagawa yon?Bakit ko nga ba hindi nagawang isipin ang mga taong masasaktan pag nawala ako.Napakatanga ko!!!Ang tanga tanga ko para gawin ang bagay na yon.Napatingin ako don sa boy na nagligtas sa akin.Kung wala siya malamang patay na ko sa mga oras na to.

"Thank you.Thank you for saving me.Kung wala ka siguro patay na ko ngayon.Sorry dahil nadamay ka pa sa katangahang ginawa ko."

"Okay lang.Basta next time wag mong iisipin na magpakamatay ah.Humanap ka ng tao na makikinig sa mga problema mo.Nandito ako.Handa akong makinig sayo."

Ngumiti siya sa akin na mas lalong nakapagpalabas ng kagwapuhang taglay niya.Gosh!!!bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko ngayon.

"Wag ka ng umiyak..sayang ang ganda mo kung iiyak ka lang"

Pinunasan niya ang luha sa mata ko.Sht!!!Ang iyakin ko na..nakakahiya naman sa kanya>_<

"Hmm..thank you and sorry talaga"nahihiyakong sabi sa kanya.

"Haha!!!Ang cute mo pag nahihiya ka.Ang sarap mong iuwi.hehehe!!!"pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi niyang iyon.Gosh nakakahiya naman to>_<

"Hahaha!!!Uuyyyy nag bablush sya.hehhe!!!Wag kang mag alala miss dahil totoo ang sinabi ko sayo*wink*"

Lord...bat po ang landi ng lalaking ito?hahaha!!!

"Ahhhh hehehehe!!!"wala kong masabi sa kanya.

"Hahaha..can i be your friend?"sya

"Sure."

"Oh really?really?hahahaha!!!You're now my bestfriem.So can i get the name of my beautiful bestfriend?"

Haha!!!Nakakatuwa sya..ang kulit nya^_^Nakalimutan ko ang lungkot ko dahil napatawa niya na ko.

"My name is Eliana Destene Jimenez.You can call me El"nakangiting sabi ko.

"Beautiful name.But i prefer callimg you Destene..Can I?"

Destene?Hmm..Not bad.haha!!!

"Yes.You can call me destene"

"Yeyy!!!Thank you Destene."di maalis alis ang ngiti sa labi niya.Hahaha!!!

"I m done with my introduction.Can you introduce yourself to me my dear bestfriend?"natatawang sabi ko sa kanya.

"Oopppsss!!!Sorry i forgot hahah!!!The handsome boy standing infont of you named Prince Xylem Sean Dela Fuente.Nice to meet you Eliana Destene"

My stalker is a Mysterious DogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon