ELIANA POV
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko.Napatingin ako sa alarm clock,7 am na.May pasok pa ako.Gosh!!!Male late na ko.Huhuhu!!!
Dali dali akong bumaba sa kama at naligo na.Pagkatapos ng morning rituals ko.Lumabas na ko ng bahay,tatakbo na sana ako pero may biglang nahagip ang paningin ko.Isang maliit na lunchbox,nasa tapat ito ng gate ko.Kinuha ko ito at may note na nakasulat.Binasa ko ito at napangiti ako.
Sometimes when you love someone who isn’t right for you, no matter how much you love them and want them back you have to let them go.. If your love does not work with that person, it just means that someone else loves you more.
Goodmorning My queen.Dont skip your meal.Happy Eating:)
-K♔
Unti unting lumilinaw sa akin kung sino ang nagbigay ng lunchbox at nagsulat ng note.Si Shion ang nagpadala.Siya lang naman ang kasama kong umiyak kagabi tsaka ginamit niya yung first name niyang king instead of shion.hmm..
Bat niya ko binigyan nito?Haist pero nagpapasalamat na din ako sa kanya dahil nag effort sya sa pagluluto.Pancakes with strawberry syrup ang laman ng lunchbox.I wonder..sya din kaya ang magluto nito?Isinilid ko muna sa bag ko yung lunchbox at tumakbo na ko papuntang school.Pagkatapak na pagkatapak ko sa gate ng school ay may kakaibang ambiance na kong naramdaman.Lahat kasi ng schoolmates ko nakatingin sa akin.Yung iba ang parang naaawa sa akin,yung iba napapailing nalang.At yung the rest.Para na nila kong pinapatay sa mga isip nila...Ano na naman ba ang nagawa ko?
Wala akong nagawa kundi makinig sa mga bulung bulungan ng iba kong schoolmates.
'Di ba siya yung babaeng nasa bulletin board?'g1
'Oo..grabe ang landi naman niya.Nilalandi niya Si Prince at si King'g2
'Oo nga..marunong siyang mamili ah dahil kambal pa talaga ang nilandi niya'g3
'Feeling inosente Pa si ate gurl pero malandi din pala hahaha!!!'g4
Teka!!!Bat ba nila ko sinasabihan ng ganyan?Tsaka bulletin?Anong meron sa bulletin?Dali dali akong pumunta sa bulletin board para matignan kung ano ba talaga ang nangyayari at pagkadating ko don ay napaiyak nalang ako sa nakita ko.Grabe..bat nila ko pinahiya ng ganito?Sino ba ang nagpakalat nito
Nakita ko lang naman sa bulletin ang mga pics namin nila king at prince.Yung isang pic ay magkasama kaming dalawa ni Prince tapos yung second pic ay nung time na paalis ako sa table namin para pumunta ng cr ,third pic ay nung magkayakap kami ni King.
Bale ang kinalabasan ngayon ay parang iniwan ko mag isa si prince at kay king naman ako sumama.Sht!!!Mali ang kumalat na balita!!!"Ohhh...look who's here girls,The ultimate bitch of the campus"napatingin ako sa nagsalita at nakita kong Si Coreen ito,kasama ng mga bagong alipores niya.Baka siya ang nagpakalat ng pics na to.Bakit niya ba ginagawa to?Di pa ba sapat sa kanya na naagaw nya na sakin si Dylan?Bakit kailangan niya pang sirain ang image ko sa harap ng schoolmates namin?
"Ano?Ano yung feeling na makasama ang dalawa hearthrobs ng school?Masaya ba?Nag enjoy ka ba kagabi ha Eliana?"
King inang babaeng to!!!San niya ba nakuha ang pinagsasabi niya.At dahil sa inis ko sinampal ko siya ng malakas dahilan para matumba siya sa mga alipores niya.
"Ano ba yang mga pinagsasabi mo Coreen.Hindi yan ang nangyari!!At wala kang karapatang sabihan ako ng bitch dahil kung meron man dito non.Ikaw yon.Kaya wag mong ipasa sa akin yung trono mo Gaga!!!"
Napapikit ako ng may dumapong sampal sa pisngi ko.
"Ganyan ka na ba kadesperada na makahanap ng pamalit kay Dylan ha?"nakangising sabi niya sa akin
"At ikaw..ganyan ka na ba ka desperadang maging famous at pati fake news pinagkakalat mo?"sagot ko din sa kanya.
"Sumasagot ka talaga huh!!"lumapit siya sa akin at pinagsasampal ako.Sumali na din ang mga alipores niya at sinabunutan pa nila ako.
Pilit akong lumalaban pero wala akong laban sa kanila.Masyado silang marami samantalang nag iisa lang ako.Wala akong laban sa mga to.Mas masakit ang mga ginawa niyang pagpapakalat sa buong school na malandi ako kaysa sa mga ginagawa nila sa akin ngayon.Wala akong nagawa kundi ang indahin nalang ang bawat pananakit nila sa akin.
"Hindi ka pa ba kontento na nasayo na si Dylan ha Coreen?Bakit kailangan mo pang gawin sa akin lahat ng ito!!!"sigaw ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Hinding hindi ako makokontento hanggat hindi ko nasisira ang buhay mo Eliana."
Bakit?Bakit humantong sa ganito?Bakit ako nasasaktan ng ganito?
"Tama na Coreen!!!Nasasaktan na ako.Pabayaan mo nalang ako.Wag mo na kong guluhin pls lang.Binigay ko na sayo si dylan kaya pls lang tigilan nyo na ko."
"Hinding hindi kita titigilan hanggat nakikita kitang masaya Eliana.Inuutusan kitang layuan si prince at lalong lalo na si King!!!Nagkakaintindihan ba tayo Eliana?"
"Bakit ko gagawin yon?Di ba nasayo na si dylan?Tsaka Kaibigan ko ang kambal kaya hinding hindi ko sila lalayuan!!!"
"Gusto ko si King at Lahat ng gusto ko nakukuha ko.Ayokong lumapit ka sa kanilang dalawa."
Natigil ang pananakit nila sa akin ng dumating ang mga guards kasama ang guidance Councilor.
"TIGILAN ANG PAG AAWAY!!!LAHAT NG KASANGKOT SA GULO.PUMUNTA LAHAT SA GUIDANCE OFFICE NGAYON DIN!!!!"sigaw sa amin nung Guidance councilor.
"Tandaan mo Eliana..Di pa tayo tapos.Kung gusto mong tumigil ako layuan mo ang kambal"
Nangagalaiting sabi ni Coreen.Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito mula nung makilala ko yung kambal.Kailangan ko nga ba talagang iwasan sila?Paano na ang pagkakaibigan namin?Dito nalang ba ito magtatapos?Kailangan ko nga ba talagang layuan Si Shion para sa ikakabuti ko
BINABASA MO ANG
My stalker is a Mysterious Dog
Roman d'amourIsang manlolokong lalaki na isinumpa na maging isang aso.. Isang broken hearted na babae na lagi nalang umiiyak ng dahil sa manlolokong Ex nya... Maibabalik pa kaya sa pagiging tao si king?.... Makakahanap pa kaya ng happy ending si Eliana? Paano ka...